"Wow! Mabuti at naisipan mo pa akong dalawin!" saad ni Diane nang dalawin siya ni Serenity sa bago nitong inuupahang apartment. "Busy ako 'no! Kaya hindi kita napupuntahan. Alam mo na, kailangan kong kumilos para masungkit ang puso ni tito Oliver at nagagawa ko naman na. Pero may bruha nga lang na dumating. May kontrabida agad," nakangiwing sabi ni Serenity habang inilalagay sa mesa ang mga pagkaing dala niya. Tumaas ang isang kilay ni Diane. "Oh? At sino naman ang kontrabida na iyan? Baka makasira pa iyan sa plano mo!" Bumuntong hininga si Serenity sabay irap. "Iyong ex girlfriend ni tito Oliver... humahabol- habol pa! Ito talaga 'yong pinakakinaiinisan ko sa isang relasyon. Iyong ex ka na pero humahabol ka pa rin? Ex ka na pero papansin ka pa rin at umaasta na parang may karapatan ka