DUMATING ako ng Moscow kasama ang babaeng secretary ni Ralph. Akala ko ay mahihirapan akong takasan ito, pero pagdating pa lang namin sa airport ay agad na itong nagpaalam sa akin na tawagan ko lang siya kapag uuwi na kami ng Pilipinas dahil may Russian boyfriend pala ito na sumundo sa airport. Naging pabor naman 'yun sa akin, kaya naman imbes na mag-check-in sa hotel ay mas pinili kong umuwi sa condo ng boyfriend kong si Daniel. Pagdating ko sa condo ng boyfriend ko ay walang katao-tao, katanghalian kasi at tingin ko ay nasa university ito dahil may pasok. Mabuti na lang ay alam ko ang password ng kanyang unit kaya nakapasok ako. Six PM nang makauwi ang boyfriend ko, at talagang nasurpresa ito nang makita ako dahil agad akong niyakap at sinalubong ng uhaw na halik, and I kissed him bac