Gladys Sloane Madrid Monreal Point of View Nakatingin lang ako sa bintana ng eroplano habang nasa byahe kami papunta raw sa Visayas. Iyon ang sinabi sa akin ni Annalise at buong byahe ay hindi ko maiwasang kabahan lalo na ngayon. Wala kasi kaming balita kay Kazimir at sa mga kasama nila. Kaya kinakabahan talaga ako. Masakit sa akin na mawalay sa kaniya dahil lalaban na naman ulit si Kazimir tapo sinilayo na naman niya ako sa pangalawang beses. Hindi ko tuloy maiwasang mapa isip kung talaga bang kaya na niya ang sarili niya o hindi. Ngunit nang maalala kong mafia nga pala siya, bakit ako kakabahan? "Kain ka muna," ani ni Annalise. Napalingon naman ako sa kaniya na ngayon ay may inilalahad sa akin na pagkain. Sandwich ito at hindi ko alam kung paano siya nakakuha dahil wala namang flight