18

1239 Words

Hindi na naalis ang tingin ni Oliver kay Serenity habang kinakausap nito ang mga trabahador niya sa kaniyang farm. Tinitingnan niya ng maigi ang mga ito at pinakikinggan ng mga usapan na kapag hindi niya nagustuhan ang mga kumakausap na trabahador niya sa dalaga, agad siyang lumalapit sa mga ito at siya na ang kakausap. O 'di kaya pinaaalis niya ito lamang. Pinaalis kaagad ni Oliver si Erik nang mapansin niya ang kakaibang tingin ng binata sa dalagang si Serenity. Pati na ang biro nito na para bang may halong panlalandi. Napansin niya kasi na parang natutulala sa Erik sa kagandahan ni Serenity at hindi iyon nagugustuhan ni Oliver dahil ang gusto niya siya lang ang titingin sa dalaga. "Bakit ba nakabusangot ang mukha mo diyan? Tapos ang sama pa ng tingin mo sa mga kausap ko. May problema

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD