Amanda pov.
" May mga anak din kami ni Stella, Armida. At responsibility ko parin sila. Malaki rin ang nai ambag ko sa Company niyo, dugot pawis din ang ipinuhunan ko d'yan. Kaya may karapatan din ako sa kumpanya na yan. And we still married parin Armida. " nag pantig ang tenga ko sa sinabi ni Papa na may mga anak ito sa ibang babae. Matagal na pala niya niluluko si Mommy.
" Nag pafile ako ng annulment Antonio. At sinisigurado kong wala kang makukuha nikusing na pera ko. " sigaw ni Mommy.
" Amanda. " tawag ni Mom sakin ng makita niyang nakatayo ako sa tapat ng pinto ng library ni Papa.
" Mom..." umiiyak kong sabi. Naawa ako kay Mommy dahil matagal na pala siyang niluluko ni Papa dahil may ibang familya na pala ito. Naramdaman ko na lang na hinila ako ni mom sa kamay at hinatak na palabas ng bahay.
" Armida!... Amanda!.. " dinig kong tawag ni Papa sa pangalan namin ni Mom. Pero deret deretso lang si Mama.
" Amanda stop there! " maawtoredad na saad ni Papa mukang galit na ito. Tumigil ako at hinila ang kamay ko kay Mama bago humarap kay Papa. Hilam ng luha ang mga Mata kong tumingin sa kaniya. Nag halo ang sakit at galit ang nararamdaman ko para kay Papa
" I hate you Papa! A-akala ko ikaw ang ideal man ko sa mga lalaki kung sa kali na mag asawa ako. Dahil humanga ako sa abilidad na pinapakita mo sa amin ni Mom! But all of that is a lie. Manluluko ka Papa! I hate you... I.. hate you! " umiiyak kong sabi kay papa. Nakita kong nanubig ang mata nito pero saglit lang yon at napalitan ng galit.
" How dare you to talk to me like that, Wala kang galang! " malakas at matigas nitong sabi. Nanginginig naman ako sa galit.
" Mula pag kabata ay iginalang kita Papa pero ngayon binabawi ko na. Kalimotan mo na rin na anak mo ako. I wish na hindi ikaw ang tatay ko you cheated Papa! "
" Let's go Nak. " tawag sakin ni Mama. Pinawi ko ang luha sakin mga mata at puno ng galit kong Tinitignan si Papa bago ko siya tinarikura at humakbang papunta kay Mama.
" It's okey, Nak. Hindi mo naman kailangan magalit sa Papa mo. Away namin to na mag asawa. Hindi mo ito laban. Tandaan mo kahit anong mangyari Papa mo parin siya. " pang aalo ni Mama sakin hinahagod nito ang likod ko. Wala kasi akong ginawa ng Makasabay kami sa kotse ni Mama kundi umiyak na umiyak. Galit ako kay Papa.
" Mom. He betrayed you. Why you so kind po. Niluko ka niya tayo? Pero siya parin ang kinakampihan mo? I hate him at ayaw ko sa kanya " pinahid ko ang luha sakin mga mata at tinitignan ang mukha ni Mama napaka ganda niya. Maraming din lalaki ang nanligaw sa kan'ya noon kapanahonan pa niya pero tanging si Papa lang ang pumasa sa pang lasa ni Mama hindi dahil sa taglay na kakisigan ni Papa kundi sa maabilidad sa buhay. Hindi pa naman siya ganun katanda. Sa edad na 37 ay batang bata pa ito tignan maaga daw nag pakasal si Papa at Mama 18 pa noon ikinasal sila ni Papa. At maaga din na buntis si Mom at ako ang naging anak nila. Hindi na pwede manganak pa si Mom dahil sisaryan ako lumabas. At pinag bawalan na ng doctor na mag buntis pa si Mama.
" Ito tatandaan mo mag aral kang mabuti Amanda at wag na wag mo hayaan na mag tagumpay ang mga tao na mag tatangka na kunin ang mga pag aari mo " wika ni Mama.
" Pag dating mo sa edad na 24 ay may isang tao darating na tutulong at umalalay sa pag papatakbo mo sa negosyong para sayo. Wait him anak Okey... Mabait si Drago anak. " kunot noo ko naman tinitignan si Mama. Dahil sa mga pinag sasabi niya. Bakit ganito ito mag salita. Parang namamaalam na ito.
"Mom naman, bakit po kayo nag sasalita ng ganiyan? Hindi ka naman po aalis diba? "
" Mag 18 ka na after five months diba? " tanong ni Mommy. Kaya tumango ako.
" Ano naman ngayon? " takang tanong ko.
"Listen Amani. Ibig sabihin hindi kana bata dalaga kana. Kaya kailangan mo intindihan ang mga nasa paligid mo. Mahal na mahal kita anak - " Napatingin ako sa cellphone ni Mama na nag riring. Kaya hindi na niya natuloy ang iba pang sasabihin. Kinuha yon ni Mama at nilagay sa tenga. Sa kalsada parin ang tingin nito.
"Oh Attory Perez, gusto kung bagohin mo ang testimonya ko may idadagdag pa ako at may tatangalin ka sa last will ko. Nasend ko na rin yon lahat sa Email mo . Ikaw na ang bahala pag dating ng tamang panahon. " litanya ni Mama sa kausap na si Attory Perez. Anong last will ang pinag sasabi ni Mom.
