Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyang makalabas sa silid ng binata. Sa aking kwarto ako unang pumunta para mag-alis ng kaba sa aking dibdib. My God! Ano bang nangyayari sa lalaking iyon? Hindi ba talaga ito nag-iisip na parang ate na lang niya ako? Hindi puwedeng ganito! Hindi ko hahayaang mahulog ako sa mga bitag ng lalaking iyon. "Rosana! Rosana! Nandiyan ka ba sa kwarto mo?!" narinig kong tanong ni inay at habang malakas din ang boses at kumakatok sa pinto ng silid ko. Agad naman akong lumapit sa pinto para buksan iyon. Nakita ko naman si inay na may pag-alala sa mukha nito. At tila nababalisa rin. "Inay! Ano pong nangyayari sa 'yo?" tanong ko rito. "Anak, hindi mo ba na i-check ang alak bago mo dalhin kay senyorito Blak?" kabadong tanong nito. "H-Hindi ko po na check in