bc

Breaking Boundaries

book_age18+
559
FOLLOW
1.9K
READ
love-triangle
confident
inspirational
lighthearted
friendship
love at the first sight
actor
actress
like
intro-logo
Blurb

Ellie Hermosa, a certified beauty queen in Quezon Province who has fortunate to have a huge fandom. But despite all the praise she receive from her fans was the reality that her heart between love and career, was compromised. However, a man who caught her heart who named, Renz Joaquin, a guy who has a pair of brown eyes, a multi-talented host and actor and had able to made her believe that no any boundaries could apart them. However, there was a guy who named Ronnie Juanson, that was look a like of her ultimate crush, Renz.

How far that the two of them would crossed their path in showbiz? Would she compromised her heart between two young men who have the same face?

But how would she survive between love and career if the return of this was her popularity? Will she still able to choose love instead of career?

chap-preview
Free preview
Chapter 1- A genuine heart
SAMU'T SARING mga senaryo ang bumungad kay Ellie bago pa man siya makarating sa beauty pagent rehearsal. Mula sa province ng Quezon ay matiyaga siyang bumabiyahe papunta sa Maynila. Pero bago pa man siya makasakay ng bus ay kinakailangan niya munang sumakay ng jeep papunta sa may bus terminal. Habang nakasakay sa jeep ay biglang may sumakay na isang babae na sa tingin niya'y nasa middle thirty's ang edad, may kasama itong batang babae na sa hula naman niya ay nasa tatlong taon at mukhang anak iyon ng babae dahil sa hindi mailalayong itsura ng dalawa. Tahimik ang buong biyahe maliban na lang no'ng sumakay ang babae na 'yon dahil bigla na lamang itong nagsisigaw nang umiyak ang bata. "Ano ba 'yan, palagi ka na lang ganiyan! Nakaka-bwiset ka na!" Yumanig sa kabuuan ng jeep ang boses nito kung kaya't hindi maiwasang pagtinginan ito ng mga pasahero, at maging si Ellie ay hindi maiwasang mabahala dahil patuloy pa rin sa pagtalak ang babae. "Sana talaga hindi na kita sinama, e! Pambihirang bata ka!" muling sabi nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata. At dahil prangkang tao si Ellie ay sinubukan niyang kausapin ang babae, "Ate, mawalang galang na po, pero hindi po yata tama na pagsabihan mo ng ganiyan ang anak mo." Subalit hindi niya inaasahang sasagutin siya nito nang pabalang, "E, anong pakialam mo? Anak ko 'to kaya karapatan kong pagalitan 'to sa sarili kong paraan!" mataas na tonong anito na nagpatahimik kay Ellie. Ilang saglit pa ay may kamay na dumapo sa balikat niya, mula sa babaeng katabi niya sa bandang kanan. "Naku, ineng, madalas kong nakakasabay sa jeep ang babae na 'yan at hindi talaga maawat ang bibig niyan sa kakatalak. Hindi na nahiya," pasimpleng bulong nito. Subalit hindi nila inaasahang dalawa ang maririnig mula sa babaeng maingay, "O, anong pinagbubulungan ni'yo riyan? 'Wag kayong mangialam sa buhay ko. Dahil hindi ni'yo naman ako pinapakain!" Saktong tumigil na sa pag-iyak ang bata kung kaya't tanging boses niya na lang ang naririnig sa kabuuan ng jeep. "Aba'y sumusobra na talaga 'to, e," sabi ng babaeng katabi niya. Makikita sa mukha nito na gusto nang patulan ang babae pero mabilis itong napigilan ni Ellie. "Ate, hayaan mo na lang po. Susubukan ko po siyang pakalmahin, ako na po ang bahala," sabi niya rito. Saka siya nagbalik ng tingin sa babaeng talak ng talak. "Ate, hindi po sa nanghihimasok ako sa'yong pagiging ina, pero hindi naman po yata tama na pagalitan ang anak mo in public place. Hindi mo po ba alam na maaaring magkaroon ng traumatic stress ang bata, magiging reason 'yon para maramdaman niya 'yong anxiety at low self esteem," aniya na nagpatahimik sa babae. "Pasensiya na po pero isa po ako sa gustong ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan pero sa nakikita ko po ay hindi po kayo karapat-dapat na tularan bilang isang ina." At ang mga sinabing iyon ni Ellie ang naging dahilan kung bakit nagpasya na lamang pumara ang babaeng iyon habang halos mapilayan na ang anak nito sa paghila. At ang ikinabigla pa ni Ellie ay ang malakas na palakpakan ng ilang pasahero roon nang dahil sa sinabi niya. Nang makarating na siya sa bus terminal ay hindi naman niya inaasahan na mahaba ang pila ng mismong araw na iyon. Dahilan para mag-alala siya sa oras. - "You're late, Ellie," sabi iyon ng model instructor nilang si Miss Glenda, isa itong magaling na model instructor at sanay na sanay din na sumali sa mga beauty contest, minsan na rin itong kinoronahan bilang Mutya ng Pilipinas twenty-nineteen. "I'm sorry, miss," sabi pa niya. Halos lahat ng mga mata ay nakatuon lamang sa kaniya bago pa man siya pumwesto sa tabi ni Kiara ang isa sa mga magaling niyang katunggali pagdating sa pageantry. Pero isa rin sa mga malapit niyang kaibigan. "Bakit ka ba kasi na-late?" simpleng tanong nito sa kaniya. "Mahabang kuwento, Kia, mamaya ko na lang i-kuwento." Napatango naman ito sa sinabi niya at pareho na silang nag-focus sa rehearsal. Nalalapit na rin kasi ang paglaban nilang mga candidates sa gaganaping beauty contest sa Maynila at isa si Ellie sa pinalad na maka-experience no'n. Dati kasi ay sa kanilang barangay lang siya sumasali at kung minsan ay hindi pinapalad na manalo. Kaya isang malaking achievement para sa kaniya ang makasali sa ganitong klaseng pageant. "Okay, Ellie, move forward, then rampa," utos iyon ni Miss Glenda. Nilakasan niya ang kaniyang loob bago pa man tuluyang rumampa at hindi maiwasang mapapalakpak nito sa pagrampa niya. "That was good, Ellie." At nag-high five pa sila ni Kiara matapos marinig ang papuri ni Miss Glenda. "Okay, tomorrow, please don't be late dahil may bago akong ituturong model techniques sa inyo. See you!" "Bye, Miss Glenda!" magkakasabay nilang sabi. - "Alam mo, sis, you should rent a bedspacer na malapit dito para hindi ka na nale-late, maaga pa naman palagi ang call time," suhestyon ni Kiara sa kaniya matapos niyang i-kuwento ang nangyari kanina. Tinungga na muna niya ang tubig na nasa tumbler at saka sumagot, "Hindi ko pa afford, sis. Marami pa kasing binabayaran, e." Sandaling napatikom ang bibig niya sa isiping iyon. Halos lahat kasi ng bayarin ay siya ang gumagawa ng paraan, matagal na kasing walang paramdam ang kaniyang ama simula nang iwan sila nito at ipagpalit sa ibang pamilya. Habang ang kaniyang ina naman ay sumasakto lang sa kanilang pang-araw-araw ang kinikita nito sa paglalabada. Swerte na kung araw-araw ay may kita ito, ang kaso mababa na nga ang kita, doble pa ang pagod. Kaya naman umaasa siya na isang araw ay magbubunga ang lahat ng pagsisikap niya para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. Sa edad na desi-otso ay marami na siyang nasalihan na mga beauty contests sa kanilang barangay at kapag pinalad na manalo ay naipupundar niya ng kanilang gamit sa bahay ang nai-uuwing cash prize. Kapag may natira naman ay ipanggo-grocery o 'di kaya ay pangbayad sa mga bills kagaya ng tubig at kuryente. Pauwi na siya at naghihintay ng masasakyang bus, ramdam na rin niya ang antok at pagod nang biglang mahagip ng kaniyang mata ang bulletin board ng isang sikat na TV host at actor na si Renz Joaquin. Doon pa lang ay nakaramdam na siya ng atraksyon sa aktor at nangarap na sana balang araw ay makatrabaho ito sa mundo ng showbiz. Pinangarap niya rin kasing maging TV host at artista dahil naniniwala siya sa kakayahan niya. Dalawang taon na lang naman ay matatapos na rin siya sa kolehiyo sa kursong Masscommunication. Hanggang hindi niya namalayan na nakikipag-unahan na siya sa mga pasahero para lang makasakay. Pero hindi naman sinasadyang matatabig siya ng siko ng isang lalaki sa may bandang balikat. Dahilan para mapa-ingit siya sa sakit. Maiinis na sana siya subalit narinig niya naman ang paghingi niton ng pasensya. "I'm sorry, miss." Pero hindi niya inaasahan ang mukha ng lalaking nagso-sorry sa kaniya. "Renz?" paniniguro niya kaya naman sandaling napakunot ang noo nito. At halos malaglag ang kaniyang panga sa sinabi nito, "Ano? Hindi Renz ang pangalan ko, my name is Ronnie.” Hindi siya nakapag-react agad dahil kamukhang-kamukha ni Renz Joaquin ang lalaking ito!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook