KASALUKUYAN siyang nakaupo sa may buhangin, madilim na at rinig niya ang alon ng dagat, tanging ilaw nalang sa malaking bahay at iba pang mga cabin ang nag sisilbing liwanag. napatingin siya kalangitan kitang kita niya ang mga nagkikinangan na mga bituin. "hey.." napatingin siya kay troy ng tumabi ito sakaniya. " na handa mo na ba ang ituturo mo bukas? " tanong nito sakaniya, pinatungan naman siya nito ng jacket sa likod. "oo naman ako pa ba.. 16- 20 years old ang mga tuturuan natin diba?" "yes.. by the way, hinahanap ka pala ni felix kanina" natigilan siya, biglang nag wala nanaman ang puso niya. ganito ba siya ka attracted sa lalaki? marinig lang ang pangalan nito hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya? " ah bayaan mo lang yun, wala akong sa mood makipag bangayan don.