Habang tumutulo ang aking luha ay narinig kong ang isang putok ng baril mula sa labas. Agad ko ring iminulat ang aking mga mata. At ganoon na lang ang gulat ko nang makita kong may mga taong naglalaban sa labas nitong kotse. Tumingin din ako sa aking kasuutan upang alalim kong nakahubad ba ako. Pero nakita kong maayos naman ang aking damit at hindi rin sira ito. Diyos ko po! Panaginip na naman pala? Akala ko'y totoo na ang lahat. Pero mas kinabahan ako sa mga taong nagkakagulo sa labas ng kotse. Hinanap ng mga mata ko ang aking amo. At nakita kong nakikipaglaban ito. Kaya naman sa labis na takot ay agad kong binuksan ang pinto para sana makalayo sa lalaki. Subalit nakalock naman ito. Paano ako makakaalis dito kung nakalock ang pinto? Paano kung saktan din ako ng mga lalaking nakasuot ng