May ngiti sa labi si Serenity habang pinagmamasdan ang mga trabahador sa farm ni Oliver. Nararamdaman niya kasi na malapit ng mahulog sa kaniyang patibong si Oliver. "Mukhang masaya po yata kayo, ma'am ah!" sabi ni Erik na trabahador doon at close na rin ni Serenity. "Oo naman. Dapat palagi lang tayong masaya. Bawal ang bad vibes..." sabi naman niya sa binata. Hindi alam ni Serenity na mayroong paghanga sa kaniya ang binatang si Erik. Sa unang araw pa lang na magpunta doon ang dalaga, nakuha kaagad ni Serenity ang atensyon ni Erik. At sa lahat ng nagtatrabahong lalaki doon, si Erik ang pinakaguwapo sa lahat dahil may lahi ito. At iyon ay ang kaniyang ama ngunit iniwan lamang sila ng kaniyang ama noong sanggol pa lamang siya. Napalagay din kaagad ang loob ni Erik kay Serenity dahil maga