Chapter Six

1542 Words
IT'S been five years but she still loves him. She tried to date but she still ended up longing for him. Holding someone else's hand feels like cheating, she tried to open her heart for someone. But her soul disagrees with her. But how can she be truly happy if she is still stuck in the past and he has already moved on? Will the time come that she will love someone else? Or she'll be forever stuck with her feelings for him? Maybe no, maybe yes. She sat on the chair as her eyes glued to the menu. She is in a restaurant recommended by her friends, she is with her sister. Nagyaya kasi itong mamasyal sa mall at ng magsawa ay naghahanap sila ng kainan. But then she remembered her College friend recommended Kuya's Home Cooked Meals. A popular restaurant in the city, famous for its Filipino Cuisines. "Ate payagan kaya ako nila Mama mag-dyowa?" her sister asked out of the blue. Pinaningkitan niya ito ng mga mata, "Kung anu-ano na naman sinasabi mo Nics. Gusto mo 'atang masabunutan ko?" "'To naman si Ate! Hindi mabiro, 'kako ikaw Ate. Wala ka pang dyowa malapit ka ng mawala sa kalendaryo. Baka pwede mo na 'kong bigyan ng pamangkin?" She smirked, "Pamangkin? Eh wala nga akong dyowa. Anak pa kaya." "Ba't kasi 'di ka nagpabuntis kay Kuya Von Rix—" "Yang bibig mo ha!" paninita niya sa kapatid. "Eh, kasi naman Ate. Sayang iyong relasyon niyo ni Kuya. Antagal niyo na kaya—" "At matagal na rin kaming hiwalay, jusko! Ikaw 'ata ang hindi maka move-on sa amin ni Von Rix." "Naka move on ka na ba talaga Ate? Eh, 'di ba first boyfriend mo si Kuya—" "Jusko naman Nikka, limang taon na kaming hiwalay ni Von Rix. Marami na nga sigurong naging girlfriend iyan ng maghiwalay kami." She tried not to sound bitter, kaso it is the reality. Hindi ito kagaya ng mga kwento na maghihintay ang lalaki para sa babaeng mahal niya kahit ilang taon man ang lumipas. Hindi ito pelikula o kwento, ito ay ang reyalidad. At ang reyalidad na iyon ay maaaring magmahal si Von Rix ng iba. Ang masaklap nga lang ay sa limang taong hiwalay sila ay mas minahal niya ito. Hindi niya kayang magmahal ng iba. "Ay! Oo Ate, andami naging dyowa ni Kuya. Kung sinu-sino nga babae niyan. Eh, wala naman naging asawa. Baka hinihintay ka pa—" "Isa na lang talaga Nikka Marrionette sasabunutan na talaga kita!" pagbabanta niya sa kapatid na walang ibang bukambibig kundi ang ex niya. Baka nga nagkandadapa-dapa na iyon sa kakabanggit ni Nikka sa pangalan nito. After they ordered for their food ay nag-usap muna silang magkapatid. "Nga pala Nikka, bukas birthday mo na. Okay lang ba kung kakain muna tayo sa labas bukas?" she asked. But actually it is part of the plan, that before lunch time they will be heading to the house. Whereas everything is set for the house blessing, she made sure that the foods she ordered would arrive thirty minutes after they arrived so as the Priest. S’yempre, dahil umpisa ng misa de gallo ay magsisimba muna silang mag-anak bukas. "Ano ka ba, Ate. Kahit ano okay sa 'kin, isa pa binilhan mo ako ng bagong phone. So okay lang sa 'kin kahit hindi na tayo maghanda o kung ano." Kahit dati ay lagi silang nag-aaway dahil hindi rin nagpapatalo ang kapatid niya sa sa kamalditahan ay mahal niya ito. Yun nga lang ay minsan masarap ipatapon sa pluto, sa kanilang magkakapatid ay mas madali silang magkabati. Kesa sa kapatid niyang si Jose dahil inis na inis siya dito kahit hindi niya alam kung bakit. "Hindi na, nakapag-book na ako kahapon pa. So dapat by ten am ay nakarating na tayo sa pupuntahan natin bukas. Saka suotin niyo iyong bago nating pinamili bukas ah. Pero magsisimba tayo alas cuatro ng madaling araw okay?" "Weh? Eh dati Ate kapag ginigising ka para magsimba ng madaling araw natutulog ka lang naman ulit. Nagagalit ka rin kapag ginigising—" "Hoy! Dati iyon ano. Basta bukas everything is settled kaya by nine thirty in the morning nakaalis na tayo sa bahay." Kulang na lang ay hampasin niya sa gigil ang kapatid niya. Minutes later, dumating ang mga order nila. They were enjoying the foods, nilalantakan niya ang paboritong Pork Sisig. Hindi niya mapigilang namnamin ang lasa nito, she tried cooking Sisig in Australia kaso hindi niya talaga makuha ang lasa ng Sisig na niluluto sa kanya ni Von Rix. Von Rix , again. She