Hindi matanggal ang ngiti sa labi ni Serenity dahil makakasama na niya palagi ang asawa niya. Sa tuwing aalis ito, kasama siya kahit saan. Pero hindi nila ipagkakalat na mag- asawa silang dalawa. Bahala na ang mga taong makaalam ng kanilang relasyon. "Napakaganda naman talaga ng asawa ko..." Nagniningning ang mga mata ni Oliver na nakatingin sa kaniyang asawa sabay hapit sa baywang nito. "Syempre makakasama na kita sa work. Alam mo bang nalulungkot ako sa tuwing aalis ka? Tapos boring na boring ako sa bahay kasi nga mag- isa lang ako. Kaya nang sabihin mong magiging secretary mo ako, na makakasama mo na ako sa opisina mo, sobrang saya ko talaga. Huwag kang mag- alala, hindi naman porke mag- asawa na tayo, hindi ko na aayusin ang trabaho ko. Ang trabaho ay trabaho..." Kinindatan ni Sereni