Masarap pala sa pakiramdam ang ganito, Yung Wala akong ibang worries sa buhay kundi ay kung panu lang ako, di na ako matatakot. Wala nang aapi sa akin at ramdam ko ang halaga ko bilang Tao. "At para saan ang ngiti na yan?" Nakataas ang sulok Ng labi nito na nakangiti Naman. "Wala Lang masaya Lang ako, Kasi nakakain ko na ang mga pagkain na dati niluluto ko lang para sa mga bisita o sa mga pinsan at tiyahin ko. Alam mo dati naghihiwa ako ng isang pulgada tapos kinakain ko ng patago baka mahuli ako ni Tiyang. Tapos nahuli niya ako, nilatigo niya ako ng lubid sa likod ko." Sagot ko na inalala ang araw na iyon. Kaya di na ako muling nakakain ng ganun uli. "Let's forget about them, after kumain will be going na, may damit akong binili kanina, yun ang gamitin mo." sabi nito. Muli akong nilagy