Kabanata 1...
AFTER ONE YEAR...
NAGKUKUMAHOG ng pagpasok si Layla sa loob ng hospital ng hapon na iyon. Agaran siyang napasugod doon ng tawagan siya kaniyang anti Lita at ipinaalam sa kaniya ang pagdala ng kaniyang ina sa pinakamalapit na hospital sa kanilang baryo. Agarang may kumurot sa kaniyang dibdib ng isa- isa niyang nadinig ang pag atungal na boses sa pag iyak ng mga nakababatang kapatid.
Siya si Layla Miranda. Bente singko anyos. Laking mahirap at pamilya ang naging inuuna niya. High school lamang ang natapos niya, kahit ba gustuhin 'man niyang makatuntong ng kolehiyo pero mas ninanis na niyang hanggang doon na lamang upang sa ganoon matugunan niya ang pagtulong sa kaniyang mga magulang at mga kapatid.
Karpentero ang kaniyang ama, minsan naman pag walang gawa nasa bukid naman ito at nakikitanim o nakikigapas sa ganoon may pang kain sila.
Ang kaniyang ina naman ay isang labandera sa baryo, arawan ito kung bayaran kaya may pang tawid gutom sila sa araw-araw habang silang dalawa ng kaniyang ama ay naghihintay ng kaparehong sahod nila. May apat siyang kapatid, ang sumunod sa kaniya ay sampu ang edad, si Linda. Matapos pitong taon ang kasunod ay, si Piyong. Ang kasunod naman ay limang taon nasi Gimay at ang bunso ay tatlong taon gulang, si Neneng.
Ang sabi kase ni Nanay sa 'kin, ang akala niya hindi na daw ito magkakaanak ulit. Ngunit lumipas lang ang sampung taon nasundan ako at hindi lang, sunod sunod pa. Tsk! Itsurang mahakbangan lang ay buntis na.
Nanginginig na hinawakan ko ang serendura ng pintuan kung saan nakalagak si Nanay. Bumukas iyon ng pihitin ko at bumungad sa akin ang aking ama na naka upo sa gilid ang aking in a habang ito'y mahimbing na natutulog. Mabilis na nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib hindi ako sanay makitang ganoon ito at sa ganoong posisyon.
Mabilis na napatayo ang aking ama ng makita ako. Samantalang ako, diretsyo kay Nanay at agarang hinaplos ito sa pisngi. Nag iinit ang dalawang mata ko ng makita ko itong tila nakangiwi. Ang sabi nila ganoon daw ang mild stroke. Pero paano kung mas malala pa sa ganoon ang mangyare sa Nanay ko? Paano kung hindi na ito magising sa pagka bagsak nito sa sahig?
Naramdaman niyang dumaloy ang luhang kanina pa na nasa gilid ng kaniyang mga mata at tuluyang nag unahang sa pagbagsak.
Ganoon itsura siya ng humarap sa kaniyang ama.
"Tay…" sabay akma ng dalawang kamay para yakapin ito. Pansin niyang nagpipigil din ito ng luha, pilit na pinalalakas ang loob na huwag niyang makita ang nasa loobin nito.
"Magigising din siya anak," ulas sa labi nito nuong mayakap siya.
Segundo kumalas siya, pero bago niya gawin iyon magkabilang pisngi ng pinunasan niya ng palad ang nagkalat na luha.
Naupo siya sa may bakanteng pang isahan na upuan. Hindi mapigikan pag masdan ang buong paligid ng kabuuan ng loob ng kuwarto. Itsurang mainit doon at luma na ang loob. At kung hindi ka magdadala ng mga kagamitan tulad ng electricpan tiyak tatagaktak ang paglabas ng pawis mo. Sa itsura parang hindi aabot ng sampung tao ang kakasya sa loob. Kahit magreklamo sila, wala silang magagawa dahilan mumurahin lang ang kuwartong iyon. Wala siyang pera para idala ang kaniyang Nanay sa mgandang hospital. Kabila -kabila ang kinauutang niya, kailan lang kase nadala din ng hospital ang kaniyang Tatay. Sa sobrang pagod nito bumagsak ang katawan nito.
Bakit kase sobrang sisipag ng kaniyang mga magulang? At kung sino pa ang nagsisipag para maghanap buhay, sila pa ang tinatapunan ng sakit na imbes na ang mga tambay na lamang.
At dahil ilang hakbang ang layo niya sa kaniyang ama, nakita niyang sumunod ito bitbit ang upuan na kinauupuan nito kanina dahilan dalawa lamang ang upuan na nasa loob ng kuwarto.
"Huwag kang mag alala anak. Malalampasan din natin ang lahat ng ito?" ulas nito, tanging napaismid lang siya ng sagot at kasabay ng pagbaba ng paningin.
Malaking problema niya ngayon kung saan siya kukuha ng pambayad sa hospita, at kung magtatagal ang kaniyang ina sa loob ng hospital natitiyak niyang malaki ang magiging singil sa kanila.
Limang araw pa lamang siyang nagtatrabaho sa botika, tiyak ang mga baguhan mahirap bumali ng sahod. Pero kailan ba nabuo ang sahod niya? Kaya nga siya napaalis sa dati niyang trabaho dahilan hindi pa 'man araw ng sahod marami na siyang bale. At kung minsan naman, late na siyang pumasok dahilan sa sobrang trapik, kahit ba agahan niya ang pag gising ganoon parin. Ending late pa rin ang pagdating niya.
"Ang lalim Layla ng iniisip mo?" basag nito sa katahimikam niya.
Ano ba ang isasagot niya? Ayaw niyang mag alala ang kaniyang ama. Simpleng napangiti siya ng magtaas ng ulo at sa ganoon hindi ito mag alala sa itsura niya.
"Okay lang po ako 'Tay." sagot niya nakapaloob ang isang ngiti, "Mabuti po naandyan si Untie Lita, may mga nag asikaso sa mga kapatid ko." kapatid iyon ng kaniyang ama at kapitbahay lamang nila iyon.
Madalas doon sila naghihiram ng pera o nanghihingi ng ulam at bigas dahilan wala pa itong anak, may asawa ito kaso nahihiya na rin siya minsan sa halos iyon ang takbuhan ng pamilya niya.
Akmang sasagot sana ang kaniyang ama sa tinuran niya... Nang kapwa sila napabaling ng tingin sa pintuan na bumukas. Iniluwal doon ang isang nurse, mamaya at kasunod na nito ang isang Doctor.
Mabilis silang napatayo at lumapit sa kararating.
"Magandang hapon po Doc." bati niya rito. Ngumiti naman ito at segundo nagsalita na rin sa harapan nila ng kaniyang ama.
"Hindi po maganda ang ibabalita ko sa n'yo." malamlam na boses umpisa nito.
Pinilit niyang kalmahin ang sarili, pero malakas ang pagkabog ng dibdib niya.
"Namamaga ang kaniyang ugat sa batok." umpisa nito. Napalunok siya, naghihintay sa susunod na sasabihin pa ng doctor.
"Hindi ko ipinapangako kung kelan siya magigising, pero umasa kayong gagawin namin ang lahat para sa mga tulad ninyong kapos palad. May mga libreng gamot kaming maibibigay ngunit ang iba naman ay bibilhin." medyo lumuwag ang dibdib niya sa narinig, tumango siya ng pasimple hudyat na nagpapasalamat siya.
"Pero sa dating ng pasyente, parang malaking gamutan ito. Hindi pa siya, nagigising at kung magpapatuloy ito tiyak mapupunta ito sa comatose at may kamahalan ang kailangan ilagay na gamot sa kaniyang destrosed. May ibibigay kaming libre sa inyo. Sana maka menus kayo ngunit kulang iyon dahilan isang beses iyon sa isang araw bukod doon may bibilhin pa na mas mataas na presyo." Ang ngiting namutawi sa labi niya ay napalitan ng paninikip ng dibdib. Nanginginig ang tuhod niya sa mga naririnig.
Napasulyap siya sa kaniyang ama. Alam niyang maging ito'y nanakit din ang dibdib sa narinig.
Napabalik lingon siya Doctor ng magsalita ulit ito.
"Sa ngayon oobserbahan namin siya, pero pag hindi po siya nagising ng ilang araw kailangan n'yo ng maghanap ng pera para sa malaking gamutan ni Misis." matapos sabihin iyon nagpaalam ito sa kanila.
Tanging pasasalamat lang ang nasabi nila. Ngunit ang nasa loob ng dibdib niya ay halos katanungan kung; paano makakausad sa mga kinauutangan ganoong madadagdagan pa at mas higit pa.
To be continued..