Chapter Two

965 Words
=Via's POV= Weekend na Salamat tapos na ulit ung weekdays, nakakasawa na magaral! Nandito ako sa kuwarto ng bahay ni Bryan, kung saan ako lagi tumatambay, kasama ko ngayon sila Bryan at Zyrae. "Via anong balak mong gawin if ever bumalik talaga siya" tanong saakin ni Zyrae habang nakaupo sa sofa. Di ako makasagot, I don't know why. "Don't be scared to tell us, we will help you no matter what, naging magkakaibigan pa tayo kung hindi natin tutulungan ang isa't isa" sabi ni Bryan. "I'm not scared, just I don't know what to say and what to do if siya talaga yung tinutukoy ni Mom kagabi" sabi ko at pumunta sa bintana na kung saan malapit kay Bryan. "Humanda nalang siya saakin" sabi ko at napatingin ako sakanilang dalawa habang nakangisi. "I can feel something, Oli that you have a plan" Sabi ni Zyrae. "Cut! Cut! Mamaya nalang muna yan!, gala muna tayo!" Sabi ni Bryan at hinila kami ni Zyrae palabas. Binitawan kami ni Bryan nung nandito na kami sa baba. "Saan niyo gusto? Libre ko" sabi ni Bryan. "Eh kung magmall nalang kaya tayo" suggest ni Zyrae kay Bryan. "Okay magmamall tayo, okay lang ba sayo Olivia?" Tanong saakin ni Bryan. "Okay lang saakin, and prefer ako kahit saan basta kasama ko kayo at libre niyo" sabi ko. Yung tipo ako yung mas mayaman sakanila ako pa yung nagpapalibre. Ang lupet ni mo Olivia. Nasa sasakyan kami. Si Bryan yung nagdridrive habang kami ni Zyrae nasalikod. Tahimik kami sa kotse nang bigla nagsalita si Zyrae "HUY! Ano pwedeng topic!" Sabi ni Zyrae. "Ano ba yan! Ang inggay mo!" Sigaw ko sa mukha niya at napatawa silang dalawa. "Always naman ganyan si Zyrae eh" sabi ni Bryan habang natatawa. "Geh kampihan kayo diyan" sabi ni Zyrae. "Napikon ka ba Georgina Zyra  " hahaha pinagrythme ko talaga "YUCK, wag mo akong tinatawag sa buong pangalan ko, Olivia" sabi ni Zyrae. Nangbiglang nagsalita si Bryan. "We're here!" Nandito na kami?! Aba I didn't notice na nakapasok na kami sa parking lot. Bumaba kami ng sasakyan at pumasok kami sa loob. Marami kaming pinuntahan dahil kay Zyrae. Tapos ang dami din naming nakasalubong na students from our school, na nabully ko din. Then nasa Time Zone kami naglalaro tapos biglang may kumausap saamin, sila LGB pala. "Nandito pala si Via Cruz, naging isip bata na" sabi ni Lenard the Lenerd. Naiinis nanaman ako sakanila ahh! Sarap talagang sapukin sa mukha! "Ano nanaman Lenard? Hindi ka ba nakuntento sa ginawa ko sayo? Baka gusto mo pa ng isa? Bibigyan kita at para mas memorable, dito ko gagawin kung saan maraming tao" sabi ko. "Asus kala mo matatakot mo ako Ms. Cruz? Never!" Sabi niya at tinatry niya akong halikan. Abay kapal ng mukha niya nagawa pa itry akong halikan kaya ayung nasampal ko! At na bayagan ko ulit, at sinapak ko siya sa mukha. Bugbug sarado na tuloy si Lenard. "Halika na nga Bryan at Zyrae! Nakakabad trip dito eh!" Sabi ko at umalis sa time zone. Pumunta ako sa parking lot at hinintay silang dalawa. Ilang minuto nakadating na silang dalawa. Grabe ahh ang tagal! Naggapangan ba sila sa isa't isa? Hahaha wish ko lang kase sobrang bagay nila! Nasaloob na kami ng kotse at bumalik sa bahay ni Bryan. =Lenard's POV= "Nakaisa nanaman si Olivia, bro. Debale naka Tatlo na siya" sabi ni Marcus. "Kaya nga bro, nakakailan puntos na si Olivia" sunod naman sinabi ni Justine. "Give up ka na ba 'tol?" Tanong naman saakin ni Clyde "Ako? Give up? Never!" Sabi ko. "Di pa ako tapos kasi nagsisimula palang ako" nakangisi na sinabi ko. "Iba ka talaga Len!" Sabi ni Simon. Tapos umalis na kami sa time zone. I didn't notice na ang dami na nakatingin saamin kanina nung nangyari yun. Olivia Ann Cruz, you will pay for this. =Via's POV= "Nakaka badtrip talaga si Lenard!" Sabi ko nangpatabog. "Hey, chill ka lang Gurl" tinatry akong chill ni Zyrae "Ako? Chill? Ugh! Paano ako magchichill eh gusto niya akong halikan, EW! Kadiri!" Well totoo naman eh kadiri. Kahit kainino okay lang saakin na halikan ako pero siya?! No WAY! Tapos biglang tumawag si Mama saakin. Huh? Bat siya tumawag? Sabi ko sakanya wag niya akong tawagan? As if pagsuper important yung sasabihin niya. "Hello! Bakit ka napatawag?!" Sabi ko sa telepono. "Uwi ka dito sa bahay, ngayon din" seryosong sabi ni Mama sa telepono. "Tapos?" Tanong ko kay mama. "Umuwi ka nalang" sabi ni mama. "Fine" maikling sabi ko at inend ko yung tawag. "Bryan, Zyrae mauna na ako. Pinapauwi na ako ng Nanay kong malupet, Bye" sabi ko umalis sa bahay nila. --------------- Nang makarating ako sa bahay namin. I saw a white car. May bisita ata o baka bago 'tong sasakyan na 'to o baka ibibigay saakin nila mama. Pumasok nalang ako sa loob. Tama yung una kong hula. Na may bisita or should i say Bwisita, hahaha pero sino ba 'tong gwapong bwisitang 'toh? "Salamat nagkita na ulit tayo, Ann" sabi ng lalaking bwisita then tumayo siya at aakmang yayakapin ako pero bigla akong umiwas. "How did you know my name, and sorry I don't talk to stranger like you. So yeah, bye" sabi ko at umakyat sa taas. =Jeffrey's POV= Pagkaakyat ni Ann sa taas bigla akong kinausap ni Tita Mich. Tita Mich tawag ko kase makabussines parter sila ni Mama at nanay siya ni Ann. "Pagpasensyahan mo nayan si Olivia" sabi ni Tita Mich. "Okay lang po yun, tita Mich. Pero ask ko lang po bakit po siya ganyan, nung bago ako umalis sobrang bait niya at magalang siya, pero ngayon hindi na, ano po bang nangyari? At parang hindi na niya ako kilala" mahabang sinabi ko Kay tita Mich. Naramdaman ko na nagbuntong hininga siya. "Jeffrey, simula nung umalis ka, ang dami na nagbago sakanya, naging basagulera siya, bully, lasingera, gangster at madalas na nasa bar o nasa bahay ng kaibigan niya" malungkot na sinabi ni Tita Mich. Ganto ba kalala yung pinagbago ni Ann ko? Dapat lang pala hindi na ako umalis kaso kailangan ko talaga noon. De'bale ibabalik kita ulit sa dati Ann... aking mahal [End of Chapter 2]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD