Nakatitig lang ako sa bulto niyang mabilis na nag eempake ng mga gamit niya. Kakabalik ko lang mula sa pag gala kasama ang mommy niya. Di ako nakakibo ng maabutan ko ang isang magandang babae na nasa baba. Hinihintay nya daw si Walter. Gusto niyang itanong kung sino ang babae sa baba. Ngunit tila umurong ang dila niya ng makitang nag eempake na ito. Akala niya pa naman nandiyan ito para sa kanya na poprotektahan siya nito. Pero isang sundo lang ng iba ay sasama na. Paano na siya? Di man lang ba nito naalala na may kagaya niya na walang mapupuntahan oras na umalis siya. Walang wala siya ngayon kaya oras na umalis siya sa lugar na iyon sa lansangan siya mapupunta. Unti unting pumatak ang mga luhang pinipigilan niya kanina pa. Mukhang mag iisa na naman siya ulit, di niya alam ang mangyay