bc

When I Found You (When Series #3)

book_age16+
695
FOLLOW
3.9K
READ
friends to lovers
self-improved
dare to love and hate
twisted
sweet
humorous
lighthearted
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Laarni Alonte's first love was like a wishy-washy mallow, shy type but naughty. She admits that her long-time crush was Dave Chua who has not been noticing her all throughout. But, it seems a fantasy becomes an intuition when accidentally their path have crossed again as workmates in a coffee shop. Iyon ang naging daan para maging close silang dalawa at matutong kilalanin pa ang isa't isa. Pero may isang sikreto si Laarni na iniingatan at ayaw niyang maging dahilan 'yon para hindi siya magawang iwan ni Dave.

All of a sudden, Dave had found out that he was truly madly in love with Laarni, on which provoke him to brought their love in the next level; and it was to marry Laarni.

Will Laarni accept his proposal or will reject him because of it's secret?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WALA NAMANG ibang hinangad si Laarni Alonte kundi ang magustuhan din siya ni Dave Chua, ang certified player sa puso ng mga babae at half chinese. Simula high school ay ito na talaga ang kaniyang gusto at nang magtagpong muli ang kanilang landas sa wedding day mismo ni Tita Shine, ang ina ni Hanna Melendez ay pinalabas nito sa mga kaibigan na lumalabas silang dalawa para mag-date. Hindi pa natapos ang kalokohan na 'yon dahil nang minsang bumisita silang dalawa ni Dave kay Sabrina matapos nitong manganak kay Baby Toph ay pahapyaw pa itong bumiro na kung p'wede raw ay sila naman daw ang gumawa. Walang kaalam-alam ang kanilang kaibigan na talagang pinaglalaruan ni Dave ang feelings niya. Hindi niya alam kung ano ba talagang intensyon nito kung bakit tila pinapaasa lang siya simula pa noon. She may hate this guy for a thousand questions but she could love it for a million reasons. At sino ba naman kasi siya para umangal, e, kahit minsan naman ay hindi nito napansin ang kagandahan niya. Malalim na ang gabi pero sumasagi pa rin sa kaniyang isipan ang mga alaalang iyon. Nami-miss na niya ang kaniyang dalawang kaibigan na sina Hanna at Sabrina ngunit ayaw niya namang istorbohin ang mga ito nang ganitong oras dahil batid niya na busy ang mga ito sa kani-kanilang lovelife. Matapos kasing maikasal ni Sabrina kay Topher ay nabalitaan niya rin na engaged na si Hanna sa boyfriend nitong si Andrei. "O, bakit para ka na namang binagsakan ng langit at lupa?" ani Sonia, ang younger sister niya na ubod ng hinhin at hindi niya akalaing magagawa nitong sabihin ang mga katagang iyon. "Tse, sis! Matulog ka na nga lang sa kuwarto mo!" inis na sabi niya. "Sungit! Ayaw mo lang sigurong paniwalain ang sarili mo na single ka pa rin hanggang ngayon," anito na ikinalingon niya. "O, sige na, ikaw na ang may boyfriend," wika niya na lalong nagpalapad ng ngiti nito. "E bakit ba kasi hindi mo magawang makipag-date sa mga lalaking naa-appreciate ang beauty mo? Hindi 'yung naghihintay ka sa wala riyan kay Dave!" anito na sandaling nagpatahimik sa kaniya. "Sis, you're getting older and you have a stable job, so it's time to make yourself happy." Napalingon siya sa sinabi ng kapatid pero ayaw niya naman ipahalata rito na labis siyang naapektuhan sa sinabi nito. "Alam mo, itulog mo na lang 'yang ka-dramahan mo, Sonia. Matutulog na rin ako dahil excited na akong makilala ang aming magiging bagong chef bukas." Tama ang sinabi niya, dahil nag-retiro na sa serbisyo ang kanilang baker chef na si Mr. Lacsamana, hindi na rin kasi kaya dahil nagkaka-edad na kung kaya't pinili na lamang nitong magpahinga at magtayo ng sariling business. At sa edad nitong forty five years old ay hindi pa rin kumukupas ang angking kapogian. "Okay, good night, sis!" anito na ikinangiti niya ng tipid. "Good night, sis." Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa coffee shop at hindi niya inaasahang mas maaga pang papasok sa kaniya ang kaniyang ka-workmate na sina Aida at Jem. Katulad niya ay mga barista rin ito at bihasa na sa pagtitimpla ng kape. Pagkalapit niya sa may counter ay pasimpleng bumulong sa kaniya si Aida, "Kausap na ni manager ang bagong chef ng Apollo's coffee shop." "Seryoso? Teka, anong itsura?" curious niyang tanong. "Siyempre, bata pa at gwapo na chinito!" masayang wika ni Jem, ang baklang barista niyang ka-workmate. Hindi tuloy niya maiwasang ma-imagine ang itsura ng chef na papalit kay Mr. Lacsamana. At sa puntong iyon ay halos malaglag ang panga niya nang sandaling lumabas ng baker room ang kanilang manager kasama ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. "Guys, I want you to meet our new chef, Mr. Dave Chua," sabi iyon ng kanilang manager na si Mr. Dwight Fernandez. Hindi niya magawang ngumiti matapos marinig ang pangalan nito at halos hindi siya makagalaw mula sa kinatatayuan nang sandaling magtagpo ang kanilang mga mata. Habang todo welcome naman dito sina Aida at Jem. "Welcome to the family, Mr. Chua!" ani Aida habang kinikilig naman si Jem sa kakatitig kay Dave. "Mata mo, Jem," pasimpleng bulong niya rito na ikinatawa lalo ni Jem. At natigilan sa pagtawa sina Aida at Jem nang marinig mismo sa bagong chef na tinatawag nito sa pangalan si Laarni. "Laarni?" "Ah, Dave.." kaswal na tugon niya. "Magkakilala kayo? Wow, what a small world, Ms. Alonte and Mr. Chua," ang sabi ni Mr. Dwight. "Kung ganoon ay hindi pala mahirap na makasundo ka kaagad namin, Mr. Chua!" sabi pa ni Aida. Lumapad ang ngiti ni Dave na lalong nagpabilis nang t***k ng puso ni Laarni. "Thank you, guys. I am excited to work with you." Saka ito nagbalik ng tingin kay Laarni, "P'wera lang sa isa riyan na mukhang hindi masaya para i-welcome ako." Doo'y nag-react kaagad si Laarni sa sinabi nito, "Ah.. h-hindi naman sa gano'n, Mr. Chua." Kapansin-pansin ang kawalan niya ng focus magmula nang makita ng dalawang mata ang binata at aaminin niyang na-miss niya ito sa kabila nang kalokohan nito. Ilang sandali pa ay may dumating na ring ilang customers at bumalik nasa baker room si Dave. Mabuti na lamang at maaga siyang nakapagmasa kung kaya't umalsa na rin ang ilang tinapay na ni-bake niya. Maging ang cakes, cupcakes at doughnuts kung kaya't nakapag-serve na rin sa mga customers sina Laarni, Aida at Jem. Dinadayo talaga ang Apollo's coffee shop dahil sa maganda nitong ambiance at masasarap na pagkain at mga kape. Bukod pa rito ay mayroon itong maliit na bookshelves sa gilid para sa mga book lovers at mayroon din na free wifi para sa mga gustong mag-internet or group studies. Malapit pa ang puwesto ng coffee shop sa school kung kaya't madalas ay puro estudyante ang kanilang customers. "Thank you for coming, please do come again, maam and sir!" masayang wika pa ni Laarni sa customer na nagbigay din ng tip sa kaniya. Doo'y hindi niya namalayan ang presensya ni Dave na nakangiti habang nakatingin sa kaniya. "Mukhang nag-e-enjoy ka, hah? Looks impressive, hindi kaya dahil magka-workmate na tayo?" anito na may kasamang pagkindat. "Tigilan mo nga ako sa kakaganiyan mo, Mr. Chua at baka patulan kita." "O, bakit? Sinasabi ko lang naman ang totoo na magaling kang barista at isa pa ay sa paanong paraan mo ako papatulan?" pang-iinsulto pa nito. Sinamaan niya lang ito ng tingin habang patuloy sa pagtanggal ng suot na apron. "Gusto mo ba ay sabay na tayong mag-break?" "Basta ba libre mo, e," nakangising aniya at inunahan na lang sa paglabas si Dave pero sinundan pa rin siya nito. Nilingon niya ito pabalik matapos niyang bumili ng yosi dahil narinig niyang muli ang tinig nito, "Nagyoyosi ka pala?" nagtatakang wika nito. "Oo, gusto mo?" "No. Pero bakit ka pa nagyoyosi? Iitim lang niyan ang labi mo at maaari mo pang ikamatay," wika nito na ikinangisi niya. "Mabuti na nga lang ang patay walang pakiramdam, e, ikaw, kailan ka kaya makakaramdam?" pahapyaw niyang biro bago pa muling humithit ng yosi. "Biro lang, ano ka ba," sabi pa niya habang nakatitig lamang sa kaniya ang binata. At doo'y hindi niya naiwasang maglabas ng saloobin. "Hindi mo alam kung gaano ako ka-depressed na magka-lovelife at magkaanak agad kahit hindi pa naman talaga ako handa, kaya idinadaan ko na lang sa yosi kapag naiisip ko ang katotohanang--" Sandali siyang natigilan sa sa sasabihin. "Katotohanang ano?" "Wala. Hayaan mo na ang sinabi ko," sabi niya na nagpakunot ng noo ni Dave. "You know what, mas mabuting kumain na tayo, baka gutom ka lang, e," sabi nito at saka hinila siya nito papunta sa isang seafood restaurant. At habang naghihintay sila sa pagdating ng order ay muling binuksan ni Dave ang topic niya kanina, "Pero totoo ba? Na depressed kang magka-lovelife at magkaanak?" Sandali siyang napatango. "E, paano ba naman, ako na lang ang single sa aming tatlo nila Hanna pero kahit gustuhin ko man na mag-boyfriend ay wala naman akong magustuhan. Ayoko naman ng gano'n." At halos magpantig ang tainga niya sa pahapyaw na namang biro ni Dave, "Edi kung gusto mo, ako na lang ang boyfriend mo." Saka siya napairap nang unti-unting lumalakas ang tawa nito. "Biro lang!" "Ayan ka na naman sa mga pabiro mong linya, e. Alam mo, hindi ko talaga alam, Dave, kung kailan ka nagsabi ng totoo," seryosong aniya na nagpatigil sa pagtawa ng binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook