Chapter Eighteen

1221 Words
ANOTHER day, another ka-engotan. She had to go to Von Rix's restaurant since it was his restaurant's anniversary. Isang taon na pala ang pinaghirapan nito sa abroad. Wala namang nagbago sa nararamdaman niya sa binata, hindi ito nabawasan gaya ng gusto niya ngunit patuloy itong nadaragdagan. Kahit anong pilit niyang tanggi at pigil. She wore a flowy puff sleeve brown dress paired with a white block heels. She tried to put on a little makeup just to hide her dark circles because of staying late every night. Susunduin niya si Ishie at ang mga magulang nito, she presented to drive for them tutal doon din ang destinasyon ng mga ito. Ang pakulo kasi ng restaurant ni Von Rix ngayon ay ang first one hundred customer for the day will have free meals. Pasasalamat daw nito sa matagumpay na karera ng negosyo nito. Kung dati rati ay walang masyadong gusto si Von Rix sa buhay. Simple lang ang gusto nito noon ang makabawi sa mga magulang nito. Right now, sobra-sobra ang biyayang ibinigay ng Diyos rito. She is happy for him even if she is no longer part of his happiness. "Good morning, Ishie at sa 'yo baby boy!" bati niya sa kaibigan at anak nito. "Good morning, Tita!" bati ng inaanak niya but it sounded like dud mowning! It was too cute to hear. "Salamat talaga sa 'yo, Ave! Hindi kasi kami mahatid ni Toto kasi maaga trabaho niya. Si Kuya naman busy sa anak nito—" "Sus ano ka ba! Wala 'yun ano. Nasaan na pala sila Auntie?" she asked. "Nandun pa sa loob lalabas rin ang mga iyon. Teka nga— nagkabalikan ba kayo ni Kuya Von Rix? Wapa bang progress?" "Jusko, ha! Umagang-umaga Ishie, kung anu-anong pinagsasabi mo. Magkaibigan nga kami ng Kuya mo." "Weh?" She rolled her eyes, "Oo nga. Saka kung makasabi ng progress as if may nangyayari sa 'min." "Lintek, ang bagal! Sayang iyong premyo." "May sinasabi ka Ishie?" she asked, hindi niya narinig ang binulong nito. "Sabi ko balikan ko sila Mama sa bahay. Baka masyadong pagpapaganda na ginawa nun, dito muna kayo nitong inaanak mong sutil." "Grabe siya sa anak niya!" Ishie left, habang siya ay nakikipag daldalan sa bata. "Hindi ka ba nagtataka wala ka pang kapatid?" she asked the cute little boy. "Mama said Tito Von Rix daw ako mag ask ng baby," inosenting saad nito. Napakurap naman siya sa gulat, "Eh. May wife na ba Tito mo? Paano siya magkakababy." "Sabi ni Mama malapit na daw. Mga ganito na sleep na lang," he said while showing his ten fingers. "Saka magbibili daw kami marami toys kapag may baby na si Tito Von-von." "Hindi mo pa ba kita wife Tito mo?" Para siyang siraulo na namimingwit ng chismis sa bata. She don't want to ask Ishie dahil uulanin lang siya ng tukso at kagaguhan nito. She'd rather die than to ask her. "Wife? Like Mama and Papa? Wala naman ako kita may nagkiss kay Tito Von-von." "Ahh," anya niya saka tumango-tango. "Hoy! Anong sinasabi mo sa anak ko?!" "Putang ina mo Ishie!" sigaw niya napahampas pa siya sa manibela dahil sa gulat. "Harsh mo naman. Baka sinisiraan mo ako sa anak ko," nakapamewang pa nitong saad. She rolled her eyes, "As if alam na ng anak mo na may sayad ka sa utak. Teka asan ba sila Tito?" "Inilock pa iyong tindahan," pumasok si Ishie sa passenger seat habang nasa likod ang anak nito may hawak hawak na cellphone. Seconds later dumating na ang mga magulang nito. Sumakay ang dalawa sa backseat. "Asa'n pala iyong bunso?" tukoy niya sa bunsong kapatid nila ni Ishie. "Ay pinuntahan dyowa niya," matabang na saad