Chapter 1
LAGUTOK na suot ni Amber na sapatos ang tanging naririnig niya habang naglalakad siya sa hallway ng building ng Interior Design ng De Bellaroca University kung saan siya kasalukuyang nag-aaral. Kursong Interior Design ang kinuha ni Amber at nasa huling taon na siya.
De Bellaroca University is one of the Prestigious University in the country. Isang Unibersidad iyon na para lang sa mayayaman. Ang karaniwang mga mag-aaral dito ay anak ng mga negosyante, politiko, abogado at mga nasa alta-sosyedad. At isa si Amber Borromeo sa hindi pangkaraniwang estudyante. Anak siya ng isa sa mga mayayamang negosyante sa bansa na si Anton Borromeo—ang mga may-ari ng pinakamalaking real state sa bansa. Major stockholder din ang ama sa iba’t ibang larangan ng negosyo. Hindi lang iyon, ang Mama niya na si Aurellia ay galing din sa Buena Familia. May sarili ding negosyo ang Mama niya at iyon ay ang Designs—isa sa pinakamalaki ding interior home design sa buong bansa.
Amber head held high habang naglalakad. Hindi niya pinapansin ang mga kapwa niya estudyante na nakakasalubong niya. Ang iba namang nakakakilala sa kanya ay umiiwas kapag nakakasalubong na siya. Umangat ang sulok ng labi ni Amber dahil do’n. Hindi niya masisisi ang mga kapwa niya estudyante kung umiwas ang mga ito sa tuwing makakasalubong siya. Takot kasi ang mga ito na makabanggaan siya. Who wouldn’t? Siya si Amber Borromeo—ang binansagang Spoiled Brat Princess ng De Bellaroca University. Kilala bilang isa sa sampung binansagan na Girls Meanistry sa kanilang Unibesidad.
Laman lagi ang pangalan nila sa confession group sa f*******: na tinawag na ‘De Bellarocan Files’ sa ginawa nilang pambu-bully sa mga hindi nila feel na kaklase at kapwa nila estudyante sa DBU. Kahit na hindi pangkaraniwan ang nag-aaral sa nasabing Unibersidad, katulad din ito ng mga ordinaryong Unibersidad, ang pagkakaroon ng mga bully. At ang mga kilalang bully ay tinawag na Girls Meanistry. At kabilang si Amber Borromeo roon.
Sa ‘De Bellarocan Files’ ang naging kakampi ng mga ito hinggil sa kanilang sampu. Doon ipino-post ng mga na-bully, nagawan nila ng masama ang mga reklamo ng mga ito tungkol sa kanila. Hindi lang positibong komento ang nababasa niya roon. Kundi madalas ay puro negatibong komento ang naani nilang mga binansagan na Girls Meanistry.
Isinawalang kibo lang naman ni Amber ang mga nababasa niyang reklamo sa ‘De Bellarocan Files’ na iyon. Wala naman siyang pakialam kahit na magreklamo ang mga ito, at kung i-post ng mga ito kung gaano siya o sila ka-bully o kung gaano kasama ang ugali niya— nila. Wala naman siyang pakialam ro’n. At hindi niya pag-aaksayahan ng oras ang mga bagay na walang kabuluhan.
Amber flipped her hair ng sa wakas ay nasa tapat na siya ng pinto ng classroom nila. Rinig na rinig din niya ang mga malakas na tawanan, kwentuhan ng mga kaklase. At nang pumasok siya sa loob ng clasroom ay biglang tumahimik ang buong paligid na para bang may anghel na dumaan.
May anghel ngang dumaan, she smiled with that thought. Because she was reffering to herself. Siya ang anghel na tinutukoy ni Amber na dumaan. Ipinagkibit-balikat lang din ni Amber ang biglang pagtahimik ng mga kaklase niya ng makita siya. Nagsimula na rin siyang humakbang patungo sa upuan niya. At unti-unting nagsalubong ang kilay ni Amber ng makitang may ibang nakaupo sa pwesto niya— sa upuan niya. Huminto siya sa harap nito. At tila hindi nito napansin ang presensiya niya dahil nakatungo ang babae habang abala ito sa binabasa nito na libro na nakalapag sa armchair nito. Hindi pala, nakalapag sa armchair niya! Because that seat was her!
At anong karapatan nitong umupo sa upuan niya?
Mas lalong kumunot ang noo ni Amber. She also crossed her hands at the top of her shoulder and she glared the girl. And if looks can kill, baka kanina pa bumulugta ang babaeng umupo sa upuan niya sa tinging ipinagkakaloob niya rito sa sandaling iyon. Nang hindi pa ito nag-aangat ng tingin ay sinipa niya ang upuan nito para makuha niya ang atensiyon nito. At sa pagkakataong iyon ay nag-angat ng tingin ang babae. Nanlaki ang mata nito ng makita at makilala siya. Tinaasan lang naman niya ito ng isang kilay.
“Who the hell give you the permission to seat with my chair?” Salubong ang mga kilay na tanong niya.
Hindi ito nagsalita sa halip ay tumitig lang ito sa mukha niya dahilan para manigkit ang mata niya.
“Alis.” Sabi niya sa naniningkit na mga mata. “One.” binilangan niya ito ng hindi pa ito kumikilos. At nang tila natauhan ito ay nagkukumahog itong tumayo mula sa pagkakaupo nito sa upuan niya.
“I’m sorry.” Hingi nito ng paunmanhin.
Amber didn’t speak. She just glared at her. Yumuko lang ito. Pagkatapos niyon ay umupo siya sa binakante nito. Napatingin siya sa armchair niya ng makita ang libro na binabasa nito kanina. Dinampot naman niya ang libro saka niya inilahad sa harap ng babae.
“Oh.” Sabi niya rito. Akmang aabutin ng babae ang inaabot niya ng ihulog niya iyon. “Oops, sorry nahulog.” Labas sa ilong na hingi niya ng paunmanhin. Tinaasan niya ito ng isang kilay ng titigan siya nito.
“What?” Masungit na tanong niya. “May problema ka sa`kin” Umiling ang babae bilang sagot at pagkatapos niyon ay pinulot nito ang librong sadya niyang hinulog sa sahig at umalis sa harap niya.
Nang umalis na ito sa harapan niya ay nakarinig si Amber ng bulungan mula sa gilid niya. At isa iyon sa pinakaayaw ni Amber.
She crossed her legs bago niya sinulyapan ang mga nagbubulungan sa gilid niya patungkol sa kanya. “If you want to say something to me, just say it loudly so that I can hear you clearly. Hindi iyong para kayong bubuyog na nag-uusap.” Sabi niya. “Well, look at you.” Binalingan niya ang mga ito mula ulo hanggang paa. “Kaya pala.” Sabi niya na iiling, pagkatapos niyon ay nginitian niya ang mga ito na nakaka-insulto. “Mukha pala kayong bubuyog. Tsk!” dagdag pa na wika niya dahilan para magtawanan ang ilang mga kaklase niya na nakarinig sa sinabi niya. Nginisihan lang naman niya ang mga ito ng makita ang biglang pamumula ng magkabilang pisngi dahil sa pagkapahiya.