May ngiti sa labi ang dalagang si Serenity nang siya ay magising. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kaniyang silid at hindi naiwasang mapahagikhik. Ang saya niya dahil hindi na niya nararanasan pang maging mahirap. Kagaya ng hindi maganda ang gising niya noon tuwing umaga dahil matigas ang kaniyang pinaghihigaan, madumi at maliit lamang ang kaniyang kuwarto at higit sa lahat, pawisan siya palagi kapag nagigising dahil mainit sa kanyang kuwarto. Pero ngayon, ibang- iba na ang buhay niya ngayon. At ang tanging masasabi niya lang, gusto niya ang buhay niya ngayon. Ang sarap gumising tuwing umaga kapag ganito kaganda ang kuwarto ko. Kaya dapat lang talaga na maakit ko na si tito Oliver. Nang sa ganoon ay hindi na ako makakaranas pa ng hirap. Magiging bahagi na ako ng yaman niya