KASALUKUYAN siyang sinusubuan ng porridge ni felix, nakatitig lang siya dito dahil napaka seryoso ng mukha nito habang pinapakain siya. nagising siya kanina ng umiiyak dahil napanaginipan niya ito, nag aaway daw sila at galit ito sakaniya tapos iniwan siya nito sa isang liblib na lugar. kaya takot na takot siya at ng makita niya ito hindi niya napigilan maging emosyonal dito. "ayoko na.." sambit niya at humiga sa kama. " kailangan mo pa inumin ang gamot mo " umiling siya ng mabilis. " alam mong ayaw ko sa gamot! " maarteng sambit niya dito, basta ayaw niya talaga ang lasa at malaki ang tableta feeling niya yung lasa nag stay sa lalamunan niya. " you need to drink your medicine " nakasimangot na ito sakaniya, napanguso naman siya. "eh ayaw ko nga e!" naiirita niyang sambit dito, naii