ni Ishie. Bumaling siya sa dalawang matanda, "Okay lang po ba kayo diyan sa likod?" Tumango ang ina ni Von, "Oo Hija. Pasensya ka na talaga." "Okay lang Tita ano ka ba. Hindi na kayo iba sa 'kin ano," she said and smiled. "Ay kumusta ka na pala Hija?" Ishie's father asked. "Ay okay naman po ako sa awa ng diyos," she started the engine and drive carefully. It's been ages since the last time she had talked to them. Mayroong awkwardness but she'll get along with it. Von Rix's parents were the parents she wished she had. Mabait ang mga ito at mapagmahal. Kahit na siya na hindi kadugo ay itinuturing ng mga ito na sariling anak. She had always felt the warmth they have. "Wala ka pa bang asawa, 'nak?" Ishie's mother asked. "Wala po," she answered politely. "Ay! Si Von Rix 'din, magbalikan na kayo." Halos manginig ang laman niya sa narinig. She heard Ishie giggled, she almost snorted in the end she rolled her eyes. "Yan din sinabi ko, Ma. Tutal baka siya lang ang hinihintay ni Kuya kaya hanggang ngayon walang nagiging asawa si Kuya." "Ano ba kayo," saway ng tatay ni Ishie. "Huwag niyong pinipilit si Ave. Isa pa kung sila talaga ang tadhana na ang gagawa." "Sus, Pa! Ang korni ng tadhana mo. Saka hindi pa ba ang tadhana ang nagsasabing sila ang para sa isa't-isa? Imagine, five years na silang wala si Kuya hindi mapirmi sa isang babae. Si Ave naman hindi na nagkaroon ng nobyo. Isn't destiny telling us already na sila na dapat?" "Huy grabe naman. Magkaibigan lang kami ni Von Rix ano. Saka I respect naman his decision if he likes someone else," awat niya pa kay Ishie. Gigil na gigil talaga si Ishie pagdating sa kanilang dalawa ng Kuya nito. Nakarating sila ng matiwasay sa restaurant ni Von Rix. Magkakaroon kasi ng maliit na salu-salo for his staffs, family and friends. Exclusive for today, kinabukasan naman ay may pakulo ito para sa restaurant nila. As they reached their destination kabadong-kabado siya. She doesn't know why but her heart has gone crazy. As they walked inside, sinalubong sila ng magagandang tanawin at mga bisita. But what took her attention was Von Rix staring at her like he had seen something precious. In the midst of the crowd, her eyes could only see him. They were lead to a table, may nakikita siyang mga pamilyar na mukha. Ang ilan sa mga ito ay kapit-bahay nila at ang iba ay mga kaibigan ni Von Rix. She saw her friends too, Aena, Nala, Jerven and Mary. Ang mag-asawa ay hindi raw makakadalo. Ang pagdating nila ay ang pag-umpisa pa lang ng programa. There was a mini stage, filled with flowers and balloons. The short program started, the formal messages bored her. Kaya inabala niya ang sarili sa pagdutdot sa cellphone niya. Magkatabi lang sila ng table nila Aena kaya rinig na rinig niya ang daldalan ng mga ito. Si Ishie naman ay abala rin sa pakikipagdaldalan. Von Rix came to the stage, "Good afternoon to each and everyone. I am thankful to each of you na dumalo sa maliit na salu-salo at maikling program. Celebrating the anniversary of my restaurant. Today marks a very important thing that happened in my life. I have lost something yet in return ang restaurant na ito ang bumalik sa 'kin. Kayong lahat na narito ay malaking bahagi ng aking buhay kaya nais ko rin ibahagi ang aking tagumpay." His eyes landed on her. "Sa lahat ng nandito, salamat sa inyo. Lalong-lalo na sa mga magulang ko. May our success will never end, in God's grace."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD