Khylle's Pov: Sa apat na taon ko bilang journalist, ngayon lang yata nangyari na kinakabahan ako sa mga natatanggap na tip. Hindi iyong kaba na dulot ng excitement kundi iyong kaba na may kasamang panginginig at takot. Iyong kabang pakiramdam ko ay may sumusuntok sa puso ko kaya ko nararamdaman. Iyong kabang tila mararamdaman lang kung nanganganib na ang buhay ng isang tao o kaya naman ay bago mapunta sa isang mapanganib na sitwasyon. Ganoon ang nararamdaman ko. Walang excitement, puro takot at pangingilabot. Kumbaga sa maling tao, puro red flags ang ipinapakita sa akin ng lahat ng mga nangyayaring ito. Noong unang beses na nakatanggap ako ng impormasyon tungkol sa kaso ng burglary case sa Midas Village ay hindi ganito. I thought it was just a coincidence. Na baka may witness na na