shook her head lightly. “Ate, si Kuya Von Rix!” Nasamid siya sa sariling laway, mabilis pa sa alas cuatro siyang uminom ng tubig. Nang mahimasmasan ay tinignan niya ng masama ang kapatid. “Tigil-tigilan mo ako, Nikka. Namumuro ka na sa akin,” saka pinandilatan ang namumutlang kapatid. Umiling-iling ito, “Seryoso Ate andyan nga kasi si Kuya Von Rix. Nakalimutan kong sabihin sa ‘yo. Sa kanya pala ‘to, nag-abroad rin siya kagaya mo. ‘Di ko lang sure kung saan bansa, Australia rin ‘ata.” Putang ina. Ilang mura pa ba ang maiisip niya. Why does everything involve Von Rix? Why the hell the universe is telling her that she’ll be Good for him. Kung sa Australia man hindi talaga siguro sila nakatadhana na magkita. Kung sana hindi sila naghiwalay, she’ll probably wants him to follow her. Para magkasama sila, kaso hindi pa umabot ng taon sa Australia ay naghiwalay sila. He broke up with her through chat, no explanation. She tried to reach out to him pero wala na talaga. He ended the relationship they had. Natatakot siyang lumingon at makasalubong ang mga mata nito. Everything is too much for her, hindi niya kinaya kahapon at nag-aya ng umuwi. She cannot handle the pain, kahit limang taon na ang nakalipas. Napatitig siya sa Sisig, kaya pala pamilyar ang lasa. It was his recipe. JUNE 23, 2022 Tomorrow was supposed to be their fourth year anniversary but they decided to celebrate it earlier. Kasi bukas a ang alis niya papuntang Australia, kung tutuusin ay ayaw na ayaw niyang umalis. She wanted to work in their town, kaso hindi ang pamilya nila ay baon sa utang dahil nagkasakit ang kanyang kapatid ilang buwan na ang nakaraan. Matagal na siyang kinukumbinsi ng tiyahin na sumunod na sa ibang bansa, kaso ayaw niyang iwanan ang comfort zone niya at si Von Rix. Ayaw niyang mawalay sa binata ngunit ito na rin ang nagtulak sa kanya dahil nais nitong makatulong siya sa mga magulang. Dalawang taon lang ang plano niya. “Ano ba ‘yan, kumain ka nga ng gulay huwag iyang puro Sisig.” Reklamo ni Von Rix habang nilalagyan siya gulay sa pinggan niya. “Ba’t ba kasi nagluto ka pa ng gulay,” parang bata niyang reklamo. “Huwag kang mamili ng pagkain. Kung ano ang nandyan sa mesa kainin mo, paano ka na lang dun sa ibang bansa? Baka puro walang sustansya ang kakainin mo.” She rolled her eyes. “Opo, Sir. Huwag kang mag-alala once a month kakain ako ng gulay--” “Anong once a month?!” gigil na tanong Von Rix habang nilalagyan ulit ng gulay ang pinggan niya. “‘To naman ‘di mabiro. Kakain ako dun ng masustansya ano ka ba. Ikaw ang dapat umayos rito sa pinas, baka gusto mong masabunutan ko. Huwag ka puro inom at kung anu-ano! Kapag talaga nambabae ka, uuwi ako ng Pinas at ingungudngud ko kayong dalawa.” “Hindi ako mambabae. Wala sa isip ko iyan ‘no. Magdududa ka pa ba, e. Ilang taon na tayong mag-boyfriend at girlfriend. Inaya na rin kita ng kasal, live in, magka-anak. Mambabae pa ba ako sa lagay na ‘yan? Sa ‘yo ko lang nakikita future ko.” She made face, “Pinagloloko mo ‘ata ako. Kapag talaga iyan nangyari nako lintik lang ang walang ganti.” “Kumain ka na lang nga,” ani nito saka sinubuan siya. “Kung anu-ano na naman iniisip mo. Inaatake ka na naman ‘ata ng kaabnormalan. Saka kumain ka ng gulay, kaya walang resistensya iyang katawan mo puro processed foods lang at karne. Dapat balanse! Kapag talaga nagpakasal tayo kung anong nasa mesa kakainin mo." She always felt kilig whenever he talks about their future. It makes her feel that he looks forward to the days they will be together. Everyone around them wonders when are they planning to get married or have kids since all of her friends are all married with kids. But family comes first. . . She has to choose something that will help her family, iyon din ang gusto ni Von Rix. He wants her to fulfill her duties as the eldest, so when the time comes anyone from her family can't say anything against their relationship. Ninamnam niya ang lasa ng Sisig. Mamimiss niya talaga ang lasa nito, kahit na matutunan man niya ang timpla nito. Iba pa rin kapag si Von Rix ang nagluto. Walang makakapantay. It was the last time he cooked for her, ang dalawang taon ay naging limang taon. At ang apat na taon na relasyon ay natapos na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD