Walter pov Ganun nalang ang takot niya ng makitang unti unti ang pagbagsak ni Dana. Sa harap nila mismo ito bumagsak mabuti nalang at mabilis ang reflexes ni Drake kaya di nabagok ang ulo nito. Sanay siyang makakita ng mga nababaril dahil sa uri ng naging trabaho nila noon. They've been part of an undercover missions for over five years. Siya ang pinakahuling kumalas sa kanilang grupo maliban sa kaibigan niyang si Dalton. After his break up with his ex girlfriend ay pumasok na siya sa organization. Di lang halos mahahalata dahil patuloy parin siya sa kanyang mga personal na pag aasekaso ng kanyang mga negosyo. At ngayong may asawa na siya ay tuloyan na siyang kumalas bago pa man sila maikasal. Iba ang pakiramdam ng makita ang babaeng minamahal na tila nauupos na kandila sa harap mo. "W