" Puntahan mo na lang ako bukas sa rest house ko sa Cavity. Bago ko ihatid si Amanda sa Cotabato. " aniya pa ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari. Tanging alam ko lang ay galit ako kay Papa dahil nag cheat siya kay Mama but the other ay hindi ko alam. Para akong nangangapa sa dilim but alam kong hindi gagawa si Mama na ikasisira sa familya niya I know she love's Papa. Kaya hindi niya ito lulukohin, tahimik lang akong nakikinig. Hanggang sa matapos ang pag uusap nila ni Attory Perez, ibaba na sana ni Mama ang cellphone niya ng mag ring muli ito. Napatingin ako kay Mom. Pero nahuli ko siyang pinahid ang pisngi niya at may kumislap do'n na tin cristal. Mom's silent crying.
" Anong kailangan mo Antonio! " mariin na saad ni Mom sa cellphone niya. Si Papa ang tumatawag.
" Wala akong kailangan na ibalik sa'yo bumalik kana sa squatter mong pinag mulan at samahan ang asawa't anak mo do'n, dahil hinding hindi ko ibabalik sa'yo si Amanda. " umiiyak na saad ni Mom. Muka yata pati langit ay nakisama sa pag dadalamhati ni Mama dahil bigla na lang itong bumuhos. Dahil madilim na ang kapaligiran ay y halos hindi ko na maaninag ang mga posted sa subrang lakas ng ulan.
" Mom dahan dahan lang po baka mabanga tayo" kinakabahan kong sambit dahil na pansin kong pa bilis ng pa bilis ang tabo ng kotse ni Mama. Mahigpit ang pag kakahawak sa manubila. I can't blame her dahil I feel her pain kahit sino naman pag nalaman mong mula sa simula ay niluko kana ng taong akala mo ay maging ka tuwang mo sa buhay. Sa hirap at sa ginawa, pero malalaman mo lang na niluko ka lang pala dahil sa pera.
Hinawakan ko ang braso ni mama dahil gusto ko maramdaman niya nandito pa ako. Tumingin siya sakin na luhaan. Parang piniga ang puso ko sa hinagpis at awa kay Mama.
" Mom, Nandito lang ako, hindi kita iiwan tandaan mo yan. " umiiyak kong saad. Para naman na tauhan si Mama dahil agad na pinahid ang luha sa mga mata.
" I'm sorry Amani, I'm okey now, Naiiyak lang ako dahil lubos akong nag tiwala sa papa mo. I thought he was different from those men who cheated. And I thought he really loved me but he just used me for his own purposes. Yon ang masakit sakin kasi hindi ko yon nakita noon. " hirap na sabi ni Mama. Napahikbi pa ito. Alam kong pinipilit ni Mama ang maging matapang. Dumating kami sa bahay na sinasabi ni Mama na rest house niya dito sa Cavity, maganda ang bahay at napaka simply. Itinuro ni Mama ang akin silid kahit maliit ang bahay ay may tatlong kwarto sa taas. Dito daw madalas na pumupunta si Mama pag gusto niya mapag Isa at mag relax.
" Mag pahinga ka na muna sa kwarto mo Amani. . Mag hanap kana muna sa mga damit ko pamalit mo. Bukas na tayo mag usap ulit " wika ni Mama, tumango naman ako at agad na sinunud ang utos ni Mama dahil gusto ko rin mag pahinga at gusto ko rin bigyan privacy si Mama, dahil alam kong hindi madali ang pinag dadaanan nito. Pumasok muna ako sa kwarto ni Mama at nag hanap ng maisusuot pansamantala. Gusto ko rin kumprontahin si Papa kung totoo ba lahat ng mga nalaman ko. Pag ka hanap ko ng maisusuot ay agad ako bumalik sa kwarto na ibinigay ni Mama sakin at agad na naligo. Pag katapos ko maligo ay pumonta ako sa kama at humilata ng higa, gusto ko matulog pero hindi naman ako dalawin ng antok. Bigla na lang kumalam ang sikmura ko. Wala pa pala kaming haponan ni Mama. Humilis ako sa kama. Mag hahanap na lang ako ng makakain sa baba. Baka may mga pag kain pa dyan na Naka stock si Mom.
Baba na sana ako ng may narinig ako nag uusap sa may veranda ng na malapit sa kwarto ni Mama.
" Don't worry Armida. Akong bahala kay Amanda I will teach her and I will protect her too. Pero paano naman kung sumuway siya. At Maniwala sa mga sasabihin ng iba? Lalo na si Antonio? Hindi naman siguro lingid sa'yong kaalaman kung ano anong pinapa labas niyang kwinta about you or us? " mahabang litanya ng lalaki. Nakatilikod ito at na kaharap sa labas habang ang isang kamay ay naka suksok sa bulsa ng pantalon at ang isa naman ay may hawak na basong red wine. Matika at bakat na bakat ang suot nitong white long sleeve na tinupi na hanggang siko. Maalon alon ang buhok na medyo may kahabaan. Moreno ang kulay ng balat nito at may maliliit na bigoti sa gilid ng pisngi. At sa tantiya ko ay bata pa ang lalaki.
Anong relasyon nila ni Mama. kahit 37 si Mama ay mukha pa itong bata.
He looks familiar. Parang nakita ko na ito.