chapter 29

1942 Words

Magkakasama na namasyal ang magkakaibigan dahil nakakahiya naman na kasama siya lalo at siya lang ang babae kaya pinili niyang manatili nalang sa bahay. Minsan kailangan mo din naman na bigyan ng konting espasyo ang partner mo. "Hala naiwan ka pala Maam Dana!" tila gulat na bungad ni Ellen. Ngumiti ako sa kanya. "Oo nagpaiwan ako, kahit ayaw sana ni Walter. Gusto ko kasing mag enjoy siya kasama ang mga kaibigan niya." sabi ko pa na naupo sa may sofa. "Wow, sana all po hehe. Paano po kung magkayayaan sila na mag beer house mamaya?" sabi nito. Natigilan naman siya doon, alam naman niya ang ganun yung may mga ktv kung saan may mga babae na makikipaglandian sa mga lalaki. Tila nayamot siya bigla at parang gusto niyang sumunod sa mga ito. Baka nga magyaya ng beerhouse ang mga kaibigan nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD