UMALIS mula sa pagkakasandal sa pader si Keith nang makarinig ng kaluskos mula sa loob ng apartment na kaninang tanghali pa niya binabantayan. Huminga siya ng malalim nang marinig ang mahinang click ng pinihit na doorknob. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pinagmasdan niya ang alanganing paglabas ng babaeng tumayong ina ni Yona sa nakaraang sampung taon. Sylve. Kahit ang pangalan nito pamilyar sa kaniya. Kanina habang hinihintay niya ang pag-uwi ng mga ito, saka lang niya na-realize na sa lampas isang taong relasyon nila ni Emerald, palagi nito nababanggit si Sylve. In fact, kung tama siya ng pagkakatanda ilang beses pa nga sila nagkita noon. Hindi lang nagreregister sa kaniya ang existence ng babae dati kasi ang buong atensiyon niya nakatuon lang kay Emerald. Maingat na sinara uli ng bab