Kabanata 6

1311 Words
Oliver's P. O. V. Ilang linggo na rin simula nang iwan ako ng asawa ko, pakiramdam ko ay kahapon lang ito nangyari. Sobrang sakit pa rin ng bigla niyang pagkawala. Araw- araw akong umiiyak sa kuwarto dahil naiisip ko siya. Ni minsan na nga lang akong lumabas ng bahay dahil wala akong ganang kumilos. Wala akong ganang bisitahin ang negosyo ko. Mabuti na nga lang at may isang tao na maari kong pagkatiwalaan sa mga negosyo ko. Mabuti na lang at nandiyan pa si Serenity. Nakikita kong malaki ang maitutulong niya sa akin at talagang mapagkakatiwalaan siya lalo na't pinalaki siya ng tama ng kaniyang ina. "Tito Oliver.. ayos lang po ba kayo?" Napagtingin ako kay Serenity. Nandito kasi ako ngayon nakaupo sa veranda. Nakatingin ako sa kalangitan at iniisip na nakatanaw sa akin ng yumao kong asawa. Iniisip ko na binabantayan niya ako ngayon. Gabi na rin pero hindi pa ako makatulog. Naging ganito na ako simula nang mawala ang asawa ko. Parang nawalan ng kulay ang buhay ko nang mawala siya. Kaya naging matamlay ako sa lahat ng bagay at paminsan- minsan ay naiisip ko na sumunod na lang sa kaniya. "Iniisip mo po ba si mama?" tanong niya nang umupo siya sa tapat ko. Bumuntong hininga ako. "Wala namang araw na hindi ko inisip ang mama mo. Lagi ko siyang iniisip. Lagi akong umaasa na isang araw, mapanaginipan ko siya. Na kahit sa panaginip ay makasama ko siya. Pero mukhang malabo yatang mangyari iyon dahil mukhang ayaw niyang magpakita sa akin..." sabi ko at saka pilit na ngumiti. "Kahit nga rin po ako, gusto kong makita si mama sa panaginip ko pero ayaw naman niyang magpakita sa akin. Ang sabi ko nga sa kanya, hindi naman ako matatakot kung magpapakita siya sa akin dahil mama ko naman siya kahit multo na siya," pagbibiro naman niya. Tinitigan ko si Serenity. Tinitigan kong maigi ang maganda niyang mukha. Kamukhang - mukha niya ang kaniyang ina. Para silang pinagbiyak na bunga. Kapag nagtatabi nga sila ay para lang silang magkapatid dalawa. At kahit sa ugali, parehas silang dalawa. Parehas silang maasikaso. At nang dahil kay Serenity, naaalala ko ang lahat ng tungkol sa kaniyang ina. Dahil parehas na parehas silang dalawa. Kaya naman pinaghalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil parang kasama ko pa rin ang asawa ko. Malungkot ako dahil alam ko naman na wala na talaga siya. Hindi ko na tuloy alam kung magagawa ko pang magmahal ulit. Kung magkakaroon pa ba ako ng asawa. Dahil hindi ko alam kung makakatagpo pa ba ako ng isang katulad niya. Nasa kaniya na kasi ang lahat ng hinahanap ko sa isang babae. Kaya nangangamba ako kung magagawa ko pa bang bumuo ng pamilya. Baka tumanda na lang akong binata nito. "Siya nga po pala, huwag na po kayong mag- alala doon sa farm po ninyo dahil naayos ko na po ang lahat. Ang mga prutas na na- harvest ng mga tauhan po ninyo ay naidala na sa iba't ibang lugar. Malaki po ang kinita niyo doon at nai- transfer ko na po ito sa inyong account. Dumami na rin po ang kumukuha sa atin ng mga prutas at gulay dahil talagang alagang- alaga ang mga tanim natin sa farm ninyo. Pati ang mga hayop doon, malulusog at walang mga sakit," nakangiting sabi niya sa akin. "Maraming salamat, Serenity dahil maaasahan kita. Pasensya ka na kung hindi kita magawang masamahan doon. Hindi ko pa kasi alam kung kailan babalik ang sigla ko. Parang wala kasi akong ganang lumabas- labas. Na gusto ko lang magmukmok sa bahay na ito..." sabi ko sabay yuko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Naiintindihan ko naman po kayo kaya wala kayong dapat na ikahingi ng pasensya. Pero sa totoo lang, mas mainam na lumabas- labas din oo kayo para malibang kayo. Para mabaling ninyo sa ibang bagay ang lungkot ninyo. Kaysa po nandito lang kayo. Mas lalo po kayong malulungkot. Mas lalo po kayong mahihirapan na maka- recover. Iyon po kasi ang ginagawa ko ngayon at inaabala ko ang sarili ko sa farm ninyo..." Nag angat ako ng tingin. Naisip ko na may punto naman siya. Tama nga naman na dapat inaabala ko ang sarili ko sa ibang bagay para hindi ako lamunin ng matinding lungkot at para hindi ako masaktan pa lalo. Pero hindi ko alam kung magiging madali lang ba iyon sa akin. "Sige... pag- iisipan ko. Salamat sa payo mo..." tanging nasabi ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Ngiting katulad sa kaniyang ina na nakadadala. Ngiting nakakapagbigay ng positibong awra. Kaya naman napalunok ako ng laway nang mapagtanto kong nakatitig na pala ako sa kaniya ng matagal. "Sige po, tito Oliver matutulog na po ako. Maaga pa po ako bukas. Good night po sa inyo..." magalang niyang sabi bago inayos ang inupuan niya at umalis sa harapan ko. Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Hindi ko maiwasang humanga sa magandang hubog ng kaniyang katawan. Ang bilugin niyang hita... makinis na balat.. manipis na baywang.. malusog na dibdib... para siyang modelo ng mga underwear sa ganda ng kaniyang katawan. Sa gandang mayroon si Serenity, hindi na ako magtataka kung bakit maraming lalaki ang nagkakagusto sa kaniya pero tila wala siyang panahon sa mga ito. "F uck!" bulyaw ko sabay iling. Hindi ko maaaring pagnasaan ang anak ng asawa ko. Mali iyon. Dapat ay magsilbi akong magulang sa kaniya at hindi dapat ako nag- iisip ng mahahalay na bagay. Kaya naman tumayo na ako at saka nagtungo na sa aking kuwarto upang hindi na ako mag - isip pa ng kung ano - ano. KINABUKASAN AY NAPAGDESISYUNAN KONG SUMAMA na lang kay Serenity sa farm. At nang makarating kami doon, inabala niya ang kaniyang sarili sa paglibot- libot sa malaking lupain na pagmamay ari ko. Tinitingnan niya ang mga puno na may bunga na kung saan kapag may nakita siyang mababa lang ang bunga, pinipitas niya iyon at saka kinakain. Hindi ko tymoy mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siyang kumakain ng santol. Nangasim ang kaniyang mukha habang sinisipsip ang buto ng santol. "Ang sarap ng santol niyo, tito Oliver. Naghahalo ang matamis at maasim na lasa niya. Pero panalo pa rin ang tamis. May pitik lang ang asim. Nakakaadik kumain nito. Sarap.na sarap ako..." wika niya at muling kumain ng santol. "Iyang klase ng santol talaga ang ipinatanim ko dito dahil marami ang may gusto ng ganiyang santol. Sa mangga naman, matamis talaga ang tanim nating mangga dito. At higit sa lahat, malalaki ang mga ito." Namilog ang kaniyang mga mata. "Ay opo ang sarap ng mangga. Nakatikim ako kahapon. Siguro nakaapat yata akong mangga. Sarap na sarap ako eh. Ang tamis po kasi!" nakangiti niyang sabi. Natawa naman ako. Para siyang batang tuwang- tuwa sa pagkaing nagustuhan niya. "Magsawa kang kumain ng mga prutas na tanim dito. Puwede ka ring mag- uwi ng mga napitas mong gulay dito tapos lutuin mo sa bahay," suhestiyon ko sa kaniya. "Ay opo nag- uwi nga ako kahapon ng talong eh. Ang laki po ng talong niyo dito. Ang haba at ang taba! Parang etits lang!" sabi niya sabay tawa ng malakas. Kumunot naman ang noo ko. "Etits? Ano iyon?" Napakagat labi naman siya kasabay ng pamumula ng kaniyang mukha. "Ano po iyon... iyong alaga niyo pong mga lalaki... iyong tumitigas po kapag ano... nagagagalit," tila nahihiya niyang sabi sabay iwas ng tingin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang kaniyang sinabi. "Pasaway kang bata ka! Bakit doon mo pa talaga mahalintulad ang talong na tanim natin dito?" natatawa kong tanong sa kaniya. Pilya siyang ngumiti. "Eh gano'n po kasi kalaki at kataba ang mga etits ng ibang lahi na napanuod ko." "Ano? Nanunuod ka ng malalaswang palabas?" Mabilis siyang umiling. "Hindi naman po ako totally nanunuod. Tamang silip lang po pampa- good vibes," sabi niya sabay hagikhik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD