Mabagal na iminulat ni Sasha ang mga mata at nakita ang sarili sa loob ng isang malawak at kulay puting kwarto. Hinang-hina pa rin ang kaniyang katawan ngunit sinubukan pa rin nitong gumalaw. Napa-igik na lamang siya nang sumakit ang kaliwa niyang kamay dahil sa kagustuhang bumangon mula sa kinahihigaan. Pinipigilan pala ito nang mabigat na nakadagan sa paa niya hanggang sa napangiwi lalo nang masilayan ang maputing kamay ni Ethan na nakapatong doon. Nagmukha batang tulog na tulog ang binata habang nakaupo sa isang monoblock chair sa tabi ng kinahihigaan niya. "Your lover looks so innocent when sleeping," sabi ng babaeng nakaupo sa watcher's couch hindi malayo sa kaniyang kama. Huminga siya nang malalim saka ibinaling ang paningin sa nagsalita, ngumiti naman ito sa kaniya. Kapagkuwan a