Biglaan man ang kanilang naging kasal ay marami parin ang kanilang panauhin. Nagulat pa siya ng makita si Miss Lara sa may pinto na naghihintay. "Miss Lara!" Bulalas ko, agad akong tumakbo at yumakap ng mahigpit dito. Di niya napigilang di maiyak ng makita ang babae. Di niya makakalimutan ang kabutihan nito sa kanya, marahil ay kung di dahil dito nasa poder parin siya ng kanyang malupit na mga kaanak. "Dana!" Bakas ang saya sa mukha nito ng yakapin ako. "Miss Lara, ang saya ko po na makita kayo sa araw ng kasal ko." Masayang sabi ko dito. "Masaya din akong makita kang masaya Dana, para na kitang anak. Masaya akong malaki na ang pinagbago ng buhay mo pero mamaya na tayo mag usap at hinihintay na kayo sa loob." Sabi nito. Bumeso din ito kay Walter. "Tara na po sa loob Mrs. Iyakin." Sab