Chapter Six

1127 Words
=Via's POV= Nagising ako dahil sa ingay galing labas. Unang napansin ko ay nasa kuwarto na ako So ibig sabihin inuwi nila ako nang tulog at di man nila ako tinanong kung okay lang ba ako o hindi Hayssss.... wala naman nagbago sakanila eh. Mag di-disisyion sila nang wala man lang sinasabi sayo Tumayo ako pero biglang kumirot yung binti ko. Napapikit ako ng mariin. Naglakad ako papunta sa pintuan, sinandal ko yung ulo ko doon at nakinig. "HINDI NGA PWEDE EH!" "Bakit nga hindi pwede!" "DAHIL MAY SAKIT SIYA" Tapos bigla tumahimik. What? Di ko gets --_-- "Anong sabi mo?" "May Sakit siya" Lumayo na ako sa pintuan at pumunta sa computer desk ko at binuksan yung laptop ko --------------- "Mam Olivia? Gising na po" sabi ng maid namin galing sa labas ng room ko Dali dali kong pinatay yung laptop at pumunta sa sa higaan ko at nagkunyari na tulog.Narinig kong bumukas yung pintuan "Gising ba siya?" Narinig kong tanong ni ate Karielle "Mam Karie, hindi pa po, mukhang mahimbing pa po yung tulog niya" "Ah, okay. Tawagan mo ako kapag nagising na siya, tapos pagnagising na siya, pakainin niyo siya, nasa ref yung dapat niyong lutuin sa kanya. Mauna na ako Nay Milda" Sabi ni ate Karielle "Sige po, ako na pong bahala sakanya" sabi tapos narinig kong sumarado na rin yung pintuan Naupo na ako sa higaan ko. Hayssss Gusto ko tuloy gumala. Nasan nga pala phone? San ko ba huling nilagay yon? Pumunta ako sa walk in closet ko, at hinanap ko phone ko. Pero wala sa Walk in Closet ko Kaya pumunta ako sa banyo ko, hinanap ko din pero wala. Pati naring sa laptop desk ko at vanity table ko, wala din. San ka bang pesteng cellphone na yan? Umupo ako sa higaan ko at humiga, pero tumama yung ulo ko sa matigas na bagay sa bed, Kaya tiningnan ko ito, cellphone ko pala. Dali dali kong binuksan at tinawagan si Bryan "Hello?" Tanong niya sa kabilang linya Paniguradong sinagot niya lang ito nang hindi tinitingnan yung pangalan na kung sino tumatawag. "Hello honey" parang batang boses ko, ewwwww. "Honey, napatawag ka? Ano kamusta bakasyon mo ng tatlong araw ng walang paramdam samin ni Zyrae" sabi niya at alam kong nahalata niya na ako toh "Ihhh, kasi eh. Kakainis lang, tawagan mo si Zyrae, magkita kita tayo sa Cafery less than an hour. Clear?" Sabi ko "Yes mam" sabi niya sabay pinatay yung tawag Pumunta agad ako sa walk-in-closet ko. At binuksan yung chest don sa ibaba, puro pang nerdy style toh, yung magmumuka kanang manang ganun. Kinuha ko yung floral dress tapos yung black belt, and jacket. Medyo malamig ata panahon ngayon, ang lakas ng hangin sa labas eh. Tapos kinuha ko yung converse na puti at sinuot yung damit at sapatos ko. At pumunta ako sa side table ko, at binuksan yung drawer non. Maraming pwedeng pagpilian na salamin doon, syempre pinili ko medyo stylish kahit konti, Lacoste yung brand non, pang military yung sinuot ko. Pagkatapos non inayos ko higaan ko at kumuha ako ng unan galing sa walk-in-closet ko. At hinugis yung unan ko parang may natutulog sa bed ko. Pinatay ko yung ilaw ng kwarto ko, sinarado ko yung pintuan ng closet at banyo ko, inayos ko lahat nang kailangang ayusin at tska ako pumunta sa bintana ko. Sa bintana ko ang makikita mo lang ay malaking puno, di ko alm kng bakit pa hindi nila tinatanggal yan, pero. SABI ng mga kapit bahay namin ay swerte daw yan. Tumalon ako papuntang puno, hindi naman malaki ang agwat ng puno at nung bintana ko kaya madali kong naisara ang bintana. At tumalon ako sa garden ng kapit bahay namin. At wala rin tao sa bahy nila kasi sa pagkakaalam ko every 3rd week of August, nasa ibang bansa yung buong pamilya, ni katulong kasama din sa bakasyon nila. Kagaya ng sabi ko, walang tao sa bahay nila, madali akong naka labas ng garden nila. Tumakbo ako palabas ng Village. At nag abang nangtaxi, wala akong pang grab eh, naiwan ko cellphone ko at nagmamadali narin ako eh. Then may tumigil na sasakyan saakin, binaba yung window shed "Saan po?" Tanong saakin ng driver "Dyan lang po sa Cafery" sabi ko tapos tumango siya kaya agad akong sumakay. Ilang minuto nandito na ako, nagbayad ako at bumaba, nagmadali ako pumasok sa loob. At pumunta sa favorite spot namin tatlo. Maya maya nakita kong sabay dumating sina Bryan at Zyrae. Umupo sila sa harap ko "San ka nanggaling nung tatlong araw?" Agad na tanong saakin ni Zyrae "Kasama ko sila Mommy" sabi ko "Wow, anu yun? Bonding time?" Tanong ni Zyrae ulit. Umiling ako na kinanuot ng nuo niya "Kasama ko sila mommy for the past three days kasi binabantayan nila ako. At gusto nila akong makipagkaibigan dun sa lalaking nasabahay namin" sabi ko. "Tapos?" Tanong niya kaya kinuwento ko sa kanya lahat na nangyari --------------- "Edi who is that boy?" Tanong ni Zyrae saakin. "Hindi ko siya kilala noh" sabi ko "Pogi ba?" Tanong ni Zyrae ulit saakin "Pogi siya, malaman pero..." sabi ko "Pero ano?" "Pero pangit ugali niya, nakikisabat sa away namin nila mommy" sabi ko "Kain muna girls" sabi ni Bryan saamin dalawa na hindi namin na malayan naka order na pala siya "Buti naisipan mo" ani ni Zyrae at kinuha niya yung pagkain niya. As usual, same din yung ini-order namin kahit may mga bagong menu sila, yung akin mango graham shake at carbonara, kay Zyrae naman Strawberry shake and banana cake, yung kay Bryan naman, iced tea at grilled cheese. tapos binigay saakin ni Bryan yung pagkain ko. "Alam mo mas bagay sayo kapag walang salamin" sabi ni Bryan, natawa nalang ako sa sinabi niya. "Kung pinipilit mo parin na magcontact lense ako, never. atsaka ayoko pang mabulag noh" sabi ko sabay inom ng mango graham shake ko. "Ay, sya nga pala, may project nanaman daw tayo" sabi ni Zyrae kaya napatingin ako sakanya saglit at bumalik sa kinakain ko "Anong klase? Sana naman yung mas mahirap, na kakaboring yung pina-project nila eh" sabi ko "Don't worry, malaki kaya tong ipapaproject saatin" sabi niya "Anong klase nga?" sabi ko "Well, iba iba yung binigay saatin na theme, at saatin naman ay Band" sabi niya Napataas nalang ako ng kilay "Seriously, band? as in yung mga musics? You must be joking, wala naman saatin marunong kumanta o gumamit ng mga instruments" sabi ko "yun na nga eh, pero don't worry, may mga kasama tayo, kaso baka hindi mo magustuhan yung Tatlo sa mga magiging kasama natin" "Sino sino ba sila?" tanong ko "Si Ara Montresor, si Jade Craig, si Marcus Santos..." napataas na kilay ko nang binanggit niya yung pangalan ni Marcus "Si Justine Fernandez" sabi niya ulit kaya napataas lalo yung kilay ko "At si Lenard Lopez" sabi niya kaya napatingin na ako sakanya "Seriuosly?! okay nasa na kung si Ara, si Jade, si Marcuz at si Justine makasama natin eh pero yung hinayupak na yun?! Gosh!" sabi ko sakaniya "Don't worry, we got your back. Kaming bahala ni Bryan sakanilang tatlo kapag nanggulo sila" sabi ni Zyrae. [End of Chapter 6]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD