WARNING‼️ANG STORY NA ITO AY RATED SPG, DETAILED s*x SCENES ETC. NGAYON PALANG KUNG MASELAN KA PAKITANGGAL NALANG PO SA LIBRARY NYO.
"Dana! nasaan ang pinalabhan ko sayong damit?" hiyaw ng pinsan niyang si Pinky.
Matanda siya dito ng dalawang taon ngunit di ito gumagalang sa kanya at tila ba alila siya kung ituring ng magkapatid na Pia at Pinky. Magkapatid ang nanay ng mga ito at ang ama ko ngunit simula ng maulila ako simula ng first year high school ako ay kinopkop na nila ako. Ay mali kinopkop ko na pala sila kasi sa Nanay ko naman ang bahay na tinitirhan namin.
"Naku basa pa di ko kasi naisilong kanina." sabi ko na abala sa paglilinis ng ilalim ng lababo medyo may pagka oc kasi ang tiyahin ko at gusto niya na malinis lahat ng gamit.
"Tanga tanga ka talaga kaya nga pinalabahan kasi gagamitin na ngayon. Tapos pinaulanan mo lang." ganun nalang ang gulat ko ng hilain nito ang buhok ko.
"Pasensya na namalengke kasi ako kanina." sabi ko dito na tumalikod in fairness masakit kahit pala sanay na sanay kana e masakit padin sa anit.
Nakakasawa na laging ganito gustong gusto ko nang makaalis dito pero kakarampot palang ang naiipon. Lingid sa kaalaman ng tiyahin ko at pinsan ko naglalabada ako ng damit ng kapitbahay naming guro. Alam ng halos lahat ng tao sa lugar namin ang pangit na trato nang mag anak sa akin at inalok na din akong lumayo ng ilang kapitbahay. Ngunit takot sila sa pinsan kung pulis kasi kilalang siga sa lugar.
Pinahid niya ang luhang kumawala sa mata niya sa nakalipas na mga taon maraming pasa, paso at mga bogbog ang natamo ko mula sa pamilya ng tiyahin. Sa edad na bente sais ay wala siyang masyadong alam 1st year high school lang ang natapos niya. Kaya nagtityaga nalang siya sa mga librong binibigay ng guro naming kapitbahay.
Narinig ko ang pagsara ng pinto tanda ng pansamantalang kalayaan ko mula sa kalupitan nila. Nakahinga ako ng maluwang sa tinagal tagal kung nakatira dito pakiwari ko'y lagi akong sabik na sabik pag mag isa lang ako
tumayo na ako, at lumabas.
"Dana, Dana?" tawag mula sa labas sinilip ko si Ms. Lara ang guro naming kapitbahay.
"Bakit po Ma'am napadaan po kayo?" tanong ko sa ginang matandang dalaga na ito sa edad na kwarenta. Bihira silang magkausap nito sa takot na din niyang madamay ito sa kagagohan ng pinsan niya at tyahin. Luminga linga muna ito, bago may iniabot itong supot.
"Itago mong maigi yan may numero ko iyan at gamitin mo, sige na pumasok kana sa loob mo na buksan." agad ko namang sinarado ang gate ni hindi ako makalabas ng bahay siguro takot silang tumakas ako. Pag nagtatapon lang ng basura o pag sinasama ako ni Tiyang sa palengke yun lang ang pagkakataon na nakikita ko ang labas ng bahay. Isang hairdresser ang Tiyang at yung pulis kung pinsan na si Gary, si Pinky at si Pia. Si Pinky umiekstra sa mga commercial sa TV si Pia naman isang real state agent.
Dali dali akong pumasok sa loob madalas ay kumakalam ang sikmura ko kasi madalas eh inuubos ng mga ito ang kanin lalo sa gabi. Di siya sinasabay na kumain ng mga ito at pawang mg tira nalang ang kanya madalas tutong nalang. Kada pag grocery ni Ms. Lara ay binibilhan siya nito ng mga tinapay na tinatago nya sa kwarto para di siya magutom. Gusto na niyang makaalis sa poder ng mga ito lalo at kung minsan ay nararamdaman ko na pinagnanasaan ako ng pinsan ko. Minsan naka bantay sa mga kilos ko kaya kung minsan iniiwasan ko na mapagsama kami sa iisang lugar.
Agad kung binistahan ang cellphone na bigay ni Ms. Lara. kahit papaano ay alam ko kung paano gumamit ng cellphone at agad kung binistahan ang laman nito mayamaya ay may pumasok na text;
"Si Maam Lara mo to, naka plan ang number mo kaya wag ka mag alala magagamit mo yan sa pagtext at pagtawag."
Agad akong tumipa nang mensahe.
"Salamat po Ma'am, itatago ko po ito."
At lumabas ang notification, message sent.
"Cge at may klase pa ako." reply niya.
Agad naman akong sumagot
"ok po ty."
Agad kung binistahan ang bago kung cellphone kahit keypad lang ay marami na siyang application kaya medyo malilibang ako nito. Itinabi ko na muna ang cellphone, balak niyang mamayang gabi mag cellphone. Kanina pa kasi ring ng ring ang cellphone ni Pia naiwan yata nito sa lamesa at di nga ako nagkamali agad ko itong sinagot.
"He—lo." ang nag aalangan kung sagot.
"Hoy tanga dalhin mo sa may kanto ang cellphone ko. Bilis bilisan mo sa may seven eleven." sabi nito.
"Ay bastos talagang tunay binabaan ako agad ng telepono." napailing iling nalang ako.
Agad siyang gumayak kasi baka mabugahan siya nito ng apoy medyo may pagkamasungit ito pero sa magkapatid ito ang gusto niya. Mabait ito sa kanya binibigay nito ang mga pinaglumaan nitong damit sa kanya. Kaya kahit papano may iilang maayos na damit siya.
At nung nagpa America ito binilhan siya nito ng sandals na itinago niya lang agad akong bumaba at sumakay sa dumaang di padyak. Si Tiban ang taga looban na sabi ni Aling Lumen eh may gusto daw sa kanya.
"Saan ang punta mo Dana?" tanong nito nang makasakay ako.
"Diyan lang sa may seven eleven, sabi ko,"
Nang nasa harap na kami ng seven eleven ay agad na akong bumaba nakita ko naman agad si Pia inabotan nito ng bente si Tiban may kasama itong bakla.
"Dana ito o." inabotan niya ako ng burger na agad kung kinuha minsan lang ako nakakain nito. Kahit birthday niya di niya nakakain ang mga ganitong pagkain kahit takam na takam na siya ay di na nya muna kinain.
"Paano uuna na kami a umuwe kana ito fifty. Bumili ka ng ulam mo."sabi nito na agad kung tinanggap dagdag sa ipon ko din to.
"Salamat," sabi ko sumakay na ang dalawa sa isang pulang sasakyan at mabilis na pinasibad palayo ng kung sinumang nagmamaneho nito, napabuntong hininga nalang siya.Habang naglalakad ay napansin niya ang isang parehabang papel na kung di siya nagkakamali isang calling card kinuha niya ito at binasa.
Samuel Walter Rios
Ceo JRios shipping company
Sa ilalim ay may numero napangiti siya ng maisip ang cellphone sa bahay. Binulsa niya ang calling card at umuwe na.