bc

Cherry Fizz

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
second chance
inspirational
twisted
sweet
bxg
humorous
sassy
gorgeous
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Kiara Coreen Lopez used to believe in fairytales. Ngunit simula nang umalis ang boyfriend niyang si Zachary Sandoval para sa pangarap nito ay tuluyan nang gumuho ang paniniwala niya. She used to be weak and rely everything on Zach, kasama na ang mga bagahe niya sa buhay na dala-dala niya hanggang sa kasalukuyan.

He was the prince who saved her from distress. And when he left, naiwan siyang durog at wala siyang naging choice kundi bumangon at buuing muli ang sarili niya. She learned to fight and rely with no one but herself.

Until one day, Zach and Kiara's path will meet again.

Will it take a glass of Cherry Fizz to go back to the past and take their love back?

chap-preview
Free preview
CHERRY 1
There are so many things that we could love in this world. There are so many things that could make us happy. Masyadong marami para i-mention. Masyadong marami para intindihin lahat. Some have friends and family to care and give love. Some have luxurious life at hindi na alam kung saan ang paglalagyan ng pera. Some have fame at umaapaw ang mga tagasuporta kahit na may mga inggiterang humahatak sa kanila pababa. Some have successful careers and love life. Some are just happy living a simple life and being thankful for everyday. Pero sa dinamirami ng pwedeng magpasaya sa isang tao, hindi ko alam kung saan ba talaga ako masaya. Kung saan ba talaga ako magiging masaya. I have fame, I have money, and I believe I am successful enough at the age of twenty five. Isa akong modelo sa isa sa pinakasikat na modelling agancy sa bansa, ang Glam Models Internationale. Halos isang taon na rin ako sa Glam at marami na rin akong achievements. Kung saan-saang bansa na rin ako napadpad. I have couple of friends and a family to care and to love, too. Well, kahit naman against ang parents ko sa ginagawa ko, I still want them to be proud of me. Na kahit sa mga paningin nila, ako si Kiara Coreen Lopez na failure at black sheep ng pamilya, umaasa ako na balang araw ay ma-realize din nila ang worth ko. Na ma-realize nilang pwede rin silang maging proud sa akin kahit hindi ko natupad ang gusto nila. Only because I chose to step out of their shadows and live my own life. Sa paraang gusto ko. Kung tutuusin, I'm so blessed with my life now. Iyon nga lang, dahil hindi ko magawang i-share ang happiness ko sa mga taong ine-expect kong unang magiging masaya para sa akin, hindi ko ma-enjoy ang tinatamasa ko sa buhay ngayon. I have a dark past na pinilit kong kalimutan at ibangon sa loob ng ilang taon. At some point, naging successful naman ang pagbangon ko. But the moment I encounter negativities, pakiramdam ko ay bumabalik lang lahat lahat sa akin. That's the very reason why I hate seeing people suffering and unhappy. And that's the very reason why I want to make others happy with the best that I can. I sighed then took a sip of my drink. Sabado ngayon kaya medyo maluwag ang oras ko at nagawa ko pang tumambay sa Flavors. Well, anyway, lagi naman talaga akong tambay sa lugar na ito pero naging busy ako lately kaya paminsan-minsan na lang ako napapadpad dito. Simula nang ma-discover ko ang Flavors few months ago, ay naging paborito ko na ang lugar na ito. It's like my safe haven. My escape from all the shittiness of life. Hulog ito ng langit sa akin. Flavors is known for its very classy and creative design which makes everyone attracted and amazed with it. It's owned by Bonita Vasquez, isa sa mga kaibigan ko na siya ring nagdala sa akin sa Flavors. Kung trip mo magwalwal, mag-enjoy, at mag-relax, ito na siguro ang perpektong lugar para puntahan mg mga tao. Sa entrance pa lang ng Flavors ay bubungad na sa iyo ang bar kung saan may cursive design ng pangalan nito na naka-neon lights. Napapalibutan din ng ganoong ilaw ang outline ng labas ng Flavors maging ang loob nito. Ang mismong ceiling ng bar ay gawa sa see through glass kung saan malaya mong masisilayan ang ningning ng mga bituin at liwanag ng buwan sa kalaliman ng gabi. The bar has an aesthetic wall na nagpapalit ng disenyo every week at perfect i-flex sa social media. The building is a dome-tent type at masasabi talagang sobrang laki nito. It has a man-made beach na isa sa pinakapaboritong dayuhin dahil hindi mo na kailangang lumayo sa city para lang maramdaman ang summer vibes anytime. Bukod pa roon ay mayroon din itong club na directly connected sa beach area. Sa bagay, hindi na rin ako magtataka kung bakit ganito kabongga ang interior design ng lugar. Balita ko ay mga sikat at napakatalentong professionals ang nagtulong-tulong para mabuo ang Flavors. Balita ko nga ay ito ang unang project ni Amethyst Vega na isang matunog na interior designer sa industry. At lahat ng proyektong hinahawakan niya ay wala kang maitutuya. The structure of the building, on the other hand, was crafted by Alisandara Paez and her team which was also a big name in the world of building and architecture. I must say that Ali and Ames' partnership in building the Flavors is really superb. I took another sip of my drink, actually my favorite, the Cherry Fizz. Pang-ilang baso ko na rin ito ngayong gabi at dahil nga na-miss ko rito ay sinasamantala ko ang pagkakataon para makabawi sa shots na na-miss ko. Sa totoo lang, isa rin ito sa binabalik-balikan ko rito. Ang bongga naman kasi ng bartender nila, ang yummy na, este, pogi pala... tapos ang sarap pa mag-mix ng mga inumin. Sinulyapan ko ang lalakeng ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga babae sa bar counter, si Keeper. Kapatid siya ni Bonita. He is actually the co-owner of Flavors, pero ewan ko ba rito kay Keeper kung bakit ayaw niyang ipaalam sa iba iyon. He's now flairing the bottles while mixing the drinks. Nang mapadako ang tingin nito sa akin ay agad itong ngumiti saka kumindat. 'Pakilig. Pa-fall.' I just smirked at him then shifted back my attention to my drink then to a girl na napansin kong kanina pa nagmumukmok sa isang gilid ng bar. Hindi kalayuan ang table niya sa akin. Actually, kanina ko pa talaga siya napansin nang pumasok ako rito. Pero dahil na rin siguro wala ang mga kaibigan ko ngayon at medyo bored ako ay napansin kong parang umiiyak siya. Hindi ko lang nahalata noong una dahil medyo madilim sa bar at marami ring taong padaan. The girl is noticeable though because there's some charm on her na hindi ko ma-explain. Parang nakita ko na rin siya somewhere. Napapailing ako at gusto kong kastiguhin na naman ang sarili ko. I'm having an urge na lapitan ang babaeng iyon. I couldn't stop myself to be nosy again. Hindi ko rin kasi ma-enjoy ang paborito kong inumin sa ganitong view. You know? Flavors Club is a very good place to unwind and relax. Lahat kasi ng makikita mo, magaganda. Sosyal. The lights could also make you feel hyped even though the part where I spend most of my time is not too crowded and more peaceful. I fixed my long-wavy brown hair to the left side of my shoulder then walked towards the girl. Dinala ko na rin ang inumin ko at ang kulay pink kong mini leather back pack. I'm just wearing a simple pink shirt na itinali ko lang ang bandang ibaba para ma-emphasize ang hubog ng aking katawan at malantad ang ilang bahagi ng balat ko sa may tiyan. Tinernuhan ko iyon ng isang demin skirt na medyo rugged. Then nagsuot na lang ako ng white rubber shoes para mas ma-enjoy kong pumartybkung sakali. Minsan kasi, nakakasawa na ring puro heels ang isinusuot ko lalo na sa uti ng trabaho ko. Good thing na wala rin namang pakialaman sa dress code dito. "Miss... Uhm, excuse me?" agaw ko sa atensyon niya. I saw her wipe her eyes with the back of her hand while trying to hide her face. I realized that this girl is pretty. I think she's the same height as me, fair, and super pretty talaga. At kung babase ka siguro sa features niya, mukha siyang masungit at suplada pero dahil sa pag-iyak niya ngayon ay mukha tuloy siyang vulnerable. Sa palagay ko rin ay nakikita ko na rin siya rito noon, so, malamang ay member din siya kagaya ko. Umupo ako sa tapat niya at tinitigan siya. Nasa dulo ng dila ko ang pangalan niya pero hindi ko mabanggit. Napailing na lang ako nang hindi ko talaga maalala ang pangalan niya. "Are you okay?" malumanay kong tanong. Hindi pa rin niya ako sinagot. She just looked on the table and played with her fingers. Nakita kong may tumulo na namang mga luha sa mga mata niya na nag-trigger sa akin para hanapin ang panyo ko. Too bad dahil wala akong dala kaya tinawag ko na lang ang isang assistant for a tissue and another glass of cherry fizz. Napansin ko kasing ubos na rin iyong iniinom niya kanina. "f**k these tears!" frustrated na sabi niya saka pinahiran muli ang kaniyang mga luha gamit ang palad. "Oh, huwag ka nang umiyak. Sige ka, papangit ka, ang pretty mo pa naman," nakangiting sabi ko sa kaniya saka inabot ang lagayan ng tissue. I can feel how bad she felt right now. Pero gagawin ko ang best ko para maging okay siya. "Just like me," pahabol ko pa. I smiled wider but when I saw her raised her brow, bigla akong nahiya. "Oops. Joke lang." 'Ang sungit naman nitong girl na 'to.' 'Baka mabigat lang ang pinagdadaanan!' 'Sabagay!' Napailing na lang ako nang maalalang nasa harapan ko nga pala si Ate girl. Baka isipin pa niyang weird ako. Pagtingin ko sa kaniya ay inirapan niya ako. "Kahit umiiyak ako, alam kong maganda pa rin ako," nakasimangot niyang sabi habang tumutulo pa rin ang luha niya. Tinitigan niya lang ang tissue na hawak ko. "You don't have to mention." Hindi ko mapigilang tumawa. I didn't think that there could possibly be someone na ganito kasungit habang umiiyak. Pinilit ko pa rin na ibigay sa kanya ang tissue. Kinuha naman niya iyon sa huli at tumalikod siya para punasan ang luha niya. "T-thank you. . ." matipid na sabi niya, parang may alinlangan. Napansin ko na medyo iniiwas niya ang tingin sa akin. "Uy, nahihiya ka ba? Bakit ka umiiwas ng tingin?" patuloy kong pangungulit sa kaniya. Matagal siyang hindi sumagot. Pero dahil I am a one persistent woman ay sinagot niya rin ako. "Ayoko kasing nakikita ako ng mga taong umiiyak. Hindi nakakaganda." Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi, ah! Ang pretty mo pa rin kaya!" magiliw na sabi ko sa kaniya. Totoo naman kasi. Kulang na nga lang, kurutin ko ang pisngi niya. Inilahad ko sa kaniya ang glass ng cherry fizz na in-order ko kanina. "Oh, iinom mo na lang uli. Hindi kita pipiliting sabihin mo iyong problema mo. Pero gusto ko i-share sa iyo itong favorite drink ko. Tuwing iniinom ko kasi iyan, naaalala kong maging masaya. Parang happy pill, gano'n!" Nakasimangot pa rin na tinanggap ng babae ang in-offer kong inumin saka ito seryosong nagsalita. "Oh, tapos?" "Alam mo kasi, itong cherry fizz, parang ako lang. Fierce but has a taste of sweetness! Oh, di ba? Bongga!" with matching palakpak pang sabi ko sa kaniya. Mas lalo naman akong sumaya nang makita ko siyang tumawa. "OMG! Finally, I made you laugh!" "Para ka kasing sira!" natatawa pa ring sabi nito. "Well... atleast, it doesn't make me less prettier, right?" natatawang sabi ko. I place my right palm on my cheek. "Saka ayoko lang ding nakakakita ng taong malungkot. Lalo na kapag pretty na kagaya ko. Charot!" Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Napansin kong mukhang may malalim na iniisip si Ate girl. "Ang bait mo pala kahit model ka, Kiara," mayamaya ay nasambit niya. "Wait! You know me?" excited na sabi ko sa kaniya. Natuwa ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Kahit naman kasi kung saan-saang commercials nakikita ang pagmumukha ko at kung saan-saang events na rin ako nadadayo, hindi ko naman ine-expect na lahat, eh, kilala ako. Hindi ako ganoon ka-assuming. Hindi rin ganoon kalaki ang ulo ko. "Sino ba namang hindi nakakakilala sa iyo? Saka, lagi rin kitang nakikita rito. Sa totoo lang, isa ka sa mga models na gusto ko ang mukha. Akalain mo 'yon kahit ayaw ko sa mga modelo na gaya mo, nakalusot ka sa standards ko..." Pinutol niya ang sasabihin niya. Pinaningkitan niya ako ng mata at saka nagpatuloy, "Don't get me wrong pero I thought you were a bitch." "Kasi? Kasi mukhang mataray ako? O baka dahil sa..." natatawang sabi ko sa kaniya. "Hindi naman na ako magtataka roon dahil iyon ang first impression sa akin ng mga tao. Idagdag pa ang mga fake news na pinapakalat ng mga echoserang frog kong bashers. Kasalanan ko bang ang pretty ko? Charot lang uli." Poker-face siyang tumango pero mayamaya ay ngumiti rin siya nang tipid. "Well, una, I think models are bitches in general. Pangalawa, tama, marami nga akong naririnig na rumors tungkol sa iyo. Pero ngayon, nalaman ko na hindi naman totoo ang mga sinasabi nila. And not all models are bitches. There's still a rare kind like you." Ginantihan ko siya ng ngiti. Somehow, I feel warm. Mukhang may mabigat ngang pinagdadaanan at malalim na pinaghuhugutan itong kaharap ko. Hindi ko alam pero kahit na-judge niya ako, wala lang talaga sa akin. There's really something with this girl. I just hope na kahit papaano ay napagaan ko nga ang nararamdaman niya. Itatanong ko na sana ang pangalan niya nang isang lalaki ang biglang lumitaw sa kung saan at hinawakan ang kamay niya. "Let's talk," seryosong sabi ng lalake. Muling sumama ang aura ng babae at marahas na tumayo. Binawi nito ang kamay na hawak ng lalake. I don't think I saw him somewhere already. Pero may kakaibang koneksyon din akong nararamdaman sa kaniya. 'What the heck?' Hindi ko mapigilang mapamura sa isip ko. Maybe I was just thinking too much again. "What are you doing here?" "Mag-usap tayo. Ano bang nangyayari sa iyo?" "Just leave me alone!" Napapikit ako sa sigaw ng babae. Napatayo rin ako bigla at akmang lalapitan ko na sana siya pero bigla na lang siyang tumakbo palayo. Humingi naman ng dispensa ang lalake sa nangyari saka sinundan na rin ang babae. And with that, medyo nagka-idea ako kung anong nangyari sa kanila. "Hmm... mukhang may lovers' quarrel, 'day," natatawang sabi ko saka sumimsim sa aking inumin nang tuluyang mahimasmasan. 'Sana all may lovelife.' 'Paano ka magkaka-lovelife, e, ang choosy mo kaya? Arte mo pa.' 'Che! Manahimik ka nga, brain. Pakialamera ka sa sentimyento ko!' At bago pa ako maloka sa pagkausap ko sa sarili ko ay inubos ko na ang inumin ko saka nagdesisyong umuwi na. Parang gusto ko namang makipag-date sa kama. My second most favorite place in the world. Tulog is life, girl!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook