Raven POV "Hoyy bruha ka may balak ka bang magmukmok dito hanggang sa mabulok ka? Aba! Apat na araw na ang lumipas at ni anino mong malandi ay hindi namin makita!" Napairap na lang ako sa nanggagalaiting Zai na nasa harap ko at parang mangangain ito ng buhay. Bwisit e' siya pa ang may ganang magalit tsk siya nga itong may kasalanan sa'kin. "Putek Raven ikaw pa itong may irap-irap na nalalaman e' ikaw itong ni kahit isang text ay wala kaming natatanggap akala namin ay patay kana kaya pumunta kami rito nagbabakasakaling may libreng kape at merienda. Hmp sayang naman buhay ka pa pala." Nang sabihin ito ni Zai ay matinding inis ang naramdaman ko kaya binatukan ko ito, at ang bwisit na palaka tumawa lang kasama si Zeine the virgin. Kasalukayan kasing nasa sala kami ginugulo kasi ng dalawang