Chapter Eighteen
"Mommy, anong magagawa ko kung hanggang ngayon ay hindi pa rin ino-open ni Kristof ang tungkol sa wedding namin. Bakit ba nagmamadali ka? Wala kang dapat ikatakot, sa akin pa rin naman magpapakasal ang fiance ko. Saka kasal na si Isaia. So, relax." Ani ni Cindy sa nanay nito. Nagpasya akong bumaba na ng hagdan.
"True ka naman d'yan, wala kayong dapat ikapangamba. Ingat ka lang, Sis, baka malaman ng fiance mo na bet mo rin ang asawa ko."
"What?" ani ng ginang.
"Nasabi ng asawa ko na lumalapit-lapit ka sa kanya, hindi ka n'ya type."
"Liar, hindi ko type ang cheap na lalaki na utusan lang naman ng fiance ko."
"Mag-usap nga tayo." Galit na ani ng ginang. Hinila nito si Cindy paalis. Nabo-bored ako rito sa bahay.
Tumawag si Lady A, sinabi nitong inaasikaso na ng abogado ang pag-transfer ng mga properties sa pangalan ko, once na makasal ako. Kinausap na raw ni Attorney si Papa. Hindi pa kami nakakapag-usap nito. Dahil abala raw ito.
"Back up again." Dinig kong ani ni Tori. Tinap ko ang device na nasa tenga ko.
"Details please." Ani ko saka mabilis na kumilos upang magbihis ng komportableng damit.
Akala talaga ni Kris bibig ko lang ang matinik sa action. Ang hindi nito alam may iba pa akong action na kinahihiligan.
"WHERE ARE YOU? NANDITO NA AKO SA BAHAY." Ani ni Kris. Hinihingal pa ako dahil sa mabilis na pagtakbo.
"N-asa gym ako, mamaya ka na tumawag." Hingal na ani ko kay Kris. Saka mabilis na ibinaba ang tawag. Sumunod ako kay Teri at Tatti na ngayon ay gumagapang na sa maputik na lusutan.
Kailangan ko pa ring sumunod sa dalawang ito. Dahil walang magandang pwesto sa labas. Kaya kailangan kong makapasok.
"Napakabaho." Reklamo ko sa mga ito.
"Arte-arte. Akala mo maganda." Ani ni Tatti na ikinabungisngis ko.
Pare-pareho na kaming madungis ng mga ito.
"Tsk, titiyakin ko talagang gagapangin ko ang asawa ko."
"Anong connect?" ani ni Teri.
"Wala lang, gusto ko lang sabihin sa inyo na mga wala kayong s*x life."
"Paano mo nasabi?" nakangising ani ni Tatti na tumingin pa sa akin.
Natigilan ako at kusang umangat ang kilay.
"Mayroon ka?" manghang ani ko rito. Nagkibitbalikat lang ito saka nagpatuloy sa paggapang.
Nang makalusot kami nang tuluyan ay lakad-takbo naman ang ginawa namin sa madilim na parte kung saan maraming punong manga.
Kinidnap ang anak ng isang governor. Iyon lang ang inintindi ko sa misyon na ito. Lahat ng kalaban dapat itumba at dapat mailigtas ang bata. Lumiko na ako nang mag-go na si Tori na mino-monitor kami.
Nasa ikatlong palapag ang bata, kaya kailangan talagang pasukin ni Teri and Tatti. Wala kasi ang ibang girls, katulad ni Quinn na nasa Europe ngayon at may hina-hunting na Drug Lord.
Mabilis akong umakyat ng punong manga. Sa pinakamataas na part ang pwinestuhan ko. Bahagya pang hinahangin pero hindi ako nakaramdam ng kahit na ano pa man.
Inayos ko ang sniper rifle ko saka chineck ang mga target.
"May lima sa rooftop. Kung binilisan mo hindi agad makakahingi ng back up 'yang mga 'yan." Ani ni Tori.
Nang bahagyang tumigil ang paggalaw nang kinapwepwestuhan ko ay mabilis na inasinta ko na ang target. Walang sinayang na oras para sa limang bago pa napansin ang nangyayari ay nataniman ko na agad ng bala ang mga ulo at dibdib.
"Done!" dito ako magaling. Dito ako sanay na sanay. Madalas ko kasing inspiration sa pag-target ay ang mga mukha ng mga sampid sa mansion.
"Sina Tatti na ang bahala sa loob. 'Yong mga nasa labas. Simulan mo na silang itumba." Cool na ani ni Tori kaya naman iyon nga ang ginawa ko.
Ano kaya ang magiging reaction ng asawa ko kung malaman n'yang kasalukuyan akong narito sa taas ng puno ng manga, at abala sa pagpapadala kay Satanas ng mga kampon nito. Baka mahimatay ang lalaking iyon. Bahagya akong natawa. Saka muling finocus ang tingin sa mga target.
"6, 7, 8, 9…10." pagbibilang ko sa mga lalaking hindi man lang nagkaroon ng chance na depensahan ang sarili.
"Tapos na kami, kailangan namin nang maglilinis." Dinig kong ani ni Tatti. Naririnig ko pa sa background nito ang pag-iyak ng isang bata. Inaalo naman ni Teri.
"Pass na ako d'yan. Hinahanap na ako ng asawa ko." Ani ko na inilagay na sa lagayan ang sniper rifle na ginamit ko.
Pagkatapos ay walang hirap na bumaba. Syempre sa gate na ako dumaan, alangan namang sa putikan pa 'di ba.
"WHERE HAVE YOU BEEN?" salubong ang kilay na ani ni Kris. Naligo pa ako at nagbihis nang gym outfit para tunay na tunay ang dahilan ko rito.
"Galing nga sabi ako sa gym." Ani ko saka pumasok na sa kwarto at inilapag sa gilid ng kama ang bag."Nag-dinner ka na?" tanong ko rito.
"Sa tingin mo makakapag-dinner ako habang family mo ang kaharap ko na wala ka?" inirapan ako nito na ikinatawa ko lang naman. Saka pumasok sa walk-in closet at naghagilap ng pambahay.
"Punta muna pala tayo sa kitchen." Yaya ko rito. Nahuli ko pa itong pinapanood ang paghuhubad ko kaya naman mas hinarutan ko pa ang paghuhubad at humarap dito.
"Iba na ang gusto kong kainin." Ani nito na ikinatawa ko.
"Mamaya na, gusto kong kumain ng tunay na pagkain. Babawi ako sa 'yo mamaya." Ani ko sa lalaki na malawak tuloy nitong ikinangisi.