Dalawang araw na ang lumipas mula nang makauwi sila galing sa bakasyon. Hindi pa sila nagkakausap ng kanyang boss dahil pagkauwi nila nang araw na iyon ay may biglaan itong meeting sa ibang bansa. May conference itong dadaluhan ng apat na araw kaya siya muna ang naging punong-abala sa opisina nito. Ang about Antonio Serrano. Iniiwasan niya munang isipin ang tungkol doon. Ayaw niyang maapektuhan ang sariling buhay at pinipilit niyang hindi gawing komplekado ang lahat. So far, ay nagagawa niya iyon sa ngayon. Pagpasok nga niya sa opisina ay maraming nagtanong kung bakit sabay silang nawala ng CEO, ang tanging sagot niya ay nag leave siya sa trabaho at hindi niya alam kung bakit wala ang kanilang boss. Mabuti naman at hindi na nagtanong pa ulit ang mga ito. Tiyak na pagpi-fiestahan siya