Prologue

789 Words
Prologue LASING NA namang dumating ang ama ni Alexander. Hindi na ito bago sa bata, kabisado na niya ang kaniyang tatay. Maagang aalis ang ama niya para maghanap buhay, ang mamitas ng mga ubas sa karatig bayan para kumita at nang may mapang-inom ito. “Papà,” tawag ni Alexander sa kaniyang ama. Ngunit hindi siya pinansin nito at nagderetso na ito sa loob ng kwarto nito. Isa na namang hindi na bago sa bata, mula ng mamulat sa mundo si Alexander ganito na ang pakitungo sa kanya ng kaniyang ama. Para lang siyang isang palamuti sa kanilang bahay, masabi lang na may anak na binubuhay. Pero ang totoo niyan, sariling sikap na si Alexander para sa pang-araw-araw na pangkain niya. Dahil kahit isang sentimo wala namang ibinibigay sa kanya ang ama para makakakn siya. “Alexander, vieni qui!” sigaw ng ama niya mula sa loob ng silid nito ‘Alexander, halika nga!’ Walang imik namang sumunod lang ang bata sa utos ng ama nito. Pagpasok ng paslit nakita niya na nakahiga na ang ama nito sa sahig. Langong-lango sa alak na hindi na nagawang makarating sa kama para doon sana matulog. “È colpa di tua madre. se non mi avesse lasciato la mia vita non sarebbe stata così. Voglio essere felice di stare con lui adesso.” Paulit-ulit na itong naririnig ng batang si Alexander. ‘Kasalanan itong lahat nanay mo. Kung hindi niya ako iniwan hindi magiging ganito ang buhay ko. Masaya sana ako kasama siya ngayon.’ Kabisado na ni Alexander kung ano ang mga susunod na sasabihin ng ama niya. Na isang pagkakamali na naging mahirap lang ito. Na sana naging mayaman ito para hindi ito iniwanan ng kaniyang ina. Na hindi sana sumama sa isang mayamang negosyante ang kaniyang ina kung naging mayaman lang sana sila. “Leticia il mio amore,” paulit-ulit na binibigkas ng ama niya ang pangalan ng kaniyang ina. ‘Leticia, mahal ko.’ Naaawa ang batang si Alexander sa ama nito, ngunit wala naman itong magawa dala na rin ng batang edad nito. Inaalis na nang batang si Alexander ang sapin sa paa ng kaniyang ama nang bigla na lang itong parang nahirapan na huminga. Hawak-hawak ng kaniyang ama ang dibdib nito habang hirap na hirap ito sa paghinga. Bumangon itong pilit at inabot si Alexander upang makausap ito kahit na hirap na hirap na itong magsalita. “Alexander, promettimi che ti vendicherai di tua madre. Tutto quello che devi fare è vendicarti di lui per averlo lasciato con noi due. prometto a mio figlio.” Ani ng ama ni Alexander habang hirap na magsalita.‘Alexander, mangako ka na ipaghihiganti mo ako sa iyong ina. Lahat gagawin mo makaganti ka lang sa kanya sa pang-iiwan niya sa ating dalawa. Mangako ka anak ko.’  Bago pa man makapagsalita si Alexander tuluyan nang pumanaw ang ama nito. “Papà!” sigaw ng bata habang ito ay tumatangis. Sa edad nitong sampo, naulila na siya sa ama niya na siya na lang niyang sinasandalan para mabuhay. Sa libing ng ama nito ipinangako ng batang si Alexander na gagawin niya ang huling habilin ng ama nito. Ipaghihiganti niya ang kinasadlakan nilang mag-ama, maghihiganti siya sa kaniyang ina na nang-iwan sa kanila. Mula rin ng araw na iyon wala nang inatupag ang batang si Alexander kung hindi ang magtrabaho nang magtrabaho para kumita ng pera. Namasukan siya bilang tagapitas ng ubas sa amo nang kaniyang ama. Isang matandang binata na italiano na nagmamay-ari ng tatlong ektaryang ubasan sa kanilang bayan. Ang matanda ay may mabuting loob at kinupkop siya sa bahay nito, hindi man siya nito inampon legally itinuro naman ng matandang amo ng kaniyang ama ang lahat ng nalalaman nito. Pinag-aral rin siya ng matanda habang namamasukan siya sa ubasan nito. Kapalit din ng kabutihan nito sa kanya ginawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng negosyo ng matandang nagkupkop sa kanya. Tumayo siyang personal assistant ng matanda na lahat ginawa niya mapagaan lang ang buhay ng matanda. Naging alalay siya nito, tagaluto, taga-laba ng mga damit, taga-linis ng buong bahay. Lahat kusang loob niyang ginawa para sa matandang nagbigay sa kanya ng kung anong mayroon siya ngayon. At nang mamatay ang matanda sa kaniya inihabilin ang ubasan nito at ang bahay na kinatitirikan. Hindi siya huminto sa kung ano ang mayroon siya na minana sa matandang nag-aruga sa kanya. Pinuhunan niya ang dugo’t pawis niya mapalago lang ang negosyong pinamamahalaan niya. Naging isang magaling wine maker din siya, na siyang nagdala ng tagumpay sa pangalan niya. Ngayon kilala na siya bilang young billionaire. Kilala na ang pangalang Alexander Moretti sa buong Italy at sa buong mundo sa larangan ng paggawa ng alak mula sa ubas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD