"Aray!" sigaw ko habang namimilipit ako sa sakit sapagkat nahulog ako sa kama na aking hinihigaan. Anak ng patuka, oh! Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko'y totoo na. Nakakaloka naman. My God! Nakakahiya. Bakit ba pumasok sa aking panaginip si Senyorito Blake? Ang masaklap pa'y gagahasain daw ako nito. Bigla ko ring hinawakan ang aking bibig. Dahil naalala kong nilagyan nito ng brief ang aking bibig. "Rosana! Ano'ng nangyayari sa 'yo? Bakit nandiyan ka sa ibaba?!" gulat na tanong sa akin ni inay nang bigla na lang itong pumasok dito sa aking munting kwarto. "N-Nahulog po kasi ako sa kama, inay," nahihiyang pag-amin ko rito. "Naku! Ikaw na bata ka! Paano'ng nahulog ka pa sa higaan mo ay medyo malaki naman iyan. Kahit kailan talaga ang likot-likot mong matulog. Siya sige, tumayo ka