Yanggaw

Yanggaw

book_age4+
36
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
mystery
scary
spiritual
like
intro-logo
Blurb

YANGGAW a horror true story,

isang taong nahawaan ng pag ka aswang.

sa mundong ating ginagalawan di lang mga normal tao ang namumuhay. May mga ibat ibang elemnto din naninirahan sa mundong ito.. at sa kwnetong ito, matutuklasan natin paano mamuhay ang isang YANGGAW.

chap-preview
Free preview
YANGGAW 1
Taong 1962 .. Ilocos Norte .. ako po si Salome di tunay na pangalan .. itatago ko na lamang po ang aking tunay na pagkakakilanlan sapagkat magpahanggang ngayon akoy nabubuhay pa .. opo ! Hanggang ngayon akoy buhay pa .. Matanda na ko na diba ? Pero edad ko lang yata ang tumatanda .. tsaka me 1 taon pa naman ako bago maging senior citizen .. Pero hanggang kailan ba ako mabubuhay? Hanggang kailan ko dadalhin itong sumpa ? Sumpa na hanggang ngayon ay dala dala ko pa rin at nasa loob pa rin ng aking pagkatao .. Tubong Negros po ako , negrensi ang aking ina ngunit taga ilocos naman ang aking ama .. Dalawa lamang po kaming magkakapatid , ang aking dodoy benjie at ako .. Hindi naman kami ganun ka close ng aking kapatid dahil sampung taon ang agwat ng mga edad namin .. Sa negros na kami lumaki at nagkaisip .. Ang trabaho ng mga magulang namin ay taga gapas ng Tubo .. yan kse ang pangunahing produkto sa negros .. Nakakaraos naman kami sa pang araw-araw naming mga pangagailangan .. Meron kaming isang simple , payak at masayang pamumuhay .. Hanggang sa isang araw napag pasyahan ng dodoy benjie na magtrabaho sa cebu .. Napakahirap at napakabagal ng transportasyon sa mga panahong iyon .. Mas sanay ang mga tao na nilalakad lamang ang kanilang patutunguhan .. mabisa ding ehersisyo ito .. Pero xmpre hindi naman naglakad c dodoy papuntang cebu (napaka imposible) Ng nandun na sa cebu c dodoy ay madalang na namin xang nkakausap .. isang beses sa isang buwan lamang.. Minsan pa nga umaabot pa ng tatlong buwan , sa kadahilanang sa Sulat lang naman kami nkakabalita sa kanya at maging kami din ay sa sulat din namin na sasabi sa kanya kung kamusta ang sitwasyon namin .. Hanggang sa isang araw may natanggap kaming sulat galing kay dodoy .. Magpapakasal na daw ito .. Nagulat kami lahat nun lalo na ang mga magulang namin .. Kse ni wala naman binabanggit sa amin si dodoy sa mga sulat nya nakaraan .. Ayun sa kanya nakilala daw nya si thelma (di tunay na pangalan) di ko na lamang din po babanggit mga ka estorya at mahirap na .. Balik sa kwento Ayun na nga po .. nakilala dw po ni dodoy si thelma sa karenderya na kinakainan nila araw-araw .. serbedora dw po doon c thelma .. Si dodoy kase ay nagtatrabaho sa isang construction .. At dahil nga sa araw-araw niya itong nakikita doon ay nakasanayan na niya itong biruin .. Hindi naman daw ito nagagalit kaya ok lng .. Hanggang sa magkapalagayan na nga sila ng loob at niligawan na ito ni dodoy .. Nung nag tapat daw si dodoy noon naging mailap daw ito sa kanya ngunit naging mapursige naman itong kapatid ko hanggang sa napasagot nya na nga si thelma .. At kahit walang sinasabi ang dodoy sa inang at itang ay nagsama na pala sila ni thelma .. Mag lilimang taon na din kasi si dodoy sa cebu ng mga panahong iyun .. bale pagtapos nung ginawa nilang bahay malapit dun sa karendenryang pinag tatrabahuan ni thelma ay nag karoon ulet sila ng trabaho .. sinuswerte naman kasi na isa sya lage sa napipili ng engineer na makasama sa trabaho .. (balik sa kwento) Tatlong taon na palang nag sasama sa iisang bubong ang dodoy benjie ko at si thelma kaya napagpasyahan na din nilang mag pakasal. Napagpasyahan naman nila kuya na umuwi dito sa amin sa negros. Mga tatlong linggo pa bago nka uwe sila dodoy .. inantay pa dw kasi niya yung sasahurin nya bago sila umuwe .. Masyang masaya kami noon .. Sila inang at itang naluluha pa nga ng makita si dodoy .. Inaasahan na naman naming uuwi sila dodoy ngunit hindi namin inaakala na nung araw na iyon na ang uwi nila kaya wla kaming ka alam alam .. " Doy pasensya kana at wala man lang kaming na iprepara hindi din naman kasi namin alam na ngayon ang saktong uwi ninyo wika ni itang " " Tang wag nyo na po isipin yan .. sya nga po pla inang itang si thelma po sabay tingin naman sa kanyang katabi " Nakangiti naman si thelma na nag mano sa inang at itang hanggang sa nag usap usap na sila.. " Doy ihawin nyo na lang ni itang nyo mamaya yung isang manok natin para may ma i ulam tayo .. pumili ka na lamang doon sa likod sa may kulungan ng mga manok " Kinatay na nga nila dodoy at itang yung manok para sa ulam namin .. adobo na lang para madalian .. " Salome tawagin mo na dun sila dodoy benjie mo at ng makapag hapunan na tayo " Lumabas naman ako agad nun dahil nga gutom na din ako .. "Tang ! Doy ! Kaen na dw po tayo sabe ni Inang .. " Agad namang sumunod ang dalawa pero di pa din maputol putol ang pag uusap nila kahit hanggang naglalakad na sila papasok ng bahay .. " Si doy si thelma ? Tanong ni Inang .. " Nandun po sa kwrto nag aayos po ng mga gamit namin .. maot pakitawag naman c ate mo sa kwarto naka bungisngis pang pakisuyo ni dodoy sa akin .. " Napanguso na lang ako kse ayaw na ayaw ko talagang tinatawag ako ni kuya na maot na ang ibig sabihin sa tagalog ay panget (hindi nman ako panget, sabe nga ni inang ang ganda ganda ko daw eh) Nang nasa labas na ako ng pinto ng kwarto nila kuya ay me naririnig akong mga kakaiba .. hindi ko maintindihan eh .. yung tipong kahit hindi mo naiintindihan e mangingilabot ka .. ganun na ganun ang pakiramdam .. Kumatok ako pero walang sagot .. " Ate thelma kakain na tayo " Wala pa ding sagot .. hanggang sa napag pasyahan ko ng buksan ang pintuan ng kwarto nila .. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
159.3K
bc

Ang Kanyang Tatlong Alpha

read
6.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
158.7K
bc

His Obsession

read
98.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook