PH3 #2: Perth

2656 Words
Typo ang grammatical error ahead!! Perth at the multimedia # 2 _Perth Buo na ang pasya ko. Kung hindi ako tanggap ng mga taong nakapaligid sa akin at wawakasan ko na lang ang buhay ko. At sa paraang iyon ay manahimik na ang mga taong mahahalaga sa akin sa pagpapababa sa akin dahil sa paglabas ko ng tunay na ako. Ako nga pala si Perth, I know. At my looks, hindi mo masasabing isa akong gay! Maraming mga babae ang nahuhumaling din sa akin dahil daw sa amo ng mukha ko. Pero hindi ko naman mababago ang nararamdaman ko na sa lalaki ako nagkakagusto. Ilang dekada na ba ang itinago ko sa sarili ko. Simula ng nagkaisip ako ay naramdaman ko ng hindi ako straight na lalaki. Pero nilihim ko iyon dahil kina papa at mama. Minsan kasi narinig ko sila na minsan nag uusap sa isang gay na nakita nila. At doon na ako natakot. Kung ano ano kasing mga salitang nagpapababa sa gay ang mga sinabi nila patungkol dito. Kaya I know, na oras na lumabas ako sa kabenet na pinagtataguan ko ay itatakwil nila ako. And now, tama nga ako. Naglakas ako ng loob na magsabi na sa kanila. Ipinaliwanag ko. Sinabi ko na kahit ganito ako ay hindi nila makikitang kilos gay talaga ako. Pero hindi sila nakinig. Ipinagtabuyan nila ako at itinakwil na anak. Huwag na daw ako babalik sa kanila dahil hindi nila tanggap na may pusong babae ako. Sa pagpapalayas sa akin ay pinuntahan ko ang mga barkada ko. Gusto kung isa sa kanila ay tanggapin din nila ako. Pero gaya ng mga magulang ko ay hindi nila ako tinanggap. Nandiri sila sa akin at sinabihan na kaya pala sila ang kinaibigan ko ay baka ay pagnanasa ako sa kanila. What a friend I have? Ganun na ba kababa talaga ang tingin nila sa isang gaya ko? I don't know. Kaya naman heto na ako ngayon. Nakatayo sa gilid ng rooftop ng pinagtratrabahuan ko. At nagpasya na tatalon na lang ako at gusto ko ng kitilin ang akin buhay. Para sa paraan na ito man lang ay makalimutan ko na ng tuluyan ang mga bagay na nagpababa sa akin. Mga taong hinusgaan na ako. Ayoko ng ganito? Ang kamuhian ng mga taong akala ko ay maiintindihan ako. Pero isa sa mga taong pinagkatiwalaan ko ay wala man lang ni isa sa kanila na tanggap kung sino ako. Sad life pero ganito pala ang pakiramdam. Ang pinagsakluban ka ng langit dahil doon. Kasalanan ko ba na ganito ako? Kasalanan ko ba na lumaki ako ng ganito? Pinilit ko namang baguhin ang pagkatao ko pero wala talaga eh. Hindi ko kayang makipagmatigasan sa puso ko. Sa kung ano ang gusto nito. Na hindi tumitibok para sa babae kundi titibok sa tuwing may nagugustuhan akong lalaki na inililihim ko lang kapag may nagustuhan ako. At ngayon, nakapag pasya na ako. Total na ilabas ko na ang tunay kong pagkatao. At walang tumanggap sa akin. At wala na ring silbi para mabuhay ako. "Bakit mapagkait ang mundo?" Naiusal ko. "I am just gay, pero para na akong may sakit na nakakahawa na iniwasan, itinakwil at nilimot ng walang pag aalinlangan." Pagdadamdam ko pa na idinipa pa ang kamay ko. "Pero masaya akong mawawala sa mundong ito, dahil naipakilala ko kung sino ako." "Hey you." Pero ganun na lang ang gulat ko ng may marinig akong nagsalita at napalingon ako kung sino iyon na naging dahilan na muntik na akong mawalan ng balanse. Nakita ko ang bahagyang pag aalala niya peri nandoon ang pagkairita sa ekspresyon ng mukha nito. "Kung gusto mong magpakamatay, huwag dito. Dahil hindi ako makakapayag." Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. "Are you here para pagsabihan din ba ako ng masasama, na isa akong salot sa lipunan dahil bakla ako?" Tanong ko sa kanya. Parang gusto ko na namang umiyak dahil doon. Kahit ba naman ngayon lang makakakita sa akin ay pandidirihan ako. "Damn it. Don't move." Pasigaw na sabi pa niya ng humakbang ako patalikod. Kaunti na lang isang hakbang ko na lang mahuhulog na ako. "So what if your gay, damn it. Are you out of your mind. Hindi sulusyon ang pagpapakamatay para takasan ang bagay na iyan. Hindi ko nakikita sayo ang baklang sinasabi mo hindi gaya ng mga bakla na lagi kong nakikita. Hindi ko mahimigan sa boses mo ang salita ng mga baklang lagi kong naririnig. Damn it! Many people in this world indeed gay but they are proud of it. Kahit na ipagtabuyan sila at isumpa." Narinig ko sabi niya kaya napatigil pa ako sa paghakbang ko. "Come on, hindi sulusyon iyan. Lets talk about it." Saka niya inilahad ang kamay sa akin. Napatitig ako sa mga kamay niya. Totoo ba ang mga narinig ko na sabi niya. Okay lang ba na gay ako at hindi niya ako ibababa gaya ng ginawa ng mga mahal ko sa buhay? Nakita ko ang paglapit niya kaya napaatras akong muli. Paano kung sinasabi lang niya iyon para huwag kong ituloy ang plano ko. "You f*****g litlle fox." At bago pa man ako makahakbang paatras para sa huling yugto ay maybilis na nahawakan niya ako at hinilang paalis sa gilid ng rooftop. Nasalo nga niya ako pero natumba kami pareho sa sahig. Kaya naman muli akong napaiyak. Lalo na at matalim na tumingin ito sa akin at marahas na humawak sa magkabilang braso ko paalis sa pagkakasampa ko sa kanya. "Shut up will you. Stop crying. Damn it." Pasigaw na sita niya sa akin para patigilin ako sa pag iyak pero mas lalo naman akong napahagulgol ng iyak. Sana pinabayaan na lang niya akong mahulog para wala na akong iisipin pa. Pero ngayon... "I said stop crying. Nakakarindi na ang pag iyak mo." "P-pinabayaan mo na lang sana ako." Paiyak pa na sagot ko sa kanya. "Walang nagmamahal sa akin dahil ganito ako. Alam mo ba ang pakiramdam na itinakwil ka ng buo mong pamilya dahil ganito ang pagkatao ko." Sabi ko na sinabayan pa ng sunod sunod na paghikbi. "Mga walang kwenta ang pamilya mo kung ganun. Dahil hindi ka nila matanggap kung sino ka." "N-nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang nakakaramdam." "Hindi ko man nararamdaman ang dinadamdam mo ngayon ay hindi naman ibig sabihin na kailangan mo ng kitilin ang iyong buhay. Nag iisip ka ba? Hindi iyan ang solusyon ng problema mo. Bagkus gawin mo iyang dahilan para ipakita sa kanila na kahit ganyan ka ay kaya mong iangat ang buhay mo. Nagkakaintindihan ba tayo." "M-madali lang para sayo. D-dahil mayaman ka. Eh ako.. walang wala na ako. Itinakwil nila.. inalisan ng sustento." Muli ay sagot ko sa kanya. I know, he is right. Pero hindi ko maiwasan ang mahabag sa kalagayan ko. Lalo akong napaluha at naiyak ng maalala ko na walang wala ako. Kung hindi pa ako nakapasok sa intership ko dito sa gusaling ito ay wala na akong ibang alam na trabaho. Hindi ko na alam kung makakapag aral pa ako sa susunod na pasukan. Dahil kailangan kong kumayod ngayon para sa pang araw araw kong pangangailangan. Kailangan kong makapag ipon para makapagpatuloy ako sa pag aaral. And now, para na akong nanghihina dahil na kahit na anong pilit kong bumalik at kausapin ang mga magulang ko o mga kaibigan para humingi ng tulong ay wala na akong malalapitan sa kanila. Para akong mayroon nakakahawang sakit sa kung paano nila ako ipagtabuyan. "Pero hindi sulosyon ang pagpapakamatay sa problema mo. Damn it! Nasaan ba ang utak mo. Sa ginagawa mo mas pinatunayan mo na wala kang mararating sa ganyan mong kalagayan." Nasa tuno talaga niya ang panggigil na parang gusto niya akong tirisin sa mga tinig at titig lang niya kaya namanmas napahagulgol ako ng iyak. "Ugh!! f**k it little foxy. Stop crying will you." Saka niya tinakpan pa ang bibig ko. "Uhmmm. Hu! Hu!." Pahikbi na napatigil talaga ako sa sa pag palahaw ko ng iyak dahil sa pagtakip niya ng bibig ko. "You!" Timpi pa na inalis na ang kamay sa bibig ko ng bahagya na akong tumigil sa pag iyak. "This is my building at ayaw ko ng kahit na sinong magtatangkang magpakamatay dito. And I won't allow you to do that. Do you understand." Napatitig ako dito. Bakit nga ba hindi ko napansin kanina? Kaya pala namumukhaan ko siya kanina. Kung hindi ako nagkakamali ito ang bigg boss ng kompanyang pinagtratrabahuan ko. Napasimangot na naman ako. Ang malas ko naman. Hindi na nga natuloy ang balak ko ang bigboss pa talaga ang nakakita sa akin. Ano na ngayon ang gagawin ko? Baka mas lalo na ako ngayong mawalan ng trabaho dahil sa ginawa ko. At ang isipin iyon ay mas napaiyak na naman ako at umatungal na naman ng iyak na halos takpan na naman niya ang tainga niya. "You f*****g little fox. Can you stop crying." Pasigaw na naman niya sa akin. Marahas na tumayo ito at pahilang pinatayo din ako. Nagulat na lang ako at napatigil sa pag iyak ko ng bigla na lang niya akong buhating parang sako ng bigas at isinampay sa balikat niya at naglakad sa kung saan. Hindi ko alam ang ikikilos ko. Magwawala ba ako? No! Para na nga akong na freeze at pati utak ko na ay ayaw ng gumana. Nakislot na lang ako ng ibaba niya ako. Hindi man ako nakaimik ay naigala ko naman ang paningin ko sa paligid. Nasa kubo kami? Paanong mayroong kubo sa rooftop? Bakit hindi ko ito nakita kanina ng umakyat ako dito? O sadyang nilamon lang ng kalungkutan ang isipan ko kaya hibdi ko na ito napansin. "That's better. Stop crying. Lalo mo lang pinabibigat ang nararamdaman mo." May gigil na sabi pa niya sa akin. "And about sa sitwasyon mo gaya ng sabi ko. Hindi nadadaan iyan sa pagkitil ng buhay mo. Kaya sana hindi na itp mauulit pa." Hindi na ako umimik. Humikbi na lang ako dahil nandoon parin talaga ang bigat ng dibdib ko. Napansin ko ang pagpapakawala na naman niya ng buntong hininga na sinabayan ng pagsuklay ng daliri sa buhok nito. "Ayan, uminom ka ng tubig ng mahimasmasan ang utak mo." Sabay abot sa akin ng tubig ng kumuha ito sa mini ref na nasa gilid lang. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. "I said take this." Maawtoridad na pang uulit niya kaya naman awtomatikong kumilos na ang kamay ko para tanggapin iyon. Dahil maliit lang naman iyon ay inubos ko na lang para wala na akong babalikan pang inumin. "Ayusin mo ang sarili mo. At bumalik na sa trabaho kung ano man ang naitalaga sayo. At sana hindi na mauulit pa ang ginawa mo." Saad pa nito. Napayuko na lang ako dahil wala na akong alam na sasabihin. Halo halong pagkapahiya at panlulumo. Lungkot at marami pang negative emotion ang nararamdaman ko na hindi ko na mapangalanan. "Take your time to refresh them go back to your work as soon as you okay." Pagpapatuloy niya. Hanggang sa nakita ko na binunot niya sa bulsa ang maliit na phone niya. Keypad phone. "Magpadala ka ng isa mong tauhan dito sa taas ngayon din." Saka niya na binabaan ito. Ilang sandali pa ay may dumating na babae. "Good afternoon sir." Magalang na pagbati nito. "Stay here with him. Bantayan mo siya at tawagan mo ako agad kapag may problema sa kanya." "Yes sir." Sagot nito na hindi na tinanong kung bakit. Saka sandali, bakit niya ako pinapabantayan sa tauhan niya. "Good." Saka na ito tumalikod at walang paalam na umalis na. Saka naman tumingin sa akin ang babae. Na parang nagtataka nga kung bakit ako ngayon pinapabantayan ng boss namin. "Are you okay? Anong ginawa mo sa boss?" Pang uusisa na nito pero hindi ako sumagot. "Diba ikaw ang isa sa interm dito. Bakit ka nangahas na umakyat dito sa taas? Alam mo ba na teretoryo ito ng boss natin at walang ibang nakakaakyat dito maliban sa kanya at ang naglilinis lang dito." Umiling ako pero hindi nagsalita. "Well kung ayaw mong magsalita ay okay lang. Hindi na kita kukulitin. Pero alam mo ba? First time ko din makausap ang boss ng ganun kalapitan. Tanging ang mga secretary at kaibigan ng boss ang nakakalapit at nakakausap sa kanya." Pag kukwento pa nito. Napasimangot ako. Madaldal ang isang ito pero kahit papaano ay nawala bahagya ang bigat na dinadamdam ko. "Ang gwapo talaga ng boss sa malapitan. Dati hanggang tingin lang sa malayo pero dahil sayo nalapitan ko siya." "M-mauuna na ako." Kuway sabi ko na sinabayan na ng tayo. "Salamat na lang sa pagsama. Babalik na ako sa trabaho ko." Paalam ko dito. "Hey, sandali." Pigil pa niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Wala na ako panahon sa pakikipag chikahan. Saka ko na lang itutuloy ang plano ko kapag wala ng pipigil sa akin. Sa ngayon papalipasin ko na lang ang araw ngayon. = Nakakabinging langitngit ng gulong ang namayani sa kapaligiran. Kaya naman napatingin ako sa kotse na halos wala na yatang isang dangkal ang layo non sa akin at mababangga na ako. But sad to say.. wala paring silbi ang ginawa kong pagpapasagasa. Nandoon na naman ang luha sa mga mata ko na kusang nagsilaglagan. "Hey! Are you okay?" Tanong pa ng isang lalaki na agad akong nilapitan at inalis sa harapan ng kotseng muntik ng nakabangga sa akin. "What the hell are you doing?" Dumagundong naman ang boses na tanong ng driver ng kotse kaya napalingon ako doon. Siya ulit! Ang bigboss ulit ang muntik ng makasagasa sa akin. "I told you. Don't do it again. You f*****g little foxy." Gigil na hinawakan ako sa kamay na halos mamilipit na ako sa sakit sa higpit ng pagkakahawak niya doon at parang gusto na yatang siya na mismo ang kikitil ng buhay ko. Napaiyak na naman ako hindi dahil sa sakit na sa kamay ko na hawak niya kundi sa sitwasyon ko. "Damn it. Follow me." Gigil na hinila pa niya ako at walang babalang pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya at patulak na isinakay doon. Hindi pa man ako nakakahuma ay naikabit na nito ang seatbelt ko at agad ding sumakay. Saka na lang ako nakapag react ng marandaman ko na ang mabilis na pagpapatakbo niya ng kotse palayo sa gusali ng kompanya niya. "Inuubos mo ang pasensya ko. At ako pa talaga ang ang idadamay mo sa kabaliwan mo." Gigil napatabog na bumaba na ito ng kotse niya at muli na naman akong pinagbuksan ng pintuan. Nasa harapan na pala kami ng malaking bahay na halos hindi ko na napansin kung saan kami dumaan o nilipad ba ng kotse niya ang kalsadang dinaanan namin at hindi ko na namalayan ang pagtigil namin? "Don't make me repeat my self will you. Stay here. Huwag na huwag kang lalabas ng bahay na ito hanggat hindi ka nahihimasmasan." Sabi pa niya ng makapasok kami sa malaking bahay. "Ya Gretha ayusin mo ang isang silid at dito na mananatili na siya titira. And make sure walang sharp object sa loob ng silid na iyon na pwede niyang gamitin na pangkitil ng buhay niya." Sabi pa niya. Hindi na tuloy nag sink sa utak ko ang mga sinabi niya sa bilis ng pangyayari. "At siguraduhin mong habang wala ako ay mababantayan mo siya dito. At huwag hahayaan saktan niya ang sarili. Magpabili ka na din ng mga pwede niyang gamitin. Huwag mo din siyang hahayaang lumabas ng bahay ng wala ako." "Yes sir." Saka na lang lang ako ulit nakahuma ng mawala na naman ito sa paningin ko at marinig ang muling pag arangkada ng sasakyan niya palayo. "Sumunod ka sa akin hijo." Narinig kong sabi nito. Hindi na naman ako umimik? Ano na ang ginagawa ko sa bahay ng boss ko? Hindi naman ito ang plano ko pero bakit ganun? Bakit parang na trapped ako ng wala sa oras. ***** To Be Continued.. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD