Khylle’s Pov: “Galit ka pa din ba sa akin?” Napatingin ako kay Brixx. Mula pa kanina ay tahimik lang s’ya at hinayaan lang ako sa mga trip ko sa buhay. Kahit nga nagdo-drawing na ako sa bintana ng sasakyan n’ya. Hindi na ang ako nagsalita. Hindi na din n’ya kailangang itanong sa akin iyon dahil halata naming masama pa din ang loob ko sa kanya. “Alam kong galit ka pa din sa akin,” dagdag pa n’ya. “Alam ko ding wala akong pwedeng paliwanag na puwedeng ibigay sa ‘yo na tatanggapin mo…” Muli, hindi ako nagsalita. Minabuti ko na lang manahimik at tingnan ang panggabing ilaw na ibinibigay ng mga gusaling nadadaanan namin. Maliwanag ang gabi at wala na din masyadong mga sasakyan. “Alam ko ding disappointed ka sa akin. Ako ang laging nagsasabi sa ‘yong gawin mo ang trabaho mo tulad ng isang m