Khylle's Pov: Ms. Reporter, hoy!" Muntik nang sumubsob ang mukha ko sa pile ng folder na binabasa ko dahil sa gulat. Inis na tiningan ko si Ren. "Oh, bakit? Kanina ka pa ba?" Katulad ko ay naupo din sa sahig si Ren at ibinagsak ang mga dala. "Ito na ang huling batch na pwede nating hanapan ng lead o ng kung ano." Pagod na tiningnan n'ya ako. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko dito sa silid. Lahat kami, antok at pagod na pero wala pa kaming nakikitang maaaring maging lead sa drug smuggling case na ito "Kape." Inilapag ni Nick ang isang tasa ng mainit na kape sa gilid ko. "Thanks," sabi ko at agad na ininom iyon. Bahagya akong ginising niyon. Nakailang kape na ba kami mula nang sinimulan naming mag-imbestiga sa kasong ito? Hindi ko na mabilang sa dami. Kaunting-kaunti ang naiilaan