Kabanata 1

3083 Words
                                                                                           Lucy "Ano 'to? Hindi ba pinakopya mo ako sa exam? Bakit ganito? Bakit mababa ang marka ko?" Pabalang nitong hinagis sa mesa ko ang sagutang papel. Inayos ko ang suot kong salamin dahil kamuntikan na itong matanggal. Hindi ko na lamang siya pinansin, at binuklat ko na lang ang panibagong pahina ng librong binabasa ko. "Hoy babae, bakit hindi mo ako sinali sa group project? Akala mo kung sino ka ah!" Sumbat ng isang lalaking hindi ko kilala. Natatandaan ko ang mukha niya, pero hindi ko kilala ang pangalan niya. "Aba! Porket matalino ka, ang yabang-yabang mo na!" Dag-dag nito. Ramdam na ramdam ko ang panggagalaiti ng boses niya. Pakiramdam ko ay sasakalin na niya ako sa galit ano ma'ng oras. "Matalino nga, hampas-lupa naman! Akala mo kung sinong magaling, scholar ka lang naman dito!" Sabat ng kaklase kong si Thalia. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, kilalang-kilala ko ang boses niya. "Sinabi mo pa. Kung inaakala mong makakapagtapos ka ng pag-aaral porket matalino ka, p'wes nagkakamali ka. Gagawa at gagawa kami ng paraan para mawala ang scholarahip mo, at mamulubi ka sa tabi ng daan." Napahinga ako ng maluwag dahil sa mga pinagsasabi nila. "Humanda ka da--" "Bakit niyo pinagkakaguluhan si Miss Cardova?" Napatigil sa pagbabanta ang mga ito nang biglang dumating ang homeroom class adviser namin. "Ahh, we're just congratulating her maam. Top 1 na naman kasi siya sa buong Grade 11, we're just proud of her. Hindi ba guys?" Nakangiting wika ni Thalia. Nagsitanguan naman ang mga ito, at isa-isang nakipagkamay sa'kin. "Congratulations, Lucy." Nakagat ko ang labi ko dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Gano'n na rin ang ginawa ng iba sa kanila. Sa higpit ng pagkakahawak nila sa kamay ko, ay palihim na lang akong napapangiwi sa sakit. Matapos nilang makipagkamay, umupo sila sa kanya-kanya nilang upuan. Nalukot ko ang pahina ng libro na hawak ko. Kailan pa ba ako maglalakas loob na patulan sila sa mga pinanggagawa nila? "Okay, so I'm here to announce na may gaganaping Battle of the Geniuses sa susunod na mga araw. Kalaban natin ang iba't-ibang--" "Maam si Lucy Cardova na isalang niyo. She's such a genius. For sure mananalo na naman tayo, hindi ba classmates?" Wala akong naging reaksyon sa sinabi ni Klint. Siya ang lalaking nangopya sa akin noong exam. Science ang sinasagutan ko no'n, at English naman ang sa kaniya. Hindi ko na kasalanan kung bakit mababa ang marka na nakuha niya. "Busy po ako maam, may trabaho pa ako." Walang pag-aalinlangan kong sagot. Napabuntong hininga si maam dahil sa sinabi ko, samantalang nagreklamo naman ang mga kaklase ko dahil dito. "Come on Lucy, you're the PRIDE of our school remember? Kaya nga scholar ka, hindi ba? Kapalit ng perang pinapaaral namin sa'yo, you should at least make us proud of you." Gigil kong kinagat ang labi ko. Tama kayo, my scholarship came from them. Lahat ng mga scholar dito, ay suportado ng mga mayayamang estudyanteng gaya nila. "That's so rude of you Miss Athalia Hernandez!" Suway ng guro. Tumayo si Thalia at umaktong nagulat sa sinabi niya. "Gosh! I'm sorry maam! I'm sorry too Lucy. Hindi yun ang nais kong iparating. My bad for the scholars here." Paghingi niya ng paumanhin. Halata namang pinaplastik niya lang. "I'll do it maam." Naghiyawan naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. That's it, I put myself into a huge mess once again. "How about your job? Is it really okay?" Tumango na lang ako. Wala rin naman akong magagawa. "See? Madali lang kausap ang isang Lucy Cardova! For sure mananalo siya! Kelan pa ba siya natalo sa lahat ng paligsahan na sinalihan niya? Saka, may prize naman kaya hindi na rin siya lugi." Napabuga ako ng hingin. Ni hindi ko alam kung pinupuri ba ako ni Hannah o iniinsulto sa mga sinasabi niya. "Okay now class, wag na kayo mag-ingay. See me in the faculty after class Cardova." Tumango ako at niligpit na ang mga gamit ko. When she says after class, ngayon na yun. Nagmamadali akong lumabas ng room upang sundan siya, pero bago mangyari yun, naharangan na ako nila Thalia. It's Thalia and a group of her plastic friends. Thalia, Hannah, and Sofia--they seriously need to be recycled. Hindi ko na lamang sana sila papansinin, ngunit talagang ayaw nila akong tantanan. "Ano ba'ng problema niyo sa'kin ha?" Irita kong tanong. Pinagkrus nila ang kanilang mga braso, at tiningnan ako na para ba'ng isang bagay na napakaliit sa kanilang paningin. "Wala naman, go on." Tinuro niya sa akin ang daan palabas mg pinto. Dumaan ako sa pagitan nila, at hindi na ako nagulat nang madapa ako. Kahit hindi ko nakita ay natatandaan ko ang lakas at dulas ng paang yun. "Oh? I'm so sorry Lucy." Inilahad niya ang kamay niya para tulungan ako, pero hindi na ako nag-abala pa'ng abutin ito. Tumayo ako, at walang lingon-lingon na naglakad patungong faculty. "Bakit niyo po ako pinapunta rito?" Tanong ko. Binaba niya ang hawak niyang mga white folders bago tumingin sa akin ng seryoso. "Tell me Lucy, ano ang ginagawa sa'yo ng mga kaklase mo?" Napakurap ako. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. It's your responsibility to know as our homeroom teacher. Sa tingin mo ba, ang estudyanteng gaya ko, magsasabi ng totoo kapag tinanong mo? You need to find out yourself. Do the hard way rather than the easier one. "Lucy?" Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Tumawa na lang ako sa sinabi niya. "We're okay maam. I know they're rude, but I guess nasanay na ako." She look at me in the eye. Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. That's right, don't be convinced. Maghinala ka, dahil hindi totoo ang sinasabi ko. "Are you sure? It's okay, you can tell me Lucy." Nginitian ko lang siya. Matagal niyang tiningnan ang reaksyon ko bago tumango. "Okay. I'm just making sure na wala silang ginagawa sa'yo. You're very important to us. Take care okay? You may now leave. I'll inform you about the Battle of Geniuses some other time." I bowed my head and turn my back against her. Nagbago kaagad ang expresyon ng mukha ko paglabas ko ng faculty. You failed to do your job as our homeroon class adviser. You failed to notice things that are meant to be noticed. Useless. Kumulo ang tiyan ko kaya napagpasyahan kong pumunta ng cafeteria para kumain. When I got there, wala masyadong estudyanteng kumakain. Malamang ay sa mall nagsikainan ang mga yun. Gahaman sila sa pera, at masyado silang gastador. Akala mo naman sarili nilang pera ang ginagasta nila. Kung wala ang mga magulang nila, wala rin silang silbi. Umupo ako sa isang tabi, at binuksan ang bag ko upang kunin ang pack lunch ko. Matiwasay akong kumain nang matanaw ko ang grupo ng mga kababaihan. May bit-bit itong mga tray na may lamang pagkain, at papalapit sila sa mesa kung saan ako nakaupo. I saw a familiar face, ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng 'to. Tumigil sila sa harap ko, at nilapag ang mga tray nila. Nagsiupuan na rin sila sa tabi ko, pero hindi pa rin ako nag-abalang tapunan sila ng tangin dahil kumakain ako. "Hi Ate Lucy. You won't mind if we join you right?" Hindi ko na lang siya sinagot. Para namang makakaangal ako eh nakaupo na nga sila 'di ba? "Guys, siya nga pala si Ate Lucy. She's my step-sister. Napakatalino niya promise." Bahagyang napataas ang kilay ko. Since when did she started to bragged me as her step-sister? Sa pagkakatanda ko, ayaw na ayaw niyang pinapakilala ako bilang nakakatandang kapatid niya. "She's rude. Hindi man lang tayo tinapunan ng tingin." Rinig kong bulong nung isa niyang kasama. Kahit rinig na rinig ko, hindi ko pa rin sila tinapunan ng tingin. "Ganyan lang talaga siya, mabait 'yan promise. Gagawin niya lahat ng bagay na gusto mo." Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong nakangisi siya. "Ano'ng kailangan mo Lily?" Deretso kong tanong matapos kong iligpit ang pinagkainan ko. Uminom muna siya ng juice bago ako ngitian. Plastic. "I have a favor to ask Ate Lucy." Kamuntik-muntikan ko ng igulong ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Yeah, what do I expect? Nakalimutan kong saka lang pala siya lumalapit, at nagpapakabait kapag may kailangan siya. "We're having a party later at Monique's house, so I'll be late. Can you tell mom na gumawa kami ng group project? Make sure you'll convice her ha! Isa pa, pagawa na rin ng thesis namin. I need it the next day." Aangal na sana ako nang bigla siyang tumayo. Tinukod niya ang magkabilang kamay niya sa mesa at niyuko ang ulo niya upang bumulong sa tenga ko. "Boyfriend ko si Zed, he's the owner of this school. Kung hindi mo gagawin ang gusto ko, gagawa ako ng paraan para makumbinsi ko siyang tanggalin ang scholarship mo. Worst is, patalsikin ka?" Naiyukom ko ang kamay ko. She's always blackmailing me with that. "Kung kumpyansa ka dahil MATALINO ka, p'wes hindi mo madadaan si Zed sa gan'yan. You know how much he hates you. Hindi ka rin naman kawalan." Inilayo niya ang mukha niya sa bandang tenga ko, at nginisihan ako. Bago siya umalis, binuhos niya pa ang iced tea sa buhok ko. Naikurap ko ang mga mata ko habang tinatanaw silang palabas ng cafeteria. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunas ito sa buhok ko. Pinagtitinginan ako ng iilang estudyante, pero masyado na akong manhid para mapansinin sila. Sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko, at lumabas ng tahimik sa cafeteria. Can't you see how pathetic my life is? Natawa na lang ako ng pagak, ano ba'ng karapatan ko upang magreklamo sa buhay na meron ako? This is what God gave me, I have no choice but to take it. Kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo, hindi na magbabago ang kahahantungan ko. Habang buhay akong magiging mapurol at sunud-sunuran sa gusto nila. Napatigil ako sa paglakad nang mapansin ko na naman ang kakaibang tingin nila sa akin. Mga tingin na parang namamangha, mga tingin na naaawa, mga tingin na tila ba naiinggit sila sa kung ano mang taglay na meron ako. Hindi ko na lamang sila pinansin, at nagpatuloy na lang sa paglalakad palabas ng malansang paaralang 'to. Malansa dahil mas masahol pa sa isda ang baho nila. "Hi Lucy, ilang taon pa kaya itatagal mo rito? Haha!" "Guys! It's Lucy! The worldwide genius! Gosh, pa autograph naman ! Haha!" "Duh, autograph my ass. Rich people like us don't need any trash from a lowclass girl like her. Tsk!" "Right, my bad..." Mayayaman nga, ngunit mas masahol pa sa basura ang lumalabas sa bibig nila. Kadalasan nilang minamaliit ang mga taong sa tingin nila ay mas mababa sa kanila. Gaya ko, isa lamang akong scholar sa napakarangyang paaralang 'to. Ang paningin nila sa'kin ay isang hampas lupang hindi nararapat mag-aral dito. Kilala ako hindi lang dahil matalino ako, kilala ako dahil isa rin akong scholar na pinakaiingat-ingatan ng mga guro rito. Dahil sa inggit nila, gumagawa sila ng paraan upang mapatalsik ako rito. Tila ba sabik na sabik silang makita na bumagsak ako at mawala na ang basura sa paningin nila. Sa totoo lang, hindi mo naman talaga ako masasabing matalino. Sadyang lahat ng nangyayari sa buhay ko, ilang taon man, linggo, araw, oras, minuto o segundo--ay naaalala ko. Simula tumungtong ako sa ika-labing dalawa kong kaarawan, naaalala ko na lahat ng pangyayari sa buhay ko. Lahat ng bagay na nakikita ko, naririnig, o nababasa ay madali kong naaalala. Memoryado ko lahat kahit hindi ko naman sinasadya. Hyperthemysia ang tawag sa sakit na meron ako. Hindi ako nakakasigurado kung maituturing ko nga ba itong sakit o hindi. Isa lang ang alam ko, pakiramdam ko'y sasabog na ang utak ko sa rami ng mga memoryang naglalaro sa isip ko. Paminsan-minsan ay sumasakit ang ulo ko, at nahihilo ako. Wala namang masama na maging matalino, napasama lang ang pagiging matalino ko dahil sa estado ng buhay na meron ako. Napabuga ako ng hangin nang makalabas na ako sa masangsang na paaralang 'yon. Kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin maiwasang itanong kung bakit ako nagkaroon ng buhay na ganito. Hindi ko maiwasang sisihin ang ama ko kung bakit niya ako iniwan sa kamay ng babaeng yun. Sa kamay ng babaeng mabait lang kung nakaharap sa maraming tao. Sa babaeng saksakan ng sakim sa pera at luho. Namatay ang ama ko, at naiwan sa madrasta at kinakapatid ko. Mga taong walang ibang ginawa kun'di ang alilain ako at pahirapan. It's a Cinderella story, ang pinagkaiba lang, wala akong fairy godmother. Hindi ako yung tipong magkakaroon ng babasaging sapin sa paa, magkaroon ng sariling kalesa at magarang damit. Hinding-hindi ako magkakaroon no'n. "Umuwi ka na pala, nasaan ang anak ko?" Napatigil ako sa pagpasok sa kwarto ko nang marinig ko ang boses niya. Bahagya ko siyang nilingon. May hawak-hawak siyang sigarilyo sa kaliwang kamay niya, at bote naman ng wine sa kabila. "Nasa bahay raw ni Monique, gagabihin daw siya sa pag-uwi." Pagkatapos ko itong sabihin ay pumanhik na ako papasok sa kwarto ko, pero bago pa man mangyari yun, may humila sa braso ko. "Sinabi ko ba'ng tapos na ako sa pagsasalita?" Pinandilatan niya ako ng mata. Marahas niya akong hinarap sa kaniya. Napangiwi ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. "Alam mo bastos ka talaga eh noh? Nagmana ka talaga sa nanay mo na walang kwenta!" Diniin niya ang hawak niyang sigarilyo sa balat ko kaya nakagat ko ang labi ko. Pinanlisikan ko siya ng mata, hindi dahil sa sakit na dulot ng pagdampi ng sigarilyo niya sa balat ko, kun'di dahil sa sinabi niya tungkol sa ina ko. "Walang kwenta? At ano sa tingin mo, may kwenta ka?" Pabalang kong sagot dito. Nakita ko ang mabilisang pagtaas ng makapal niyang kilay dahil sa sinabi ko. Tila ba may narinig siyang isang nakakamanghang bagay sa buong buhay niya. "Kailan ka pa natutong sumagot sa'kin ha?" Sinubukan niya akong sampalin pero iniwas ko ang mukha ko. Inis siyang tumingin sa'kin. Nakikita ko mula sa mga mata niya ang kagustuhang ilampaso ako sa sahig. Mga matang masarap bulagin para mawala ang pagkaluho niya. "Punong-puno na ako sa inyo. Wala na kayong ibang ginawa kun'di ang gawin akong alila sa sarili kong pamamahay!" Singhal ko. Pinatong niya ang hawak niyang bote ng alak habang dinuduro-duro ako. "Wala ka'ng karapatan upang sumagot-sagot sa'kin ng gan'yan!" Natawa ako. Walang karapatan? "Sa ating tatlo na naninirahan sa pamamahay na 'to, ako ang higit na may karapatan sa lahat ng pera at ari-arian na inaangkin niyo. Kahit man lang pag-aaral ko ay pinagkakait niyo pa! Kung hindi ako nagsikap magkaroon ng scholarship, hindi pa ako makakapag-aral!" Sigaw ko. Nakaramdam ako ng hapdi sa balat ko kaya nakagat ko ang labi ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahirap, ngunit dahil sa kanilang mag-ina naghihirap ako. Ayaw nila akong pag-aralin dahil natatakot silang ako ang magmana ng kompanyang iniwan ng ama ko. Ako naman talaga ang magmamana dahil ako ang legal na anak, ngunit panandalian itong hawak ng mandrasta ko dahil wala pa ako sa tamang edad. Walang nakakaalam na ako ang tunay na anak ni Leandro Cardova, na ako ang tagapagmana ng naiwang ari-arian nito. Ang alam ng lahat, ako ang anak sa labas, at sila ang legal na pamilya. Tanging ang abugado lamang na siyang tiyo ko ang nakakaalam ng lahat. Kaya naman parang isang basura lang ang tingin sa akin ng mga tao sa paaralan. "Tumahimik ka!" Wala sa sarili akong napangisi. Punong-puno na ako sa ginagawa nila sa akin. Hinayaan ko sila, pinabayaan ko sila, sinunod ko lahat ng gusto nilang ipagawa, hindi ako umangal o nagreklamo, pero sadyang kumukulo na ang maligamgam na tubig. Sana masunog ang papamahay na ito at walang matirang ni katiting na ari-arian. Mahigpit kong hinawakan ang tali ng bag ko, sawang-sawa na ako. Hinakbang ko ang mga paa ko palabas, nilampasan ko lang siya na para ba'ng isa siyang masamang hangin sa paligid. She's not worth my words, they're not worth my efforts and regrets. Nakalabas na ako ng bahay nang may humablot na naman sa braso ko. Mabilis ko itong binalya kaya nabitawan niya ako. Gulat siyang napatingin sa'kin, samantalang isang blankong tingin lang ang iginawad ko sa kaniya. "Aalis ako, kaya 'wag na 'wag mo akong pipigilan." Madiin kong wika. Natawa naman ito,ngunit ang tawa niya ay may halong pagkakaba. "Aalis ka? Tingin mo mabubuhay ka ng mag-isa? Saan ka titira? Ano ang kakainin mo? 'Wag ka'ng aalis! " I tilt my head as I look at her. Ngayon naman ay may pakialam na siya sa akin? Bahagya akong natawa dahil sa inasal niya. "Napag-aral ko nga ang sarili ko, hindi ba? Sa tingin mo hindi ko kayang mamuhay mag-isa?" Tinalikuran ko siya. Lalabas na sana ako ng gate nang marinig ko muli ang sigaw niya. "Sa oras na lumabas ka, hindi ka na makakabalik pa. Hindi ka kawalan!" Banta nito. Nilingon ko siya sa ikalawang pagkakataon. Hindi ako natatakot sa sinasabi niya. "Hindi na talaga ako babalik pa. Hindi niyo makukuha ang inaasam-asam niyong luho hangga't hindi ko napipirmahan ang weaver. Sino sa ating dalawa ngayon ang hindi kawalan? Hindi ba ikaw?" Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tuluyan na akong nakalabas ng gate, at iniwan siyang nakatulala. Ilang metro pa lang ang layo ko sa bahay nang makarinig ako ng isang pagsabog. Napatigil ako sa paglalakad, at agad napalingon upang tingnan kung saan ito nagmula. Hinakbang ko ang mga paa ko pabalik, at nakita kong nilalamon ng apoy ang kalahating bahagi ng bahay. Naririnig ko ang pagsisigawan ng mga katulong, pati na rin ang pag-aapila nito sa nagbabagang apoy. Nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada habang tinatanaw ang bahay naming tuluyang nilalamon ng nagtataasang apoy. Sinabayan pa ito ng malakas na hangin, kaya mas lalong lumagablab ang apoy. Imbis tumawag ako ng bumbero upang umapila sa sunog, hinayaan ko na lang ito. Kahit tumawag man sila ng tulong, hindi na nila maisasalba ang bahay at mga ari-arian nila. Tinalikuran ko na lang ito, at nagpatuloy sa paglalakad. Masunog man ang bahay, mapulbos man 'yan, o ano. Wala akong pakialam sa kanila. Sabihin na nating karma na nila 'yan sa lahat ng ginawa nila sa'kin. Napatigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa isang tulay. Tinanaw ko ang kalaliman nito. Mahigit-kumulang dalawampung metro ang sukat nito pababa. Kapag tumalon ka, paniguradong mamamatay ka. Should I jump then? Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD