Khylle's Pov: "So?" "Huh?" Gulat na napatingin pa sa akin si Brixx. Para pa nga s'yang nagtaka nang makitang kasama n'ya ako dito sa sasakyan n'ya. Tumaas ang kilay ko. "Nakalimutan mo na bang kasama mo ako dito? You called me here." "Oh, sorry," hinging-paumanhin n'ya at napapikit. "Are you alright?" Nag-aalalang tiningnan ko s'ya. Mariin ang pagkakapikit n'ya at mukhang may masakit sa kanya. "Migraine," aniya. "Nagsisimula na namang umatake." Napatango ako. "Mas mabuti pa sigurong mag-day off ka na nga ngayon. Umuwi ka na sa sa bahay mo at nang makapagpahinga ka." Hinilot ng lalaki ang sentido n'ya. "Okay lang ako, nasanay na din naman ako. Maya-maya lang ay wala na ito." "Sigurado ka bang migraine lang 'yan?" I frowned. "Nagpa-check up ka na ba ulit?" Ilang beses ko nang nakik