"SANDALI lang, Ms.Stephen!" kaway sa akin ng isang packwarrior nang tahakin ko ang dirty road papasok sa gubat. Dahil doon ay may pagtatakang itinabi ko muna ang aking Audi upang alamin kung ano ang problema nito. "What?" kunot-noong tanong ko at nilakihan ang pagkakabukas ng bintana. He jogged towards us and slightly leaned into the window. "Saan kayo pupunta, Ms.Stephen?" Kumaway ito kina Ali at Lime nang mapansin sa likuran ang mga bata. Nakaramdam ako nang pagkabanas sa inasal nito. Feeling close? My face contorted and I snapped at him. "Duh! Isn't it obvious that we're going to the woods?" "Anong gagawin n'yo sa gubat?" binalewala ang pagtataray kong muling tanong nito na ikinamulagat ko sa 'di pagkapaniwala. Ano 'to interview! Ngunit pinakalma ko agad ang aking sarili at