NAGING okay naman kami ni Ralph. Tulad nga ng kanyang suhestiyon na maging magkaibigan na lang kami, sinakyan ko na lang 'yun, dahil alam kong mas makakabuti nga 'yun sa amin dalawa. At nang umuwi si Ralph pabalik ng Pilipinas ay sinagot ko na ang kanyang mga tawag. He called me everyday; pagkagising ko sa umagat, lunch time, dinner time, at bago matulog. Pero saglit lang kaming mag-usap, at medyo pormal pa rin kung mag-usap kami, dahil matapos niya akong tanungin kung kumusta na ba ako o kung kumain na ba, doon na nagtatapos ang pag-uusap namin. Kumbaga ay parang minu-monitor niya lang ako bawat araw kung kumakain naman ba ako ng tama at hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. Every week din kung padalhan niya ng pera ang bank account ko. Pakiramdam ko tuloy ay may sugar daddy ako na