Kahit natapos na ang kanta ay nanatili parin silang magkayakap ni Brad. Para bang walang gustong bumitaw at parang ayaw nilang maputol ang pagkakataong iyon. "Are you happy?" mahinang bigkas ng labi ni Brad sa tenga ni Valeria "I am. Thankyou for doing this. I truly appreciate your kind of a dinner date. If that's what we call this." nakangiting sagot niya. Bahagya itong humiwalay ng yakap sa kanyang bewang at tinitigan siya ng mariin. Ang kanyang buhok na nililipad ng pang gabing hangin ay inipit nito sa likod ng kanyang tenga. Sa sobrang gaan ng pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay hindi niya alintana ang lamig na dumadampi sa kanyang balat. "You deserved this dinner date. Sa tabing dagat lang sana ang una kong plano pero nang makita ko ang kubong lumulutang sa dagat, I instantly