Tumatak sa isipan ni Sasha ang sinabing endearment ni Ethan kahit nasa loob na silang dalawa ng restaurant. Hindi tuloy nito mapigilang huwag mapayuko dahil nakakaramdam siya ng matinding hiya habang iniisip na kailangan niya itong tawaging mahal hanggang matapos ang araw. Natuldukan lamang ang pag-iisip nito nang maramdaman na humigpit ang pagkakahawak ni Ethan sa kaniyang kamay. “Mahal.” Kinabahan ito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang lumalim ang tinig ni Ethan. Malayong-malayo ang timbre ng boses nito sa normal. Tiningala niya ang binata saka lihim na napasinghap nang masilayan ang taong nakatayo sa tabi ng mommy ni Ethan. Napalunok ng lihim si Sasha, kulang na lang bulungan nito ang sariling kailangan niyang kumalma at ipakitang wala siyang alam sa paghahanap na na