Khylle's Pov: "Okay na ba ito sa 'yo, Khylle?" Inilapag ni Tito Colorado ang bowl ng mainit na soup sa harap ko. "Sinabi ko naman sa 'yong huwag kang iinom nang marami at ilang araw bago mawala ang hang over mo pero ginawa mo pa din," dagdag na sermon pa sa akin ni Tito. Tumango lang ako at muling sumubsob sa lamesa. Mabuti na lang talaga at nakaya ko lang bumaba kahit halos gumapang na ako. Naiiling na ginulo pa ni Tito ang buhok ko at inayos ang pagkakalagay ng mga pagkain sa harap ko. Matapos iyon ay binalikan na n'ya ang kanyang ginagawa. Nagpatuloy na s'ya sa pagmo-mop ng sahig. Maaga din dumating ang mga part-timer namin ngayon at naglilinis na sila ng restaurant. Ipinihit ko ang ulo ko sa direksyon nila at pinanood sila sa mga ginagawa nila. Sobrang sakit ng ulo ko pero mas sum