Chapter 12

1043 Words

Kumakalam na ang aking sikmura at hindi ako nakatiis ay bumaba ako sa kusina binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig. Natakam ako sa cake na nasa harap pa talaga, pero agad kung sinarado malungkot akong uminom nalang ng tubig. Maya maya ay nag angat ako ng tingin nakita ko ang mga katulong na nakatingin sa kanya. "Ma’am kakain napo ba kayo? Ipaghahain ko po kayo maam." tanong ng isang kasambahay. Medyo bata pa ito pero mukha namang mababait, ngumiti ako ng tipid. "Ah hindi pa ako nagugutom.” sagot ko kahit na nandidilim na ang aking paningin sa gutom na nararamdaman. "Basta pag nagutom po kayo magsabi lang po kayo sa amin at ipaghahain ko po kayo." sabi nito. Nahiya na siyang bawiin ang sinabing di siya kakain kaya papanindigan na niya. "Sige salamat, aakyat na po ako." sabi ko at dali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD