Chapter 1

2133 Words
Chapter 1 Callista's Point of View *Alarm clock rings* "Hmm, five more minutes." I moan sleepily as I turn off my alarm clock. Antok na antok pa ako kaya ayoko muna gumising. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha dahil bahagyang pumapasok ang sinag ng araw mula sa aking bintana. Siguro binuksan na naman ni mommy 'yong kurtina ko kaya nakakapasok na 'yong liwanag. Hays si mom talaga. Muli akong bumalik sa pagtuloy ngunit hindi pa man din lumalalim ang tulog ko ay muli na namang tumunog ang aking alarm clock. Aish! Ano ba naman! Gusto ko pang matulog. Antok na antok pa talaga ako. Anong oras na kaya ako nakatulog kagabi dahil anong oras na rin umuwi sila mom and dad after the reception kaya naman puyat ako. Pero teka... Kung wala sila mom and dad dito sa bahay, sinong naghawi ng kurtina ko? Bigla ay napamulat ako ng maalala kong hindi na nga pala ito ang bahay na kinalakihan ko. I am no longer living in our house nor with my parents. I'm already married and yet here I am still lying on my bed as if I don't have a husband to take care of. Dali-dali kong kinuha ang phone ko at tinignan ang oras. Halos matampal ko naman ang noo ko nang makita kong alas-nuebe ng umaga. At sa pagkakaalam ko ay alas-otso ang pasok ni Ice sa trabaho. Oh s**t Calli! You're so dumb! Ano na lang iisipin ng asawa mo? Na nakapangasawa siya ng tamad at hindi marunong mag-asikaso? I'm planning to be a good wife for him pero unang araw palang namin palpak na agad ako. Hindi ko man lang siya napag-prepare ng breakfast. Padabog kong ibinaba ang cellphone ko sa kama at tumingin sa kisame ng aking kwarto. Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan na magpapadyak na parang isang bata. I'm really stupid! Pero ano pa nga bang magagawa ko? Malamang nakapasok na si Ice dahil alas-otso nga ang pasok nito at sa ugali ni Ice, alam kong hindi siya nagpapa-late sa trabaho. Napabuntong-hininga na lamang ako at nakasimangot na tumayo. Babawi na lang siguro ako mamaya sa dinner. Oo tama! Sa naisip ko ay bigla akong nabuhayan ng loob. Hindi pa naman siguro huli ang lahat upang maging isang mabuting asawa ako kay Ice 'di ba? Pwede pa naman ako bumawi mamayang dinner. Hihi magluluto na lang ako ng masarap na hapunan mamaya. Isang masarap na putahe kung saan mapapa-ibig ko si Ice. Hindi ba't ang sabi nga nila "a way to a man's heart is through his stomach". Kaya tama ang naisip ko hihi. Ngunit ganoon na lang din ang pagbagsak ng balikat ko nang maalala kong hindi nga pala ako marunong magluto. Paano ako makakapagluto ng masarap na putahe kung in the first place hindi naman ako marunong magluto. Aaahhh! Ano ba naman 'yan Callista Lim-Buenavista! Wala ka bang ibang alam gawin? Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis. Bakit ba kasi hindi ako lumaking marunong sa gawaing bahay?! Wala tuloy akong alam gawin. Tinuruan naman ako ni mommy noon pero hindi ko rin naman nagawang gamitin dahil may mga katulong kami. Hindi nila ako hinayaan gumawa ng mga gawaing bahay. Ang alam ko lang maghugas ng mga plato huhu. Feeling ko tuloy ang tanga-tanga ko. Ano na lang talaga iisipin ni Ice sa akin? Paano ko siya magagawang paibigin nito huhu! Natigil ako sa ginagawa kong pag-emote at nabaling ang atensiyon ko ng may narinig akong kumatok sa pinto ng aking kwarto. Nagtaka naman ako dahil wala namang ibang tao dito sa bahay namin ni Ice kung hindi kaming dalawa lamang. Wala kaming katulong at ayoko ring kumuha dahil gusto ko ako ang mag-aasikaso sa asawa ko hihi. So, sino naman kaya itong kumakatok kung pumasok na si Ice sa trabaho? Bigla ay nanglaki ang mga mata ko at napaurong ako sa takot sa biglang sumagi sa isip ko. Hindi kaya magnanakaw ang isang 'to? Pero kung magnanakaw ang kumakatok sa pinto ng kwarto ko bakit kailangan niya pa kumatok? Hindi ba't ang mga magnanakaw ay diretso lang na pumapasok sa loob ng bahay? Naulit ang pagkatok kaya naman napaatras ulit ako. Oh my good Lord! Sa takot ko ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng pintuan. Magsasalita na sana ako upang tanungin kung sino ang kumakatok ng bigla na lamang tumulak pabukas ang pinto dahilan upang mapasigaw ako sa takot. "What the hell?!" Rinig kong sabi ng isang baritonong boses. Ang sosyal naman ng magnanakaw na ito. May pag-what-the-hell. Nakapikit kasi ako kaya hindi ko alam makita ang mukha ng magnanakaw na pumasok sa kwarto ko. "Why are you screaming? Are you crazy?!" Ani pa nito. Nagtaka naman ako dahil parang pamilyar sa akin ang boses. Doon na ako napamulat at halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang nakasimangot na mukha ni Ice. Eh?! Anong ginagawa ni Ice dito sa bahay? Akala ko pumasok na siya? Wala ba siyang pasok? "Ice?" I simply say his name. He gave me a frown. "Who else? Are you expecting someone else? Tss," he hissed. I stood up straight and continued to stare at him. "I thought you had gone to work; don't you have work?" I inquired curiously. "It's our first day as a married couple. Do you think I have the guts to go to work and leave you here alone all day?" I was surprised by his response, but at the same time, it made me feel warm inside. Maybe he did care about me after all. Tanda ko pa rin ang mga katagang binitiwan niya kahapon habang nasa simbahan kami at nasa gitna ng seremonyas ng kasal namin. That I should not let myself get attached with him because we only got married because of our families' negotiations. Pero paano ko pa gagawing iiwas ang sarili kong ma-attached sa kaniya kung simula pa lang ay iniibig ko na siya? Atsaka sa mga ganitong kilos niya, sinong hindi mahuhulog ng husto? He's cold but still cares for you. I couldn't help but smile as I looked at Ice, my new husband. He was both beautiful and adorable, making my heart flutter with joy and confusion. "What are you staring at now?" he asked with a poker face, making me smile even more. I couldn't avoid thinking that it was entirely unfair for someone to be so flawless. As I gazed into his icy eyes, I felt myself getting lost in them. "Are we going on a honeymoon?" I asked him, feeling a bit awkward. Ice looked surprised and didn't appear to believe what I was asking. Doon ko lang din na-realize kung anong sinabi ko. Did I just ask him if we are going on honeymoon? Really Callista?! Hindi ka talaga nag-iisip muna bago magsalita! Ilang beses mo ipapahiya ang sarili mo sa harap ni Ice?! Pero it's a common thing lang naman sa mga bagong kasal ang mag-honeymoon 'di ba? I mean, it's not that I'm thinking about that thing but you know? Honeymoon like going out of town? Or going out on a vacation? Something like that! Huhu! Still nakakahiya pa rin na tinanong ko kay Ice ang bagay na 'yon. Baka isipin niya gusto kong gawin ang bagay na 'yon. You know what I mean! Urg! "Oh, I'm sorry! I mean, a honeymoon like going out of town or vacation, something like that, not the kind of honeymoon that a normal married couple does on their first night!" I quickly explained. Si Ice naman ay nakatitig lang sa akin at pinapanood akong magpaliwanag sa kaniya. Akala ko magagalit siya or maiinis kasi nga hindi naman talaga kami nagpakasal dahil mahal namin ang isa't isa pero eto ako't nag-aasam ng honeymoon 'di ba? Ngunit laking gulat ko na lamang ng biglang nag-iba ang ekspresyon ng mga mata ni Ice. There's something in his eyes that I couldn't explain. They went from icy to enticing, and I couldn't understand the look in his eyes. It was as if he was looking at me differently than usual. "So, do you want to go on a honeymoon with me?" Ice asked seductively, getting closer to me, and forcing me to retreat. Wait! What is he doing? Is he seducing me? Atras-abante ang ginagawa naming dalawa habang nakatitig pa rin ng malalim si Ice sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader sa aking likuran. Nasa dulo na pala ako at ngayo'y nasa harapan ko si Ice na nakatitig pa rin ng diretso sa akin. Ni hindi siya kumukurap o ano pa man. Basta diretso lang ang titig niya sa akin at eto naman ako, kumakabog ang dibdib sa kaba. I started to tremble uncomfortably as he fixed his gaze on me and kept doing so. "Callista, I'm asking you: do you want to go on a honeymoon with me?" Ice asked again, and I swallowed, not knowing what to say. Gusto kong sumagot ng oo pero natatakot akong baka iba ang isipin ni Ice kapag iyon ang sinagot ko. "Uhm..." I stammered, unable to think clearly because of Ice and the scenario at hand. He was so close to me that I could smell his mentholated breath, which smelled nice. Ang bango. Ano kayang mouthwash niya? Kidding! But kidding aside, kaunting lapit na lamang ay magdidikit na ang aming mga mukha. Sa sobrang lapit niya sa akin ay kitang-kita ko sa malapitan ang kaniyang gwapong mukha. Grinab ko na ang chance na titigan ang bawat parte ng mukha niya. I yearned for the chance to examine every detail, starting with his gray eyes that seemed to peer into my soul. Down to his aristocratic nose that I could spend an entire day sliding my finger up and down on. And his crimson lips, which looked soft and delightful to kiss... Kiss---. What the hell are you thinking, Callista?! Talaga bang iniisip mo na ang sarap halikan ng mga labi niya? At kailan ka pa natutong mag-isip ng ganiyan? Aish! Kung itatanong niyo kung nag-kiss na ba kami ni Ice ay ang isasagot ko lamang ay hindi pa. Kahit kinasal na kami kahapon at may you may now kiss the bride ay hindi ako hinalikan ni Ice sa aking labi. Where did he kissed me? He kissed the side of my lips to fool our guest. It will looks like we kissed but we really didn't. Though, that was still my first kiss. He is my first kiss. "Calli, you're zoning out; come on, I'm waiting for your answer," Ice said again, and I just swallowed when his eyes lowered to my lips. I even saw him gulp. Mas lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko. Did he want to kiss me? "O-of course, but not that kind of honeymoon! You're thinking wrong." I stammered, feeling a bit embarrassed. Ice's brows furrowed as he looked at me, and I wasn't sure if I was seeing things correctly, but I thought I noticed amusement in his eyes. Natutuwa ba siyang asarin ako ngayon? "Okay." As Ice turned away from me, I let out a sigh of relief. Pakiramdam ko kanina ay habang magkalapit ang aming mga mukha ay naninikip ang aking paghinga. Para akong mauubusan ng hangin kanina and I don't even know why I felt that way. But the momentary reprieve was short-lived, as he murmured, "All right," before dropping the bombshell that left me stunned. "Let's go somewhere out of town. I've already filed for vacation leave, so get ready. We'll be leaving in a few minutes." A wave of shock and excitement coursed through my veins. Naiwan akong tulala. What? We're going out of town for our honeymoon vacation? Omg! Akala ko dito lang kami sa bahay eh. Akala ko hindi na namin ice-celebrate ang first day namin as wife and husband. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. I know Ice told me that I should not let myself get attached to him but right from the beginning I'm already attached to my feelings for him. At sa tingin ko mas lalong titindi itong nararamdaman ko lalo na ngayon na mag-asawa na kami. At desidido rin ako na gagawin ko ang lahat maging isang mabuting asawa lang kay Ice. I know and am fully aware that we only married each other for the sake of each other's family businesses. With unwavering resolve, I embarked on our honeymoon, determined to break through the icy walls surrounding his heart. Despite the daunting task, I was ready to take risks and push past my comfort zone to show Ice just how deeply I loved him. As we leave, I whispered to myself, "I'll make you fall for me, my dear husband, even if it means melting the ice with fire."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD