bc

Protecting the Billionaire's Daughter

book_age18+
64
FOLLOW
1K
READ
billionaire
age gap
kickass heroine
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
lighthearted
kicking
single daddy
city
office/work place
small town
brutal
like
intro-logo
Blurb

Ziana Alcantara is a policewoman, known for her honesty and good records. Sa edad na bente-tres anyos ay Police Leutenant na siya.She took a leave to fix something in her province. Umuwi siya sa Daraga dahil sa lupang iniwan ng kanyang lola sa kanyang pangalan.Sa pagbabalik niya sa lugar na iyon ay bumalik ang lahat ng masasakit na alaala ng kanyang kabataan pero wala siyang magawa. She was also endorsed by her Uncle to a rich man to be a girl's lady bodyguard as her part time job.Nakita niya ang litrato ng batang may nagtatangka raw sa buhay, cute na batang babae at maamo ang mukha, hindi tulad ng ama nitong parang may galit sa mundong ibabaw.And because she was endorsed, she was hired immediately. Kaya lang, nang mag-umpisang maging maayos ang pagsasama nila ni sa iisang bahay, saka naman unti-unting nauungkat ang kanyang totoong pagkatao at masamang pinagmulan.Ang pagkatao na iyon ay taliwas sa ganda ng records niya bilang isang pulis. Kumbaga sa isang libro, maganda ang kanyang pabalat pero hindi ang nilalaman.

chap-preview
Free preview
Simula
Ziana NAPAMENOR siya nang tumunog ang kanyang aparato na nakapatong sa lalagyan ng cellphone. Ziana looked at the monitor to check who was calling and saw that it was her uncle's phone number, with his name flashed on the screen of his Z fold. Napangiti pa siya nang makita ang pangalan ng kaisa-isang pamilya na lang na mayroon siya ngayon, ang tanging naiiwan sa kanya rito sa Pilipinas, na matiyaga siyang binabantayan at ginagabayan, mula pa sa kanyang pagkabata. Ang Uncle niya talaga, hindi matahimik pagdating sa kanya. Inabot niya ang aparato at pinindot ang answer icon. Albert was in Daraga, Albay, a retired police officer. She cheerfully greeted her uncle. "Hello, Uncle..." "Hello, darling." Bakas sa tinig ng lalaki ang kasiyahan, at maging mga mga nito ay naniningkit sa pagkakangiti nang sulyapan niya sa video call. "Heto na nga, nagmamaneho na ako papauwi, huwag ka ng mag-alala dahil tuloy na tuloy na ito talaga. Hindi ka na makapaghintay na makita ang maganda mong pamangkin," biro niya kay Albert na ikinatawa naman nito. "The last time I saw you was when?" Natatawa na sagot nito sa kanya. "Graduation!" She proudly declared, as if it were only yesterday, but apparently not, "Dala mo ang sasakyan ko na si Taycan bilang regalo sa sakripisyo ko sa PNPA," sagot naman niya habang nakangiti. Her car wasn't bad for a gift during her graduation. Dahil walang anak si Albert at isang matandang binata, hindi iyon nanghinayang na gastusan ang kanyang graduation. Her car was the most expensive gift she had received in her entire life. Nabawasan na sobra ang ipon ng kanyang tiyuhin para sa regalo sa kanya, pero nakatutuwa na ang sabi no'n ay kulang pa iyon sa hirap niya sa pag-aaral, maibigay lang ang kagustuhan ng pamilya na siya ay maging isang pulis din, na hindi lang basta graduate mula sa kung saan na university, at basta kung anong kurso lang ang kinuha. And she earned a lot from her hard work. Ang kanyang napakahabang buhok noon ay kanyang isinakripisyo, kaya ngayon ay pinahahaba na niya ulit. She was the youngest Alcantara in the family. Ang mga pinsan niyang sa ibang bansa at sa ibang panig ng Pilipinas ay mas matatanda sa kanya. Mayroon siyang pinsan na U.S Navy, may militar dito sa Pilipinas, may pulis na nasa ibang lugar nakadestino. At sa mga pulis niyang kamag-anak, siya lang itong may lakas ng loob na pumasok sa PNPA kahit na siya ang pinakabata at babae pa. Hindi niya masabi na gusto niya rin iyon. She was undecided when she started taking the entrance exam and complying with her requirements, but she passed the exam. Mula na rin kasi sa pagkabata pa lang ay nakahulma na siguro sa isip niya na dapat ay magpulis din siya. Tila ba isa iyong panata ng mga Alcantara, at wala siyang balak na sirain iyon. At malamang, kung magkaroon siya ng anak ay magpapatuloy pa rin. Kilala sila sa Albay bilang pamilya ng mga alagad ng batas, at iniri-respeto ang kanilang pamilya roon. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang sulyapan niya ang traffic light. Napakabilis ang reflexes ni Ziana kahit na nagulat siya. Napaapak kaagad siya sa kanyang preno nang isang rumaragasang sports car ang biglang dumiretso mula sa kanan na linya sa crossing. "What the—" hindi niya naituloy ang pagmura nang muntik na siyang sumubsob sa kanyang manibela. Ang bagal na nga ng patakbo niya, may isa namang tatanga-tanga na gusto yatang gawin na langit ang kalsada, na kahit naka-stop na ay dumidiretso pa rin. Kulang na lang ay tubuan ng pakpak ang itim na sports car para umangat sa simento. "Ziana?" Tanong ng Uncle Albert niya sa kabilang linya, "What's that, iha? Are you alright?" "Yes, Uncle. May isang hari ng daan, muntik akong banggain. Wait a while. I have to deal with this," paalam niya saka bumaba siya sa kanyang sasakyan. Agad-agad niyang kinunan ng litrato ang pormahan ng mga sasakyan nilang muntik magsalpukan. Her Porsche Taycan was shining white in the middle of the hot sunny day, pero kung anong ganda ng kanyang service ay times ten ang ganda ng sa hari ng daan. It was a black Bugatti. It was a Bugatti and yes, nobody can afford to buy it except for those billionaires out there. Parang presidential car ang sasakyan na nahulaan kaagad ni Ziana na ini-escortan ng ilang mamahalin din na sasakyan. Nasa likod ang mga iyon. Pero hindi sapat na bilyonaryo ang sakay ng kotse. Muntik na siyang paliparin no'n papuntang Dead Sea. Alagad siya ng batas, at hindi siya naging Lieutenant para sa wala lang. "Patay tayo dito, Uncle," salita niya sa Bluetooth earpiece. "Patay? Sinong patay?" Nag-aalala na tanong kaagad nito sa kanya. "I think a billionaire almost hit me," she declared. "Walang billionaire sa isang pulis, Ziana. Always remember that. Ikaw ang alagad ng batas, anak. Ikaw ang magpapatupad niyan." Hindi siya umimik. Tumapat siya sa binatana ng driver at agad na itinapat din doon ang kanyang tsapa. She stepped back to give way to the driver. Nagawa pa niyang paraanin ang mga sasakyan na na-traffic nang senyasan niya ang nga iyon. After a few moments, she heard the door of the car click. Lumingon siya roon. Isang napakatangkad na lalaki ang kanyang nakita. If she was tall, how much more this man? Walang duda na bilyonaryo ito, sa height pa lang. May suot itong sunglass at lilinga-linga sa paligid. Ang damit ng lalaki ay sumisigaw ng karangyaan, sa unang pasada pa lang niya. Mayaman din ang kanyang angkan. May mga pinsan siyang nakapagsusuot ng mga mamahalin na suit o simpleng polo shirt, kaya alam niya ang kalidad ng damit ng lalaking ito. "I am in a hurry. How much do I owe you for almost hitting your car?" Agad nitong tanong na parang humahangos. Sinilip niya ang loob ng kotse at wala naman siyang nakita na katabi nito sa passenger's seat. At least ay aminado itong halos mabangga na siya. "It's not about, money, Sir. Lisensya," aniya at bigla itong nameywang. Sa galaw nito ay nagpakita na kaagad ito ng awtoridad, wala pa man lang sinasabi. Hindi ito kumilos liban sa simpleng pagpameywang na iyon. "Don't you understand Tagalog, Sir? Are you foreign? Driver's license please," ulit niya. "I am in a hurry with my daughter. Spare us for once, Miss." "I am not just a Miss, Sir. I am police Lieutenant Alcantara. License..." halos magbungguan na ang mga kilay niya. Nagmamatigas na nga ito sa pag-abot sa kanya ng lisensya. Baka wala ito no'n. Imposible naman. May kinuha ito sa loob ng sasakyan tapos ay may iniabot sa kanyang isang card. Agad siyang napamaang. Ito na ba ang bagong labas na driver's license ng LTO? Bakit parang hindi siya na-inform? "Call my lawyer if you need anything to settle. I'll deal with you through him. I saw that you already took a pic of this. Hindi kita tatakasan. For the meantime, we have to go. We are in a HURRY." may diin ang salita nitong hurry at saka mabilis na sumakay sa sasakyan, at walang pakudangan na pinasibad iyon papaalis. Segundo lang at parang hangin na nawala sa harap niya ang mamahalin na sports car. Damn. Kung ang kanya ay nasa sampung milyon ang halaga, malamang ang sasakyan ng lalaki ay bilyones. No wonder. At wala iyong takot kahit na ba police Lieutenant ang kaharap, siguro dahil babae siya, o dahil mayaman iyon, o baka parehas. Nauwi sa buntong hininga at pag-iling ang lahat. Napakalakas ng loob ng lalaking iyon na takasan ang isang alagad ng batas. Ang angas. He was so disrespectful. Natingnan na lang ng dalaga ang tarheta, at dahil na rin sa sobrang pagkadismaya ay lumabi na lang siya. Literal na binastos lang naman siya ng lalaki na iyon. Atty. Hector Fabio de la Espriella. Kumibot ang mga kilay niya dahil sa ganda ng pangalan ng abogado. Wala siyang nagawa kung hindi ang itago iyon at maglakad na lang pabalik sa kanyang sasakyan. "How's it going, Ziana? Are you okay?" Muling umere ang boses ng Uncle niya sa earpiece. "He just left, Uncle. He never cared if I was a cop," reklamo niya nang sumakay sa kanyang kotse. "Damn it. That is not even possible. Sue him," mainit ang ulo na sabi nito sa kanya kaya nangiti lang siya. "He left his lawyer's card. Tatawagan ko ito pagdating ko d'yan. 'Wag ka ng magalit, Uncle, baka ma highblood ka pa, hindi mo makita ang maganda mong pamangkin," she smiled. She heard a soft chuckle, "I'll see you, Ziana. Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Malayo ang Daraga, anak. Sinabi ko naman kasi na mag-eroplano na.” "Maingat naman, Uncle, medyo may mga hindi lang talaga maayos magmaneho. I want to enjoy the road. Ngayon lang ako magbabakasyon, remember. Gusto kong baybayin ang mahabang daan papauwi sa atin. Napailing siyang muli nang paandarin ang kanyang sasakyan. Albay was her family's hometown, from her ancestors, down to her. It was a legacy. Kapag sinabing Alcantara, lahi ni Heneral Emilio Alcantara, walang iba kung hindi sila. Mula nang mawala ang kanyang Daddy, kinse anyos siya ay si Albert na ang nag-alaga sa kanya. Ginabayan siya ng tiyuhin para masiguro na siya ay magtatagumpay sa buhay. And that old man never failed. Si Albert ang panganay sa magkakapatid na mga Alcantara. Lahat ng mga iyon ay pawang alagad ng batas. Her grandfather was an Operation Deputy Director General. Ang kanyang ama naman ay isang Major, pero maagang pumanaw dahil sa sakit. Ang naiiwan na lang ay ang Uncle Albert niya, na 64 anyos na. Isa naman itong Colonel. Three days ago, she received a call from this old man, asking her to come home to fix some papers about the properties her grandparents left her. Nakapagtataka naman na hindi nito iyon kayang ayusin ay mayroon naman silang abogado. Madali lang naman na ipadala sa kanya ang mga papeles kung sakali na mayroong dapat na pirmahan. Dalawang araw lang ay nasa kanya na malamang. And she just smiled when Albert told him to file a leave of absence for a month. Napakagaling talaga na tactics nito. Sinasabi na nga ba niya at gusto lang siya nitong papag-bakasyunin sa Albay, isang lugar sa mundo na bukod tangi niya sana na iniiwasan na balikan at puntahan, pero dahil taga roon ang mga Alcantara ay wala siyang magagawa. Mas pinahahalagahan niya ang kagustuhan ng Uncle niya kaysa sa kanyang mga sariling kaisipan. Ang besides, masamang alaala lang naman ang naiwan niya roon. It doesn't exist anymore. It was just a dark part of her past, tapos na at napalitan na ng mga magagandang alaala ang mga marka ng kahapon Isa pa, medyo naantig ang puso niya sa biro ni Albert na malay daw ba niya kung huling bakasyon na niyang kasama iyon dahil matanda na raw iyon at baka hinihintay na ng musuleyo de Alcantara. Diyos ko. Napapikit siya nang marinig ang biro na iyon mula sa tiyuhin. Hindi siya nakaimik at um-oo kaagad sa hiling nito sa kanya. Biniro pa siya nito na sasahuran na lang siya sa isang buwan na absent siya sa trabaho. That was a very silly joke. She doesn't need money. She had more than enough of it. At maraming salamat sa pamilyang ito ng mga Alcantara, na kahit hindi siya biyolohikal na ipinanganak ng sino man sa mga kapatid ni Albert ay itinuring siyang isang totoong kapamilya. These people were the people who loved her and treated her like a real family member. Yes, Ziana was an adopted daughter of the late Colonel Greyson Alcantara. Ayon sa kwento, may dugo pa siya sa katawan matapos na ipanganak ay kinuha na siya ng mag asawa para alagaan at palakihin. And now, she's 23 and doesn't have any regret of being an Alcantara, and she'd always be so proud of it.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO'S Naughty Daughter

read
65.8K
bc

A Trillionaire in Disguise

read
12.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

WHO IS IN CONTROL ( LA COSA NOSTRA ) SEASON 2

read
7.5K
bc

WHO IS IN CONTROL ( LA COSA NOSTRA) SEASON 3

read
7.7K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook